Alas tres na nang madaling araw pero hindi parin ako naakakatulog, hanggang ngayon ay nasa tanggapan ako ng supreme council dahil sa naging resulta ng ritual na ginawa sa akin paara tuluyan akong maging isang ganap na Gray witch.
Ang sabi ni Mr. Daniel, isa na akong gaanap na gray witch, pero dahil sa naging kamukha ko si Melissa ay kinakailangan na kausapin ako ng sampung myembro ng supreme council at maging ang ilan sa mga nakakataas na posisyon sa paaralan.
Parang napaka big deal para sa kanila ang nangyare sa mukha ko, pero sa totoo lang para sa akin ay big deal nga ito dahil sa nag iba ang mukha ko.
Hindi ko lubos maisip kung bakit naging kamukha ko si Melissa matapos ang ritual na ginawa, sabi sa akin ni Mr. Daniel ay importante na makausap ako ng mga council at ibang matataas na myembro ng paaralan para sa kaligtasan ko.
"Kinakabahan ka parin ba?" Lumingon ako sa katabi ko, si David na pati siya ay hindi parin natutulog at hindi makapaniwala sa kinalabasan nang ritual.
Tumango ako bilang sagot saka sumandal sa upuan at tumingin sa kisame.
"Si Melissa ang nakita ko habang ginagawa ang ritual sa akin, hindi ang sarili ko." Sabi ko saka lumingon sa kanya, nakatitig lang siya sa akin at hindi nag salita, nakita ko ang kakaibang emosyon sa mukha niya, para bang malungkot siya habang nakatingin sa akin.
"Naalala mo noong nag sasayaw tayo sa gitna at bigla kitang iniwan?"Tanong ko.
"Oo." maikling sagot niya.
"Sa totoo lang iniwan kita noon dahil nakita ko si Melissa at ang familiar niya."Sabi ko kaya napaiwas siya ng tingin sa akin. "Kamukha mo ang familiar niya, David." Sabi ko saka huminga nang malalim.
"Naalala mo noong nag tanong ako tungkol sa mga knight vampire?" Tanong ko, tumango siya bilang sagot.
"Nakita ko rin si Melissa sa pangitain ko noon kasama ang familiar niya na isang Knight Vampire." Sabi ko. "Hindi ko alam kung nag kataon lang ba ang mga iyon o may dahilan kung bakit kaparehas ng breed ko si Melissa at ngayon ay naging kamukha ko." Sabi ko saka tumingin sa harap.
"Sa totoo lang nag simula lang naman na makita ko siya sa pangitain ko nang makita ko ang weird na babae sa labas ng school." dagdag ko. "Ang sabi sa akin ni Melissa bago ko buksan ang mga mata ko kanina ay iisa lang kami. Ibig sabihin ba noon ay magiging masama ako gaya niya?" tanong ko.
"Hindi siya masama." Napalingon ako kay David nang sabihin niya ito sa akin.
"Ang ibig kong sabihin, malay mo hindi siya masama at kwento kwento lang na masama siya?" Sabi niya kaya kumunot ang nuo ko. "Huwag mo munang husgahan ang isang nilalang kung hindi mo pa alam ang buong katotohanan." Sabi niya na mas nag pakunot ng nuo ko.
"Bakit mo naman dinedepensahan si Melissa eh hindi mo naman siya kilala?" Tanong ko kaya lumingon siya sa akin.
"Kaya nga, bakit mo naman hiuhusgahan si Melissa eh hindi mo rin naman siya kilala." Balik niyang sabi sa akin kaya napatayo ako sa kinauupuan ko.
"Bakit ba ang defensive mo? tao ka lang naman." Sabi ko kaya tumayo rin siya at akmang may sasabihin pero hindi niya na tinuloy, biglang napalitan ng malamig na emosyon ang kanyang mukha saka umupo ulit.
"Ms. Ferrer." Lumingon ako sa tumawag sa akin, si Ariza.
"Hinihintay ka na nila." Sabi niya kaya lumingon ako kay David na malamig ang awra ngayon, huminga ako nang malalim saka lumapit kay Ariza at sumunod sa kanya, binuksan niya ang pinto at tumingin sa akin, pumasok ako sa loob at tumambad sa akin ang sampung myembro ng Supreme council at ang limang matataas na myembro ng walter academy.
Lahat sila ay nakatingin sa akin at gulat na gulat ng makita ako. Napayuko tuloy ako dahil sa mga reaksyon nila, para bang nakakita sila ng multo habang nakatingin sa akin.
"Please sit down Ms. Ferrer." Sabi ni Ariza at tinuro ang bakanteng upuan sa harap. Sinunod ko an sinabi niya saka muling humarap sa kanila nang makaupo ako.
"Dios por pavor, anong sumpa ang aking nakikita ngayon?" Tanong ng pinaka matanda sa kanila, sa tingin ko ay isa siya sa limang matatas na opisyal dito sa walter.
"Siya si Alison Ferrer, isang gray witch." pakilala sa akin ni Ariza, nakita ko na may nag sign of the cross sa isa sa mga matatas na opisyal ng walter. Bakit ba parang takot na takot sila sa akin?
"Ms. Ferrer, pwede mo bang ikwento sa amin ang lahat nang kakaibang naranasan mo? mula sa simula haggang sa bago." Sabi ni Kim.
"O baka naman, kamag-anak niya si Melissa ang salot na mangkukulam." Kumunot ang nuo ko dahil sa sinabi ni Ace, isa sa sampung myembro ng Supreme Council.
"Hindi ko kaamag-anak si Melissa." Sabi ko habang nakatingin sa lalaking iyon. "Dahil lahat ng kamag-anak ko ay matagal nang namatay." Dagdag ko.
"Ni hindi ko nga kilala si Melissa."
"Kung ganon, ano itong nabanggit ni Mr. Daniel sa amin na nasabi mo sa kanya kanina na nakita mo si Melissa habang ginagawa ang ritual sayo?" Tanong ni Cargo, isa sa sampung myembro ng Supreme Council.
"Nag simula lang iyon noong makita ko ang isang weird na babae sa daan habang papunta ako dito sa walter." Sabi ko, narinig ko ang pag tawa ni Ace.
"Kalokohan."
"Totoo iyon, matapos yon ay nagsunod sunod na ang mga kakaibang bagay na nangyayare sa akin, may isang babae na nag papakita sa pangitain ko, may laging bumubulong sa akin na 'Melissa' at habang ginaganap ang unang araw ng witchmural ay muli na namang nag pakita sa akin ang babaeng iyon at..."Tumingin ako kay Ariza na nakikinig sa akin.
"At nakita ko na kilala siya ni Ariza." Dagdag ko.
"Sya ngang tunay na si Melissa na isang daang taon nang patay ang iyong nakikita." Sabi ng isa sa limang matataas na myembro ng walter.
"Kailan mo nakita ang sinasabi mong weird na babae?" Tanong ni Ariza.
"Noong araw ng anibersaryo ng kamatayan ng unknown witch." Sagot ko.
Nakita ko na nagkatinginan sila dahil sa sagot ko.
"Matapos noon ay lagi ko nang naririnig ang pangalan na Melissa kaya naman ang hula ko ay aang babaeng nakikita ko sa pangitain ko ay si Melissa."Sabi ko.
"Posible nga na hindi mo kamag-anak si Melissa, ano sa tingin niyo ang posibilidad kung bakit naging kamukha niya si Melissa?" Tanong ng isang taga high member ng walter.
"Alam mo ba na delikado ang dinadala mong mukha ngayon?" Tanong sa akin ni Kim, hindi ako sumagot dahil hindi ko naman alam kung ano ang isasagot ko.
"Hindi kaya magaganap na ang resurrection?"
~~~
Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper
BINABASA MO ANG
The Cursed of Melissa
Fantasía|Completed| Melissa, the mysterious name that everyone in the town is afraid to talk with. They say Melissa is a monster, some say Melisa is an evil witch, some say Melissa is a craft demon and bound with a cursed. But who Melissa is?