Chapter 36: Hymn Game

51 3 0
                                    

Kinabukas, maaga palang ay puno na ang arena ng Walter academy ng mga studyate na manunuod sa amin.

Ngayon ang nakatakdng araw kung saan gaaganamin ang Hymn Game, ang laro kung saan nakasanayan na laruin sa tuwing sasapit ang  bloody moon, isang malaking karangalan ang manalo sa larong ito.

Tumingin ako sa katabi ko na nakatingin sa mga studyante na manunuod sa amin, Ang set up ay ipapasok kami sa isang simulator kung saan doon mag sisimula ang laaro, gaya lamang sa practice namin, meron kaming mga buhay sa laro na dapat ay ingatan kung hindi ay matatanggal kami sa laro.

Ang laro ay aabutin ng walong oras.

"Bakit ang seryoso mo naman?" Tanong ko kaya napalingon sa akin si David na kanina pa tahimik. Matapos ang pag uusap namin kahapon at ang pag amin ni David sa akin kung sino ba talaga siya ay napagka sunduan namin na pagtapos ng laro ay makikipag ugnayan kami kay Melissa.

Sa ngayon hindi pa kami nakakaisip ng paraan kung paano kami mag kakarun ng ugyan kay Melissa, napagkasunduan namin na saka na lamang kami mag iisip ng paraan pag natapos na ang laro.

"Wala lang, inaalala ko lang ang sinabi mo sa akin tungkol sa witch na pumatay ng tatlong daang tao noong nakaraang taon." Sabi ni David, iniisip niya parin pala iyon.

"Alam mo, huwag mo munang isipin ang tungkol sa bagay na iyan, saka mo na iyan isipin kapag natapos na ang laro." Sabi ko, ngumiti siya sa akin saka tumango.

"Isa pa, huwag rin muna tayong mag usap ng tungkol sa bagay na may kinalaman kay Melissa, kasama natin sa laro si Ace." Sabi ko kaya napatingin si David sa dereksyon ni Ace na kinakausap sila Maja at Sean.

Tumango si David sa akin bilang pag sangayon, kasabay noon ang pag bukas ng mga ilaw sa arena at pag hiyawan ng mga manunuod.
Mag sisimula na ang laro.

"Good day students of Walter academy!" Masiglang bati ni Ariza ng sya ay lumabas mula sa stage.
"Welcome to 19th Hymn Game!" Pag sabi niya noon ang syang pag hiyawan at pag palakpakan ng mga manunuod sa kanya.

"Today we will witness how the players from different schools defend and fight for their rights to claim the title as 19th Champion on Hymn Games," Nakangiting sabi ni Ariza.

"And other than that we will also witness the beauty of Bloody Moon as it will shine to us during the night of announcing the winners." Dagdag ni Ariza.

"Are you ready to witness the intense battle of the players?"Tanong ni Ariza, kasunod noon ang pag hiyawan ng mga manunuod.

"Let's now start the game! Players, please go to your representative places." Wika ni Ariza kasabay noon ang pag tahimik ng paligid, sumenyas sa amin si Ace na sundan siya kaya napairap ako habang sumusunod sa kanya.

Nag lakad kami patungo sa tapat ng bandera ng Walter Academy, sa lugar na iyon ay may mga bilog na may nakalagay na posisyon namin, agad akong nag tungo sa bilog kung saan nakalagay ang pangalan na 'Mistress'.

"As we all know, kada year nag babago ang laro sa Hymn game, it's either by pair, solo or battle for survival." Paliwanag ni Ariza. "And for this year category, the game will fall under Battel for survival." Paliwanag ni Ariza at sabay noon ang paglabas ng mga imahe sa ere malapit sa kanya.

"It means ang mga school representative ay maglalaban para sa kanilang survival, and hindi lamang sila ang tatayong magkakalaban sa laro dahil meron din mga monsters and traps na maeencounter sa loob ng maze kung saan gaganapin ang laro." Paliwanag ni Ariza.

"Once na nabawasan ng isang member ang isang school representative it will be equivalent to -10, again. one member lose is equivalent to -10" Wika ni Ariza.

"Once na natapos ang oras, ang school na may pinaka maraming member ang syang mananalo sa laro." Sabi ni Ariza.

"And take note, there is a rule for this game where fighters are the only one allowed to use magic." Wika ni Ariza.

"The captains will stand as the brain of the group, while the mistress will stand as the final card of each group." Dagdag niya.

"What does it mean? It means ang mistress ang siyang may pinaka malaking punto sa laro, once the mistress is out the school will lose the ability to win the game." Wika ni Ariza. "And one more important role of Mistress is it's either the mistress is on your side or on the other school side." Dagdag niya.

"It means may lalabas na category sa bawat mistress ng school kung sila ba ay kakampi o hindi." Dagdag ni Ariza.

"And once your mistress is not on your school side then you must find the proper mistress of your school." Wika niya.

Napaisip tuloy ako bigla, malaking papel pala ang gagampanan ko sa larong ito. Ito ang unang beses na kasali ako sa malaking event na gaya nito at idagdag pa na ako ay isa sa mga manlalaro na kailangang mapanalo ang laro dahil dala-dala namin ang pangalan ng Walter.

Lumingon ako kay Franxine ng marinig ko na parang bumubulong siya, namumutla siya at halata sa kanya na kinakabahan siya.

Hinawakan ko ang kamay niya kaya napatingin siya sa akin.

"Ayos ka lang ba?" Tanong ko, tumango si Franxine bilang sagot kasabay noon ang pag ngiti niya sa akin ng pilit.

"Kinakabahan lang ako." Sabi niya, gaya ko, ito rin ang unang beses na makasali si Franxine saa malaking event at alam ko at ramdam ko na kinakabahan siya, lalo na't mahina at mababa ang tiwala niya sa sarili niya.

"Kasama mo ako sa laro, hindi kita pababayaan." Sabi ko kaya ngumiti siya sa akin.

"And one more rule for this game." Sabi ni Ariza kaya muli akong tumingin sa kanya. "Don't use dark magic to win the game." Wika niya dahilan para mapaisip ako sa kung anong Dark magic ang sinasasbi niya.

"Let's not make it long, let the game start!" Masayang wika ni Ariza at kasabay noon ang pagkakaruon ng usok sa arena, ang mga hiyawan ay maas lalong umingay ng mamatay na ang ilaw sa arena.

Naramdaman ko na dahan dahang gumalaw ang kinatatayuan ko kaya naman napatingin ako sa tinatapakan ko.

Parang umaangat kami habang nakasakay sa bilog na ito.

Ialng minuto pa ay biglang nawala ang mga hiyawan ng mga studyante at napalitan ng nakakabinging katahimikan ang paligid.

Nasa loob na kami ng maze.

The Cursed of MelissaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon