Chapter 33: David

52 2 0
                                    

Matapos ang pag papakilala sa nga school representatives ay balik na naman sa normal ang lahat para sa studyante ng Walter, maliban sa mga sasali ng laro sapagkat kami ay inatasan na dumalo sa inihandang munting kasiyahan na gaganapin sa head quarters ng Councils.
Pagdating namin sa  head quarters ay naruon na ang ilan sa manlalaro ng ibang paaralan at nag sisimulang mag saya, ang ilan sa kanila ay nakikipag usap sa ibang representative ng ibang paaralan.
"Ang expensive naman tignan ng ilan sa kanila." Bulong sa akin ni Maja kaya napalingon ako sa kanya.
"Tignan mo yung captain na iyon." Sabi niya saka tinuro ang Captain ng Muntellio high, si Stormi.
"Kung makipag usap sa iba ay parang napaka expensive." Sabi niya kaya natawa ako.
"Ano ba kayo, dapat nagiging friendly kayo sa kanila." Singit ni Wayne na may hawak na wine ngayon.
"Watch me." Sabi niya pa saka kumindat sa amin, napairap ako sa pagkat alam ko na kung saan hahantong ang sinasabi ni Wayne na dapat ay Friendly.
Lalandi lang talaga siya.
"Napaka play boy naman ng kaibigan niyo, ganon ba talaga siya?" Tanong ni Maja sa akin. Narinig ko ang pagtawa ni Franxine sa likod namin saka nagpunta sa gawi namin.
"Oo, masanay ka na." Sabi niya habang nakatingin kay Wayne na nakikipag usap kay Stormi.
"Alison." Tumingin ako kay David ng tawagin niya ako, nakangiti siya sa akin at inabot ang isang baso ng inumin sa akin, nakangiti ko itong tinanggap sa kanya.
"Salamat." Sabi ko matapos kong tanggapin ang alok niya.
"Tara usap tayo." Dagdag ko saka nag paalam kila Maja at Franxine na makikipag usap muna ako kay David.
Agad kaming nag tungo ni David sa gilid at umupo.
"Tungkol saan?" Tanong niya kaya tumingin ako sa kanya saka tumingin sa paligid.
"Alam mo, ikaw lang kasi ang naniniwala sa akin pagdating sa kanya." Sabi ko kaya kumunot ang nuo niya, ilang segundo ang lumipas bago niya magets ang sinabi ko.
"Kay Melissa?" Tanong niya, tumango ako bilang sagot saka uminom sa inumin na binigay ni David sa akin.
"Anong meron sa kanya?" Tanong niya. Tumitig ako sa mga mata niya saka tumingin sa harap.
"Noong mga panahon na bigla akong nawalan ng malay, bigla akong napunta sa nakaraang buhay ni Melissa." Sabi ko kaya bigla siyang natahimik.
"Hindi ko alam kung ano ang purpose ng bagay na iyon pero nakita ko ang lahat ng pangyayare sa buhay niya, I mean not all, yung dahilan lang kung bakit siya naging masama." Sabi ko saka lumingon sa kanya. "At tama ka, kasi hindi siya masama, ang tao at malalapit sa kanya ang gumawa sa kanya ng masama." Dagdag ko dahilan para mas lalo siyang mapatitig sa akin.
"Ibig sabihin, naranasan mo ang buhay niya?"tanong niya, umiling ako.
"Noong unang beses oo pero nong mga sumunod na ay nanunuod nalamang ako, pinapanuod ko kung paano nila saktan, babuyin at patayin si Melissa." Sabi ko.
"Ano ang mga nakita mo?"tanong niya.
Huminga ako ng malalim saka tumingin sa harap.
"Nakita ko kung paano idiscriminate ang breed na Gray witch sa panahon niya, kung paanong sinaktan siya ni Ace at babuyin, ang diary niya na laman ang lahat ng mga impormasyon tungkol sa masasamang ginawa sa kanya ng mga malalapit sa kanya, kung paano masira ang pagkakaibigan nila Melissa at Ariza, kung paano siya ipagtabuyan sa Walter academy, at kung paano siya patayin ng Familiar niya." Sabi ko kaya natahimik si David.
"Hindi ko maunawaan kung bakit kailangan siyang patayin ng Familiar niya, pero ayon kay Melissa siya ang napag bintangan na pumaslang sa mga kauri ng Familiar niya." Dagdag ko saka tumingin kay David na hindi kumibo.
Napansin ko ang lungkot sa mga mata ni David.
"Hindi ko malaman kung bakit nasira ang pagkakaibigan nila ni Ariza pero isa lang ang malinaw sa akin, na sila Ariza, Kim, Ace, Mr. Daniel at ang ibang mga matataas na opisyal ng Walter na narito ay ang mga taong nanakit at nag traydor kay Melissa." Sabi ko.
"Alam ko narin ang sumpang sinasabi ng mga tao sa bayan na binitawan ni Melissa ng siya ay mamatay. Iyon ay ang sumpa na sa tuwing sasapit ang kamatayan niya ay iitim ang langit, ginawa niya iyon sapagkat bago siya mamatay ay hiniling niya na sana umulan ng sa ganon ay hindi makita ang luha niya." Sabi ko habang nakatingin sa harap.
"Isama pa doon ang sumpang binigay niya kila Ariza at sa ibang mga tao na nanakit sa kanya, isinumpa niya sila na hindi mamamatay hanggat hindi niya nabibigyan ng leksyon ang nga taong iyon." Dagdag ko.
"At alam mo ba, kung ano ang pinaka nagustohan ko sa lahat?" Tanong ko saka tumingin sa kanya.
"Kahit na ang Familiar niya mismo ang pumatay sa kanya, hindi sya nag tanim ng galit ka Dale sa pagkat ang sabi niya sa diary niya ay naibsan ang nararamdaman ni Melissa ng sandaling saksakin siya ni Dale." Kwento ko, nakita ko ang kakaibang expression ni David ng sandaling ikwento ko iyon.
"Sa halip ay binigyan niya pa ng proteksyon ang Familiar niya laban sa mga taong nanakit kay Melissa."dagdag ko. Lumingon sa akin si David at nakita ko ang pamumuo ng luha sa mga mata niya.
"Bakit parang naiiyak ka?"natatawa kong tanong sa kanya saka inubos ang inumin na inabot niya sa akin.
"Wala lang, ako ang nalulungkot sa sinapit nu Melissa." Dagdag niya saka tuluyang tumulo ang mga luha niya. Agad kong nilapag ang basong hawak ko sa gilid saka tumabi sa kanya at pinakalma siya. Natatawa ako dahil sa reaksyon niya.
"Sira ulo ka, tahan na baka isipin nila ako ang nag paiyak sayo."sabi ko, tumingin siya sa akin at niyakap niya ako dahilan para magulat ako sa ginawa niya.
"David, kumalma ka muna." Sabi ko habang yakap yakap niya ako, ramdam ko ang pagiyak niya kaya mas lalo akong natawa.
"Nasabi ko na ba sayo na kamukha mo si Dale? Ang familiar ni Melissa?" Tanong ko saka humiwalay sa pagkakayakap sa kanya, tumingin siya sa akin kaya mas lalo akong natawa at pinunasan ang luha niya
"Ano ka ba, huwag kang umiyak nang dahil lang sa kwento ko, tignan mo may ilan ng nakatingin sa atin." Sabi ko at natawa.
"Alison..." tumingin ako sa kanya ng tawagin niya ako ng seryoso.
"May ipag tatapat ako sayo." Sabi niya kaya dahan dahang nawala ang ngiti sa labi ko at kumunot ang nuo ko.
"Ano iyon?" Tanong ko habang nakatingin sa kanya.
Napaka seryoso ni David sa mga oras na ito, kaya naman bigla akong kinabahan dahil sa kanya.

The Cursed of MelissaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon