Chapter 11: Day 1 of Witch Mural

75 4 0
                                    

"Good evening students of Walter Academy, we are pleased to welcome you in your first witchmural here in Walter Academy." Nag simulang pumalakpak ang ilang studyante ng mag salita na sa gitna ng intablado ang Highest Supreme Council ng walter.

Tahimik lamang kami nila Franxine, David at Wayne na kumakain sa table namin habang nakatingin sa council.

"As for tonight, we will determine what kind of witch you are. So please take note that after niyong malaman ang breed ninyo ay pupunta kayo sa ilalim ng mga flags na nasa gitna." Sabi nito kaya tinignan ko ang mga flags na naruon.

Nasa gitna ang flags ng Coven-Based Witch, Solitary Witch, Hereditary witch, Crystal Witch, Cosmic Witch, Green Witch at Gray Witch.

"But first before we start to determine what type of witch you are let us first Identify the different identities of each breeds." Sabi nito at nilabas ang kanyang wand. Iniwagayway niya ito sa ere saka lumabas ang ilang larawan na gumagalaw.

"Coven Based Witch. Ang klase ng witch na ito ay mas nakatuon lamang sa seremonyal at mga ritual. Dito merong tinatawag na priestess at ito ang namumuno sa breed na ito." Sabi ng council.

"Sa lahat ng ma iidentify as Coven Based witch ako ang mamumuno sa inyo upang palakasin ang inyong mga mahika."dagdag niya kaya nag palakpakan ang ilan sa mga studyante.

Kilala ang Highest Supreme Council sa pagiging malakas, matalino at masigasig.

"Sino ba siya?" Natawa ako bigla sa tanong ni David. Tumingin siya sa akin at halata sa mukha niya na wala talaga siyang ideya kung sino ang nag sasalita sa harap.

"Sya si Ariza, pinuno ng Highest Supreme Council, third year student ng walter academy. Kilala ang grupo nila dahil sila ang naka pigil sa unknown witch noong nakaraang taon kaso nakatakas parin ang unknown witch." Sabi ni Franxine.

"Solitary Witch. Sa breed na ito nakapaluob ang apat na elemento, ang hangin, tubig, apoy at lupa. Ang mga Solitary witch ay kadalasang nag tataglay ng isang elemento o dalawa o di kaya ay apat. " sabi nito at tumabi sa kanya ang isang miyembro ng supreme org. Saka nilahad ang kamay sa harap nito.

Doon ay lumabas ang tubig sa kamay nito, habang sa kaliwang kamay naman ay lumabas ang apoy.

"Ang solitary witch ay ang mga witch na hindi nag tataglay ng mga wand, mas focus sila sa kapangyarihang taglay nila kesa sa mga Coven." Dagdag nito saka winasiwas ang wand na hawak niya.

"Ang Hereditary witch. Ang mga ito naman ay namana ang kanilang mga mahika sa kanilang mga magulang, ninunuo, o mga dyos-dyosan ng kanilang angkan." Sabi nito. "Mag kakaruon ng iba pang grupo sa breed na ito, lahat ng mapupunta sa Hereditary breed ay mahahati sa dalawa. " dagdag niya saka muling iniwasiwas ang kanyang wand.

"Sunod ang Crystal witch. Ang mga witch na ito ay naka konekta sa mga vibrasyon at kapangyarihan na nag mumula sa mga mahiwagang crystal, mga bato, mga dyamante at mga ang mga witch na nasa breed na ito ay kayang maka atract ng mga enerhiya, masamang enerhiya o mabuting enerhiya. Isa pang taglay ng mga Crystal witch ay kaya nilang matukoy ang awra ng isang nilalang." Paliwanag nito saka muling ginalaw ang kanyang wand.

"Ang Cosmic witch. Ang mga witch na ito ay konektado sa mga bituwin sa langit, o mas magandang sabihin ay mga astrology. Kaya nilang humingi ng kapangyarihan, tulong o kasunduan sa mga astrology sa kalawakan." Sabi nito kaya napangiti ako. Sana mapabilang ako sa breed na ito.

Nais kong makakonetka sa mga astrology.

"Sunod ang Green witch. Sa breed na ito more on nature, healing and nurturing. Kayang gumamot ng mga Green witch ng mga karamdaman, mga sugat o mag alis ng mga sumpa. Lahat ng mapupunta sa breed na ito ay maaatasan na alagaan ang mga herbs at halaman na nasa likod ng academy." Sa huling pag kakataon ay iniwasiwas nito ang kanyang wand saka lumabas ang isang imahe ng yin yang.

"Sunod ang mga Gray witch. Sila ang uri ng mga witch na nahahati sa dalawa. Ang itim at puti, ang mga Gray witch ang siyang taga gawa ng sumpa, ng mga sakit at mga kalamidad. Sa kanila minsan nag mumula ang mga trahedya ngunit.." tumigil sya sa pag sasalita saka muling iniwasiwas ang kanyang wand at lumabas doon ang larawan ng simbolo ng hustisya.

"..ginagawa nila ito upang magbigay ng hustisya. Hindi natin masasabi na masama ang mga Gray witch dahil ilan sa mga witch na nasa kapitolyo ay mga gray witch at sila ang nag lalahad ng hustisya para sa lahat sila ang mga gray witch na nasa panig ng puti." Paliwanag nito saka muling iniwasiwas ang kanyang wand.

"Ngunit may ilan rin na ginagamit ang kanilang taglay na kapangyarihan upang mag hasik ng kasamaan sa mga tao. Gaya ni Melissa." Natigil ako sa huling sinabi ng council.

Ang pangalan na kanyang binitawan ang siyang pangalan ng witch na lagi kong naririnig.

"Kaya sa lahat ng mapupunta sa breed na ito, limang councils ang mag tuturo sa inyo ng sa ganon ay hindi kayo matulad kay Melissa." Dagdag niya. Muli niyang iniwasiwas ang kanyang wand, sa pagkakataon na ito nawala ang mga imahe na nakalutang sa hangin.

Mas umaliwalas ang paligid dahil nag balik na ang mga ilaw.

"Sino si Melissa?"dinig kong tanong ni David.

"Ang dami mong tanong." Sabat ni Wayne.

"Hayaan mo siya, syempre bago lang siya kaya natural na mag tatanong siya." Sabi ni Franxine kay Wayne.

Tahimik lamang akong umiinom ng drinks habang nakikinig sa kanilang tatlo.

"Si Melissa yung witch na namatay one hundred years ago, sya yung kinakatakutang witch dahil nag bitaw siya ng sumpa na hindi matukoy kung anong sumpa iyon." Sabi ni Franxine.

"Kung one hundred years na siyang patay bakit kilala parin siya ng ilang mga witch?"tanong ni David.

"Syempre kasi nga hindi nila mahulaan o matukoy kung anong sumpa nga ang binitawan niya bago sya mawala." Sabi ni Wayne. Tumingin ako sa kanilang tatlo.

"Sabi nga ng parents ko gawa gawa lang ang tungkol kay Melissa. Sabi ni Mom, hindi daw totoo na may sumpang binitawan si Melissa." Sabi ni Wayne.

Nagkaruon ng mahabang katahimikan sa table namin.

"All students from Casper section please fall in line." Lumingon kaming apat sa nag salita. Ilang mga taga Casper section ang tumayo at pumila sa harap ng isang malaking crystal na nasa harap.

Mag sisimula na ang pag tukoy ng mga breed.

~~~
Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper

The Cursed of MelissaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon