Buong magdamag ay nakaupo lamang ako dito sa bato kung saan ako inalalayan ni David para umupo.
Natapos na ang ritual na ginawa ni Mr. Daniel sa amin para maging isang ganap na Gray witch kami, ang hindi ko maintindihan ay kung bakit ang mga kaklase ko ay nagawang mag palit ng anyo habang ako walang nag bago sa akin.
Ang kasuotan nila ay nag bago, ang ilan sa mga katangiang physical nila ay nag bago. Sa akin wala. Isang malaking palaisipan para sa akin.
"Alison, pinapasabi ni Mr. Daniel na kakausapin ka daw niya mamaya." Sabi ni David na umupo sa harap ko, inabot niya sa akin ang isang pares ng bagong damit.
Tinignan ko ito saka tumingin sa mga kaklase ko.
"Bakit sila pag tapos nila umahon ay nag iba ang mga kasuotan nila, habang ako nabasa lang?" Tanong ko kay David, tumingin rin si David sa mga kaklase namin saka muling tumingin sa akin.
"Siguro parte yon ng mga kapangyarihan nila." Sabi niya kaya natawa ako.
Wala talagang alam pagdating sa mahika ang lalaking ito.
Hindi ko nalamang siya kinausap saka tinanggap ang inilahad niyang pares ng damit. Tumayo ako mula sa kinauupuan ko saka nag tungo sa palitan ng damit na nilikha ng isa sa mga kaklase namin.
Pag pasok sa loob ay tumambad sa akin ang salamin, agad kong sinara ang pinto saka tinitigan ang repleksyon ko sa salamin.
Walang nag bago sa akin hindi kagaya ng mga kaklase ko na nag bago ang kulay ng buhok, kuko at labi maging ang kasuotan. Parang nabasa lang ako ng tubig na iyon.
Huminga ako ng malalim saka nag simulang mag palit ng uniporme, pagtapos ay muli kong tinitigan ang sarili ko sa salamin.
Napakunot ang nuo ko ng dahan dahang nag iba ang repleksyon ko sa salamin.
"Me...li..s..sa.." napa atras ako ng makita ko ang naka ngiting repleksyon ni Melissa sa akin, isang ngiti na nakakatakot, kasabay noon ang pag labas niya sa salamin at pag sakal sa akin.
Agad akong napa hawak sa door knob at akmang pipihitin ito pabukas ngunit hindi ko mapihit.
"Me...li..s..sa.."nahihirapan kong banggit sa pangalan niya ngunit ngisi lamang ang ibinigay niya sa akin saka pumasok sa katawan ko dahilan para mapaupo ako at takot na mapatingin sa salamin.
Napahawak ako sa mukha ko habang nakatingin sa salamin, kinakapa ko kung anong mali dahil kitang kita ng mga mata ko na pumasok siya sa akin.
"Alison? Nanjan ka ba? Matagal ka pa ba jan?" Rinig kong tanong ni David sa labas. Dahan dahan kong kinapa ang door knob saka pinihit ito, sa pag kakataon na ito ay nabuksan na ang pinto.
"Alison! Anong nangyare?"tanong ni David matapos niyang makalapit sa akin saka ako inalalayan para makatayo.
"Namumutla ka, ayos ka lang ba?"tanong niya. Tumingin lang ako sa kanya saka unti unting nandilim ang paningin ko at tuluyang nanghina ang katawan ko.
~~
Pag dilat ng mga mata ko, puting kisame agad ang bumati sa akin sunod ang mukha ni David na nag aalala.
"Gising na po si Alison." Sabi ni David saka muling tumingin sa akin. "Alison, ayos ka lang ba?"tanong niya sa akin, hindi ko siya sinagot.
Sunod kong nakita ang mukha ni Mr. Daniel.
"Ms. Ferrer, buti naman at gising ka na, may masakit ba sayo?"tanong niya. Hindi ko rin sinagot si Mr. Daniel, sa halip ay pumikit ako at muling dumilat, sa pag kakataon na ito ang mukha naman ni Melissa ang nakita ko.
May ngisi sa kanyang labi habang nakatingin sa akin.
"Alison, ayos ka lang ba?" Dahan dahang nag iba ang mukha ni Melissa hanggang sa naging mukha nito ni David.
"O-oo." Sagot ko nalamang. "Nasaan ako?"tanong ko saka akmang uupo ng pigilan ako ni David.
"Nasa clinic ka, bawal ka munang gumalaw kasi may naka kabit sayo." Sabi niya, tumingin ako kay Mr. Daniel, naalala ko na may sasabihin siya sa akin.
"Mr. Daniel, ano nga po ang sasabihin niyo sa akin? Sinabi sa akin ni David na kakausapin mo raw po ako."sabi ko.
Huminga siya ng malalim saka tumingin sa akin ng seryoso.
"Alison, gusto ko na mag tapat ka sa akin." Sabi niya. "May nararamdaman ka bang kakaiba?"tanong niya, umiling ako bilang sagot.
Huminga siya ng malalim muli.
"Dahil sa naganap na pag lubog mo habang ginagawa ko ang ritual sayo, naputol ang pundasyon ng immortal world sa mga oras na iyon na naging dahilan kung bakit hindi ka tuluyang naging gray witch." Sabi niya kaya tumingin ako kay David.
"Ano pong ibig sabihin noon? Uulit na naman po ba tayo?"tanong ko, ayoko nang umulit dahil natatakot na ako sa lugar na iyon.
Ang pag lubog ko sa tubig noong mga oras na iyon ay parang bangongot sa akin.
"Oo, pero sa hindi ganoong paraan dahil tapos na ang oras ng pag bukas ng pinto ng immortal world." Sabi niya kaya kumunot ang nuo ko.
"Kung ganon sa paanong paaran po?"tanong ko, nakita ko na tumingin siya kay David. Kaya napatingin din ako kay David.
"Iba sa mga kasamahan ng supreme council ang gagawa ng ritual nang sa ganon ay maging ganap ka na gray witch."sabi ni Mr. Daniel.
"Kinakailangan ko po bang lumubog ulit sa itim na tubig?"tanong ko, umiling siya.
"Isang practice ang gagawin sayo ng supreme council, ritual na bihira lamang gamitin dahil sa panganib na dala nito." Bigla tuloy ako kinabahan sa sinabi niya.
Ibig sabihin malalagay sa panganib ang buhay ko?
"Paanong panganib po?"tanong ni David.
"Ang ritual na ginawa natin kahapon ay ritual upang makita, mahanap at magkaisa ang sarili ninyo, sa kaso mo Alison, habang ginagawa ang ritual sayo ay hindi mo nakita ang sarili mo mula sa kabilang mundo." Paliwanag ni Mr. Daniel.
"Ang gagawin ng supreme council ay bubuksan ang lagusan mula sa kabilang mundo, doon ay hahanapin mo ang sarili mo mula sa kabilang mundo." Sabi niya, hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa sinabi niya. Parang nag loloading lang sa akin ang mga sinabi niya.
"Mapanganib ang paraan na iyon dahil maaaring ibang nilalang ang sumama sayo at sumanib." Dagdag niya.
"Ano pong mangyayare kapag iba ang simanib sa kanya?"tanong ni David. Tumingin sa akin si Mr. Daniel ng seryoso.
"Maaaring maging sanhi iyon ng kaguluhan sa mundo natin." Sagot ni Mr. Daniel habamg nakatingin sa akin ng seryoso.
Napaiwas ako ng tingin dahil sa kakaibang kaba na nararamdaman ko ngayon, sa mga sinabi ni Mr. Daniel, mas maganda at mas pipiliin ko na wag nalang maging isang ganap na Gray witch.
Huminga ako ng malalim.
"Kailan po gaganapin iyon?"tanong ko.
"Mamayang hating gabi." Sagot niya na nakapag palingon sa akin.
~~~
Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper
BINABASA MO ANG
The Cursed of Melissa
Fantasy|Completed| Melissa, the mysterious name that everyone in the town is afraid to talk with. They say Melissa is a monster, some say Melisa is an evil witch, some say Melissa is a craft demon and bound with a cursed. But who Melissa is?