Sa lahat ng mag aaral na nandito ngayon sa Walter Academy, ako pa ata ang tinamaan ng kamalasan.
Tinignan ko ang katabi ko, si David na syang gulong gulo rin dahil sa nangyare.
"Ms. Ferrer, pwede mo nang simulan ang pag gawa ng kontrata sa pagitan ninyo ng Familiar spirit mo." Sabi ni Kim isa sa mga council, tinignan ko siya saka muling tumingin kay David na siyang naging Familiar spirit ko.
Malas na nga sa breed, malas pa sa naging familiar spirit.
"Pwede bang ulitin ang pag tawag ng familiar?"tanong ko. "Baka kasi may nangyareng misfunction or may nagawang mali ang taong katabi ko kaya nagkaganon." Sabi ko. Umiling si Kim saka tumingin sa aming dalawa ni David.
"Alam niyo, ito rin ang unang beses na nangyare ang ganito." Sabi niya habang nakatingin sa amin.
"Isang... tao ang naging familiar ng isang witch." Dagdag nito. Napairap ako.
"Baka nagkamali lang ang portal. Hindi pwede na isang tao ang familiar ko, paano niya ako mapo-protektahan at magagabayan kung wala siyang kapangyarihan?" Tanong ko.
Narinig ko ang ilang pag bulong ni David na syang nasa tabi ko.
"Hindi maaaring mag-kamali ang portal Ms. Ferrer, masyadong makapangyarihan ito. Siguro ay may dahilan kung bakit si Mr. Gomez ang napiling maging Familiar mo." Sabi nito sa akin.
"Kung ano man ang dahilan na iyon, sigurado na wala namang patutunguhan iyon. Lalo na't isang ordinaryong tao si David." Sabi ko.
"Wala na tayong magagawa Ms. Ferrer. Kung ano ang nilabas ng portal iyon ang familiar na nararapat sayo." Sabi nito kaya muli akong tumingin ng masama kay David saka huminga ng malalim.
"Sa ngayon, nararapat lamang na gawin mo na ang kontrata sa pagitan ng familiar mo dahil marami pang susunod sa iyo." Dagdag nito.
Labag'man sa loob ko, pero tama siya. Wala na akong magagawa.
Gamit ang pinaka matulis na bahagi ng aking wand, sinugatan ko ang akimg palad dahilan para lumabas ang dugo ko.Sunod noon ay tinignan ko si David na tahimik lamang na nasa tabi ko saka labag sa loob na hinawakan siya at nag bigkas ng spell.
Pag kahawak ko sa kanya ang syang pag ilaw ng leeg niya, sa kanang bahagi nagkaruon siya ng kakaibang marka.
Iyon simbolo na meron ng kasunduan sa pagitan naming dalawa.
Binitawan ko siya, at sabay noon ang pagkahilo ko dahilan para mapahawak ako muli sa kanya na sya naman naging dahilan ulit kung bakit may nakita akong kakaiba.
"Melissa... congrats isa kang Gray witch." Si Ariza..
Nakangiti ang isang babae habang nakatingin sa wand niya sunod noon ang paglabas ng isang lalaki sa portal.
"Isang knight vampire ang familiar mo, congrats Melissa."
"Alison." Nawala ang mga imahe, napalingon ako sa nakahawak sa akin ngayon, si David.
Halata sa mukha niyaa aang pagaalala.
"Ayos ka lang ba?"tanong niya. Tumingin ako sa harap at nakita si Kim na nakatingin sa akin, napalingon ako sa gawi ni Ariza na nag aassist ng mga studyante.
"Alison, dumudugo ang ilong mo." Sabi sa akin ni David kaya hinawakan ko ang aking ilong at naramdaman na basa nga ito, tinignan ko ang aking kamay at nakita na may dugo nga ito.
"Mas mabuting bumalik na kayo sa inyong upuan, doon mo na siya asikasuhin." Sabi ni Kim kay David, tumango si David at inalalayan ako patungo sa table namin kung saan naruruon na sila Wayne at Franxine kasama ang kanilang mga Familiar.
Habang nag lalakad kami napatingin ako kay David na hindi makatingin sa akin at ilang beses ng napalunok habang inaalalayan ako.
"Anong nangyare?"tanong ni Franxine ng makita niyang dumudugo ang ilong ko, umupo ako sa upuan ko habang si David naman ay umupo sa tabi ko at binigyan ako ng tissue saka ako tumingala.
"Hindi ko alam, matapos niyang gumawa ng kasunduan naming dalawa bigla na lamang siyang nawalan ng balanse at dumugo ang kanyang ilong." paliwanag ni David. Nakita ko ang pagkunot ng nuo ng dalawa.
"Ano?" Sabay nilang tanong habang nakatingin kay David.
"Sabi ko hindi ko alam, matapos niyang gumawa ng kasunduan naming dalawa bigla na lamang siyang nawalan ng balanse at dumugo ang kanyang ilong." Pag uulit ni David sa sinabi niya.
"ANO?!"
Napairap ako.
"Nabingi na ba kayo dahil sa mga familiar niyo?"Tanong ni David sa dalawa.
Biglang lumapit si Wayne kay David at pinakita kay Franxine ang marka sa leeg nito.
"Anong ibig sabihin nito?" Tanong ni Wayne.
"Marka ng isang familiar." Sabi ni Franxine saka tumingin sa akin.
"Sya ang familiar mo?" Tanong niya, hindi ko siya pinansin. Sa halip ay tumingin ako sa ibang dereksyon.
"Paano?"Tanong ni Wayne na hindi makapaniwala. Muli itong bumalik sa kanyang upuan.
Tumingin lang sa akin si David, hindi ako sumagot sa tanong ng dalawa dahil hanggang ngayon ay naiirita ako sa naging breed ko at lalo na sa naging Familiar ko. Meron rin parte sa akin na nag tataka kung bakit nakita ko ang kakaibang pangyayare ng matapos kong gumawa ng kontrata sa pagitan namin ni David.
"Paano ka naging Familiar ni Alison?" Tanong ni Wayne kay David, huminga ng malalim si David.
"Hindi ko alam, basta bigla nalang ako nag teleport palabas sa portal." Sagot nito. Nakita ko ang pagkunot ng nuo ng dalawa.
"Ito ang unang beses na mangyare ang ganito, isang tao na naging Familiar ng isang witch." Sabi ni Franxine.
Napaisip ako bigla, gaya ng sinabi ni Kim kanina sa akin, ito raw ang unang beses na magkaruon ng taong familiar ang isang witch. Biglang nanumbalik sa akin ang mga nakita ko.
Si Melissa ay may familiar na knight Vampire...
Knight Vampire?
"Anong nilalang ang knight Vampire?" Tanong ko dahilan para mapatingin sa akin si David at biglang napalunok habang si Franxine at Wayne naman ay nakakunot ang mga nuo na nakatitig sa akin.
"Saan mo naman narinig ang bagay na iyan?" Tanong ni Franxine. Hindi ko siya sinagot.
"Alam ko maatagal ng walang mga Knight Vampire, 100 years ago simula ng mamatay si Melissa nawala na ang mga knight Vampire." Sabi ni Wayne.
"May ilan pa nga nagsasabi na iyon daw siguro ang sumpa ni Melissa." dagdag niya.
"Anong itsura ng mga Knight Vampire?" Tanong ko.
"Bakit mo naman tinatanong ang bagay na iyan? Matagal na silang wala." Sabi ni Wayne.
"Nais ko lang malaman unang beses ko lamang marinig ang mga nilalang na iyon." Sabi ko.
"Mga taong bampira sila, Alison. Hindi sila tumatanda at tanging dugo ng mga nilalang ang nagsisilbing pagkain nila." Sabi ni Franxine.
Napaisip tuloy ako, kung tama ang nakita ko, isang lalaking mula sa knight vampire ang naging familiar ni Melissa.
Ibig sabihin, hindi ito ang unang beses na may naging taong familiar ang isang witch.
"Alison, bakit mo natanong ang mga knight vampire?" Tanong ni Franxine, tumingin ako sa kanilang tatlo, nahagip ng mga mata ko si David na tahimik at namumutla.
"Narinig ko lamang." Sabi ko.
"Saan mo narinig?" Tanong niya ulit kaya tinignan ko siya.
"Bakit?" Tanong ko.
"Hindi mo ba alam na bawal bangitin sa walter ang salitang bampira?" tanong niya kayaa kumunot ang nuo ko dahil sa sinabi niya.
~~~
Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper
BINABASA MO ANG
The Cursed of Melissa
Fantasy|Completed| Melissa, the mysterious name that everyone in the town is afraid to talk with. They say Melissa is a monster, some say Melisa is an evil witch, some say Melissa is a craft demon and bound with a cursed. But who Melissa is?