''Calling all the attention of all student of Walter Academy, please proceed to the stadium."
"Alison, pansinin mo na ako, sorry na bati na kasi tayo." Hindi ko pinakinggan si Franxine na ngayon ay sumusunod sa akin papunta sa Stadium. Kasunod niya si David na hanggang ngayon ay buntot ng bunto sa kanya.
"Alison." Tumigil ako sa paglalakad saka tinignan siya ng masama dahilan para matigilan rin siya at mas lalo siyang matakot.
"Isa pang buntot mo sa akin malilintikan ka na." Inis kong sabi sa kanya saka siya tinalikuran ulit.
"Alison sorry na kasi hindi ko na uulitin." Hindi ko sya pinakinggan sa halip ay nakipag siksikan ako sa kumpol ng mga studyante na nasa gitna papunta sa isang bakanteng upuan.
Nakita ko na sumunod sa akin si Franxine ngunit dalawang upuan ang layo nila sa akin, tinaasan ko lang siya ng kilay ng makita ko na naka pout siya at nakatingin sa akin.
Ipinaling ko na ang aking atensyon sa harap kung saan nakatayo doon ang ilang opisyal ng paaralan. Hinihintay nila na mapuno ang stadium at makapasok ang lahat ng studyante sa loob.
"Alison, ikaw pala yan." Tinignan ko ang katabi ko na nag salita. Si Wayne, ang laging top 1 sa rank ng section namin. Tinignan ko lang siya saka muling tumingin sa harap.
"Wala man lang Hi jan o Hello?"Tanong niya, hindi ko siya pinansin.
Lumayo na nga ako sa isang maingay natabi naman ako sa isa pang maingay.
"Bakit hindi mo kasama bestfriend mo ngayon?" Tanong niya, tinignan ko siya.
"Bakit ba ang ingay mo?" Tanong ko, natawa siya.
"Ikaw na nga itong kinakausap ayaw mo pa." Sabi niya kaya inirapan ko siya.
"Ang sungit mo kamo, tatanda kang dalaga niyan." Pangaasar niya kaya muli ko siyang tinignan ng masama.
"Boyfriend ba ng bestfriend mo yung bago?"Tanong niya.
"Ano bang pakealam mo?" Tanong ko.
"Curious lang, kaya ka napapaguidance dahil sa ugali mo eh." Sabi niya kaya muli ko siyang inirapan.
Napuno na ng studyante ang stadium, kakaibang ingay ang meron ngayon sa loob.
"Attention student." Biglang natahimik ang lahat ng marinig nila ang boses ng Higher supreme council.
"Pinatawag kayong lahat dito upang i-orient sa darating na witchmural next week."
"Gusto mo sama ka sakin sa witchmural kung di mo kasama ang bestfriend mo?" Tanong ni Wayne saakin.
"No, thanks." Sagot ko.
"Dalawang event ang magaganap ngayong buwan, una ang witchmural sunod ang Magic hymn games para sa nalalapit na bloody moon."
"Ang witchmural ay gaganapin ng tatlong araw, sa unang araw ay aalamin kung anong breed ninyo, sa pangalawang araw ay pag sasama samahin kayo para sa isang event na gaganapin bawat breed. Sa pangatlong araw naman ay gaganapin ang isang seremonya para sa pangkalahatang breed ng mga witch." Paliwanag ng council.
"Please be reminded na sa tatlong araw na iyon ay hindi kayo uuwi sa mga bahay ninyo, dahil dito kayo matutulog sa loob ng paaralan." Dagdag nito.
Iniwasiwas niya ang wand niya, sabay noon ang paglabas ng isang malaking imahe na kita naming lahat. Ang imahe ay isang buwan na kulay pula.
"Limang araw pagtapos ng witchmural ay magaganap ang Magic Hymn, ito ay para icelebrate ang bloody moon na magaganap. Ang magic Hymn ay gaganapin dito sa paaralan, ngunit iba't ibang paaralan mula sa iba't ibang mga bayan ang makakasama natin sa laro." Sabi nito at napalitan ang imahe. Naging pitong hugis ng tao ang nasa larawan ngayon.
"Kada paaralan ay pipili ng pitong manlalaro na mag rerepresenta para sa kanila, ibig sabihin pito lang sa inyong 11,689 students dito sa Walter ang makakasama sa team upang mag laro." Nagsimula ang mga bulong bulongan sa loob ng stadium.
"Ang makukuhang manlalaro para sa Magic Hymn ay automatic na exempted sa lahat ng subject at makakauha ng malaking karangalan mula sa iba't ibang mga paaralan na sasali sa laro." paliwanag nito saka muling napalitan ang larawan.
Napatigil ako ng makita ko ang larawan.
Ang puno na sinasabi ni Franxine na doon inilibing ang isang witch.
"Isa pang karangalan na makukuha ng mga makakasali sa laro ay ang tyansang malaman ang katotohanan sa likod ng unknown witch na naka libing sa punong nasa bayan." Dagdag nito na nag bigay ng interes sa akin.
Narinig ko ang ilang mga bulungan ng mga narito, para sa kanila mababaw ang karangalan na iyon at walang mahalaga pero para sa akin hindi iyon mababaw.
Muling nag balik sa isip ko ang mukha ng babaeng nakita ko sa gitna ng kalsada. Gusto kong malaman kung sino ang babaeng iyon.
"Mukhang interesado ka sa last na nabanggit, ang babaw mo naman ata." Tumingin ako kay Wayne na nakatingin sa akin at natatawa, hindi ko siya pinansin sa halip ay tumingin ako muli sa harap at muling nakinig.
"Isang mahalagang paalala lamang para sa lahat, na ang pagsali sa larong Magic Hymn ay walang kasiguradohan na makakabalik pa." Muling sabi nito kaya natigilan ako, ganon rin ang mga nakikinig na studyante sa council.
~~~
Matapos ang orientation na naganap sa stadium ay nag sibalik na ang mga studyante sa kani-kanilang mga klase, lutang akong bumalik sa aming room kasama si Wayne na kinukulit ako kanina pa, hindi ko siya binibigyan ng pansin sa halip ay iniisip ko ang sinabi kanina bago matapos ang orientation.
"Alison, wag mo masyadong intindihin ang sinabi ng council na iyon, nananakot lang iyon saka isa pa hindi ka naman ata mapipili kaya wag ka na mag overthink." Tumigil ako sa paglalakad at humarap kay Wayne na walang ibang ginawa kundi ang inisin ako.
Bakit ba nag cross ang landas namin ng lalaking ito.
"Pwede ba, kung pupunta ka sa classroom mauna ka na, wag mo na ako sundan dahil wala akong balak na makasama ka." Sabi ko sa kanya.
"Ang sakit mo naman." Sabi niya.
"Alison!" Sabay kaming napalingon sa tumawag sa akin, si Franxine. Napapikit ako dahil sa inis.
"Nako po narito na ang isa pang maingay." Bulong ko. Tuloyan ng nakalapit sa amin si Franxine at as usual kasama niya si David.
"Alison, sorry na kasi pansinin mo na ako." Nag mamakaawang sabi ni Franxine at napalingon kay Wayne.
"Grabe ka Alison, pinagpalit mo ko kaagad sa Wayne na ito." Dagdag niya.
"Magkaaway kayo? kaya pala" Sabi ni Wayne saka dumikit pa sakin lalo.
"Ako na ang bagong kaibigan ni Alison." Dagdag niya saka inakbayan ako.
Nagulat naman ako sabiglaang pag akbay niya sa akin saka siya tinitigan ng masama.
"Hindi halata na kaibigan ka niya, nakasimangot siya eh." Singit naman ni David na mas lalong nag pakulo sa dugo ko.
Bakit ba laging sinusubukan ang pasensya ko?
"Love language niya iyan, wala kang magagawa." Sabat naman ni Wayne habang may mapangasar na ngiti sa kanyang labi.
Naatawa naman si David.
"Sama ng loob ang sa tingin ko nananalaytay sa kanya ngayon dahil sa pag akbay mo sa kanya." Sabi naman ni David.
Mas lalong natawa si Wayne.
"Bakit ba nakikisali ka ORDINARYONG TAO? usapan ito ng mga witch." Sabi ni Wayne kaya hindi na ako nakatiis pa at inalis ang pagkaka akbay niya sa akin saka lumayo sa kanilang tatlo.
"Pwede ba? bigyan niyo ako ng peace of mind kahit ilang oras lang? ang iingay ninyong tatlo." Iritang sabi ko saka lumayo sa kanilang tatlo.
~~~
Tweet me redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper
![](https://img.wattpad.com/cover/326644444-288-k285460.jpg)
BINABASA MO ANG
The Cursed of Melissa
Fantasy|Completed| Melissa, the mysterious name that everyone in the town is afraid to talk with. They say Melissa is a monster, some say Melisa is an evil witch, some say Melissa is a craft demon and bound with a cursed. But who Melissa is?