Chapter 21: Evil Eye necklace

58 4 0
                                    

"Alison!" Gaya ng nakasanayan, ang boses ni Franxine ang unang bumungad sa akin pag pasok ko sa gate. Mula sa kinatatayuan ko ay nakita ko siya na kumakaway sa akin at nakatayo sa gitna ng fountain kasama si Wayne at David.

Dumaan ang tingin ko sa kanilang tatlo, pare-pareho silang nakasuot ng uniform na naaayon sa breed nila.

Nakasuot ng fitted white blue shirt si Franxine at pinaresan iyon ng white pants at hees, mas lalong bumagay sa kanya ang uniform niya.

Si Wayne naman ay nakasuot ng Gray suit at fitted white tshirt na mas lalong nag patingkad ng taglay niyang alindog.

Si David naman, nakasuot ng Black suit at fitted white tshirt, mas lalo siyang gumwapo sa lagay na iyan.

"Magandang umaga Alison." Bati ni Franxine nang makalapit ako sa kanila. "Hindi parin talaga ako sanay na batiin ka na ganyan ang mukha mo." Dagdag niya. Ngumiti lang ako saka tumingin kay David na hanggang ngayon ay hindi parin ako pinapansin.

"Magandang umaga, Alison."bati ni Wayne.

"Magandang umaga." Bati ko.

"Mas maganda ka pa sa umaga." Sabi ni Wayne saka kumindat sa akin, iniraapan ko lang siya bilang kapalit.

Kahit kailan napaka babaero.

"Tama siya, ang ganda mo sa uniform na iyan, bagay sayo." Sabi ni Franxine kaya napangiti ako.

"Nakakalungkot naman hindi na kita kaklase, buti nalang at maaga kang pumasok." Sabi ni Wayne kaya natawa ako.

"Oo nga, hiwalay narin tayo ng room." Sabi ni Franxine saka kumapit sa braso ko.

"Buti nalang pumasok ka nang maaga para ikwento sa amin kung ano ang nangyare at bakit naging ganyan ang mukha mo." Dagdag niya.

Napairap ako, kahit kailan napaka tsismosa talaga ng babaeng ito.

"Oo nga, maaga pa naman, tara tambay muna tayo sa canteen." Sabi naman ni Wayne. Tumingin ako kay David na tahimik lang at nakatingin sa aming tatlo saka napairap nang makitang nakatingin ako sa kanya.

"Sige." Pag sangayon ko sa dalawa.

"Magandang umaga, Ms. Ferrer." Lumingon kami sa tumawag sa akin, si Ariza kasama na naman si Ace at si Mr. Daniel.

Napairap ako nang makita ko si Ace, ang aga aga nasira na agad ang umaga ko.

"Magandang umaga." Bati nila Wayne at Franxine. Nakangiting tumingin sa akin si Ariza.

"Maari ba naming hiramin si Alison kasama si David?"tanong ni Ariza habang hindi inaalis ang tingin sa akin.

Napalunok ako, ano na naman kaya ang kailangan nila? Masyado pang maaga para hiramin na naman nila ako sa mga kaibigan ko.

"Pwedeng mamaya na?" Tanong ko. Naramdaman ko ang titig nila Wayne at Franxine sa akin.

"I mean mamaya nalang kasi sinadya kong pumasok ng maaga para makasama ang mga kaibigan ko." Sabi ko. Mas lalong ngumiti si Ariza sa akin.

"Makapag hihintay pa naman ang mga kaibigan mo." Sabat ni Ace. Hindi ko siya pinag tuonan ng pansin dahil ayokong biglang magalit sa kanya dahil inirerespeto ko siya bilang isang myebro ng supreme council kahit na 1st year din siya kagaya ko.

"Ms. Ferrer, ayaw ko man na sabihin ito ngunit, tama naman si Ace, maaari mo pang makasama ang mga kaibigan mo sa mga susunod na araw. Sa ngayon, importante na makausap ka namin." Sabi ni Ariza.

"Ano, Alison sige na sumama ka muna sa kanila." Sabi ni Franxine saka binitawan ang braso ko. "Sa susunod nalang tayo mag kwentohan." Sabi niya saka ngumiti sa akin. Alam ko na pilit lang ang ngiti na iyon.

Pinakatitigan ko muna si Franxine saka huminga ng malalim at muling tumingin kila Ariza.

"Sige." Malamig kong sabi saka ngumiti kay Franxine.

Labag man sa loob ko na sumama sa kanilang tatlo ay ginawa ko parin kasi wala naman akong magagawa kahit na sabihin ko na ayaw ko.

Napadpad kami sa lugar patungo sa classroom naming mga Gray witch.

"Ms. Ferrer, hiniram ka namin sa mga kasama mo upang sabihin ang dalawang bagay." Sabi ni Ariza saka huminto sa pag lalakad.

"Ariza, mauna na ako sa faculty, may nakalimutan akong papel." Paalam ni Mr. Daniel, tumango si Ariza bilang sagot kay Mr. Daniel saka humarap sa amin ni David.

Nag simulang mag lakad palayo si Mr. Daniel sa amin.

"Nais kong ipaalam sa iyo na hindi mo maaaring ipaalam sa iba ang tungkol sa kung paano mo nabago ang mukha mo." Sabi niya kaya natigilan ako, iyon pa naman sana ang bagay na gagawin ko kanina. Ang ipalaam kay Franxine at Wayne ang tungkol sa pag babago ng mukha ko.

"Bakit?"tanong ko, huminga siya ng malalim.

"Ms. Ferrer, hindi normal ang nangyare sa iyo, para sa mga witch na naririto hindi normal na biglang nag palit ka ng mukha." Sabi niya. "Tiyak na maguguluhan ang mga pag sasabihan mo nang tungkol kay Melissa, at maaari pa itong pag mulan ng kaguluhan kung sakali." Sabi niya.

"Gawin mo ito para sa ikabubuti ng mga kaibigan mo, wala ni isa sa mga syudyante ng academy na ito maliban sa amin ang nakaka-alam ng tungkol kay Melissa. Mas mabuti na itago nalamang nating lihim ang naganap sa pag papalit ng mukha mo." Sabi niya saka lumapit sa akin at inalis ang nakaharang na hibla ng buhok ko sa mukha ko.

"Ayaw naming isipin nila na nababaliw ka na sapagkat nakikita mo ang isang witch na matagal nang patay." Dagdag niya.

Bigla akong natigilan sa sinabi niya at naalala kung paanong hindi naniwala si Franxine sa akin noong sabihin ko ang tungkol kay Melissa.

"Isa pa," may kinuha siya mula sa kanyang bulsa saka pinakita sa akin. Isang kwintas na may pendant na hugis matang nakapikit.

"Nais kong ibigay sa iyo ito." Dagdag niya. "Isang evil eye necklace. Makakatulong ito sayo upang hindi mo masyadong makita si Melissa." Dagdag niya saka pumunta sa likod ko at hinawi ang buhok ko.

"May taglay itong kapangyarihan na itaboy palayo sayo ang mga masasamang espirito, kasama na doon si Melissa." Sabi niya saka isinuot sa akin ang sinasabi niyang Evil eye necklace.

Nang dumampi sa akin ang kwintas pakiramdam ko nahulog ako mula sa napaka taas na palapag dahil sa sakit na naidulot nito sa katawan ko.

"Panatilihin mong nakasuot iyan sayo, Melissa...." idinilat ko ang mga mata ko, sa harap ko nakita ko si Ariza na isinuot kay Melissa ang evil eye necklace, nakangiti si Melissa habang hinahawakan ang kwintas na iyon.

Napahawak ako sa kwintas na nakasuot sa leeg ko. Parehas kami.

"Kahit kailan, huwag na huwag mong aalisin ang kwintas na iyan." Sabi ni Ariza at dahan dahang lumitaw sa harap ko, ngumiti ako sa kanya bilang sagot saka umiwas ng tingin.

Isinuot niya rin ang kwintas na ito kay Melissa, bakit?

~~

Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper

The Cursed of MelissaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon