Chapter 38: The Minotaur Monster

59 2 0
                                    

Tumigil kami sa paglalakad ng tumigil si Ace na nasa harap namin, wala pa kami sa kalahati ng paglalakad namin, ni hindi pa nga kami nakaka hanap ng matutuluyan namin.

"May mali." Sabi ni Ace kaya kumunot ang mga nuo namin. Humarap sa amin si Ace.
"Hindi niyo ba napapansin na kanina pa tayo mag lalakad?" Tanong niya kaya tumingin ako sa mga kasama ko na naka kunot ang nuo.

Kanina pa kami nag lalakad? Hindi ko ramdam sa pagkat sa iba nakatuon ang atensyon ko at ang isip ko.

"Kanina ko pa napapansin na  nadadaanan natin ang batong ito." Sabi ni Ace saka tinuro ang malaking bato.

"Hindi kaya illusion ang nagaganap sa atin ngayon?" Tanong ni Wayne.

Nakita ko na pumikit si Ace at pinakiramdaman ang paligid, ilang minuto ang lumipas at muli niyang idinilat ang mga mata niya.

"Hindi." Sabi niya saka tumingin sa amin.

"Hindi illusion ang nangyayare sa atin." Dadag niya.

"Ano?" Tanong ko kaya tumingin siya sa akin. Ilang minuto syang tumahimik habang nakatingin sa akin.

"Naramdaman niyo ba iyon?" Tanong ni David kaya sabay kaming lumingon ni Ace sa kanya.

"Ang alin?" Tanong ni Maja.

Ilang minuto kaming natigilan sa pag sasalita saka pinakiramdaman ang paligid.
"Parang gumalaw itong kinatatayuan natin." Sabi niya kaya tumingin ako sa ibaba.

Lupa ang kinatatayuan namin, lupa na may kakaibang damo.

"Parang hindi naman." Sabi ni Franxine saka tumalon talon.

Hindi ko naramdaman ang sinasabi ni David na gumalaw ang kinatatayuan namin, kung gagalaw man ito siguro ay isa lamang itong pakulo ng simulator.

"Wayne...." Tawag ni Ace kay Wayne kaya tumingin ako sa kanila, parang nag uusap sila sa mga mata nila.
Nakita ko kung paano ilabas ni Wayne ang wand niya at kung paano niya dahan dahang binigkas ang kakaibang spell.

"Ngayon na!"
"El fanto!" Pagkabigkas ni Wayne ng spell ay agad kaming lunutang sa ere, kasabay noon ang pag sabog ng kinatatayuan namin.

kumunot ang nuo ko ng makita ko kung paano magsi bagsakan ang mga puno at mga bato, kung paano mag sitakbuhan ang mga hayop sa baba.

"Anong meron?" Tanong ko.

"Tignan niyo iyon." Sabi ni David at tinuro ang likod ko, agad akong humarap sa likod ko at halos mapamura ako ng makita ko ang dahan dahang pag tayo ng isang malaking halimaw.

Hindi lang malaki, kundi sobrang laki...

"Wayne, ilayo mo na tayo rito." Sabi ni Ace.

"Hindi pwede." Sabi ni Wayne kaya sabay kaming tumingin ni Ace kay Wayne na napalunok.

"Bakit?" Tanong ko.

"Fisto" pagka bigkas niya ng spell ay biglang umilaw ang itaas namin kaya naman napatingin kami sa taas at doon napag tanto namin na natrap kami.

"Nahulog tayo sa isang patibong," sabi ni Ace.

"Kapag umalis tayo dito ay tyak akong susundan tayo ng ilaw na nakikita niyo ngayon saka sasabog sa ating lahat." Sabi Wayne kaya napamura si Ace.

"Parang lilingon yung halimaw sa atin." Sabi ni Sean kaya tumingin kami sa halimaw na nasa harap namin, ang Minotaur monster na kung saan umaabot sa 12 foot ang laki niya.

Tama si Sean, unti unting tumitingin sa dereksyon namin ang halimaw.

"Ace anong plano?" Tanong ni Maja. Tumingin ako kay Ace na nag iisip. Bigla siyang tumingin kay Maja.

"Maja, anong elemento ang nakokontrol mo?" Tanong ni Ace.

"Tubig at hangin." Sagot ni Maja, tumango si Ace saka tumingin kay Wayne.

"Gumawa ka ng ingay Wayne." Utos ni Ace kaya kumunot ang nuo ni Wayne.

"Bakit? Kapag gagawa tayo ng ingay malamang ay titingin ang halimaw sa atin." Sabi ni Wayne.

"Iyon nga ang balak ko, sa oras na makita tayo ng halimaw sigurado ako na pupuntahan niya tayo dito." Sabi ni Ace.

"At sigurado ako na hahawakan tayo ng halimaw kaya naman sa oras na umakma siyang hahawak sa atin, ikaw Maja utusan mo ang hangin na papuntahin tayo sa ligtas na lugar ng mabilis at Wayne kailangan mong ialerto ang sarili mo dahil ikaw naman ang syang mag aalis sa atin dito." Sabi ni Ace.

"Sa oras na nakaalis tayo dito amg ilaw ay siyang mag rerekleft sa kamay ng halimaw, pag nangyare iyon sigurado ako na siya na ang susundan ng ilaw at siya na ang sasabog." Dagdag niya kaya tumango si Wayne.

"Gumawa kayo ng ingay bilis!"
"Ahhhhhhh!"
"Halimaw!!!! Tumingin ka samin!"
"Ahhhhhhhhhhhhh!"
"Wooiiioliooooooo"
Sabay sabay kaming napatigil lahat ng lumingon sa amin ang halimaw, at gaya ng sinabi ni Ace ay dahan dahan siyang lumapit sa amin at pinag masdan kami.

"Kakainin niya ba tayo?" Tanong ni Franxine kaya lumingon ako sa kanya, alam kong natatakot na naman siya kaya naman kinuha ko ang kaliwang kamay niya saka hinawakan ito. Lumingon sa akin si Franxine kaya ningitian ko siya.
"Kumalma ka muna." Sabi ko kaya tumango siya.

Muli naming binalik ang aming mga titig sa halimaw na siyang malapit na sa amin.

Syang tunay na nakakatakot ang Minotaur monster dahil ano mang oras ay maaari niya kaming isubo bigla.

"Wayne, alerto." Paalala ni Ace habang hindi inaalis ang tingin sa halimaw.

"Maja, alerto."

Halos mabingi kaming lahat ng biglang umalulong ang minotaur monster. Isang alulong na sobramg sakit sa tenga at sobrang lakas dahilan para mapatakip kami sa mga tenga namin.

Ilang minuto ang lumipas ay natapos siyang umalulong ng pagka haba haba. Muli siyang tumingin sa amin at gaya ng sinabi ni Ace ay hahawakan nga kami nito.

"Ngayon na!" Sigaw ni Ace hudyat para gawin ang planong sinabi niya.

Agad kaming inalis ni Wayne sa lugar na kanina lang ay naruon kami, habang si Maja naman ay inutusan ang hangin na ilayo kami sa halimaw.

Muling tumingin ang halimaw sa gawi namin at akmang lalapitan kami ng bigla na lamang nagiba ang kulay ng patibong na nasa taas ng halimaw at sa isang iglap ay bigla na lamang sumabog ang katawan ng halimaw.

Bigla akong natawa ng makitang wala na ang halimaw.

"Grabe, ang tindi ng unang engkwentro natin sa halimaw." Sabi ni Sean habang natatawa.

"Ang laki naman ng halimaw na iyon, may mas lalaki pa kaya doon?" Tanong ni Maja.

"Sa tingin ko meron pa." Sabi ni Ace habang nakatingin sa malayo, bigla tuloy akong napalingon din sa malayo at nakita na meron pa ngang malaking halimaw dahil hanggang dito sa kinatatayuan namin ay tanaw namin ang isang halimaw na nag lalakad.

"Kailangan na nating kumilos." Sabi ni Ace pag kasabi niya noon ay saktong nilapag kami ni Wayne sa lupa.

"Masyadong delekado ang lugar na ito kaya kailangan nating mag ingat." Dagdag niya saka tumingin sa amin.

"Unahin natin ang ating matutuluyan ng sa ganon ay ligtas tayo sa badya ng mga halimaw na pagala gala sa paligid."

The Cursed of MelissaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon