Chapter 25: Practice

74 4 0
                                        

"Ihanda niyo ang mga wand ninyo, sisimulan na natin ang pag sasanay pag dumating na si Ariza." Paalala ni Ace.

Huminga ako ng malalim saka umupo sa ilalim ng puno at pinagmasdan ang mga kasama ko, masayang kinakausap ni Franxine sila Maja at Sean, habang si Wayne naman ay  himalang kinakausap si David.

Ngayon ang unang araw na mag sasanay kami para sa laro, si Ariza nalang ang hinihintay ng sa ganon ay makapag simula na kami sa pag sasanay, hawak niya ang mga excuse letter na ibinigay niya sa mga proffessor namin para ma excuse kami sa klase.

Itinuon ko ang aking atensyon sa ibang dereksyon saka nag isip. Para pala kaming aso't pusa ni David, minsan magkasundo kami, minsan naman ay hindi. Kagaya ngayon, hindi niya ako kinakausap matapos ang nangyare kahapon sa head quarters ng supreme council.

Totoo naman kasi ang mga sinabi ko, hindi niya lang talaga matanggap na wala siyang kapangyarihan at may pagasa na baka matalo kami dahil sa kanya.

Ilang minuto ang lumipas pero wala parin si Ariza, ipinikit ko muna saglit ang aking mga mata nang sa ganon ay makapag pahinga ako kahit papaano.

"Alison.." Iminulat ko ang aking mga mata nang may tumawag sa akin, pag mulat ko nasa ibang lugar ako, agad akong napatayo ng makita ko ang mga nag kalat na manika sa paligid. Nasa Voodoo land ako.

"Anong ginagawa ko dito?" Tanong ko sa aking sarili habang nakatingin sa paligid.

"Alison.." Lumingon ako sa tumawag sa akin at nakita si Melissa na naka ngisi at nakatayo sa likod ko.

Bigla akong napaatras ng mapagtanto ko kung gaano siya kalapit sa akin.

"Alison.." Muli niyang tawag sa pangalan ko at sa isang iglap lang ay nasa harap ko na siya, bigla niyang hinawakan ang kwintas na nakasuot sa akin. Narinig ko ang nakakatakot na pagtawa ni Melissa bago ko muling buksan ang mga mata ko.

"Alison." unang bumungad sa akin si David na nasa harap ko, sa likod niya nakasilip sila Franxine at Wayne.

"Ayos ka lang ba?" Tanong sa akin ni Franxine, tumango ako bilang sagot saka binalik ang aking paningin kay David.

"Mag sisimula na ang practice." Lumingon kami kay Maja ng mag salita siya, nasa tabi niya si Ace na nakatingin sa akin. Pinanuod kong lumapit sila Wayne at Franxine sa gawi nila Ace bago kinapa ang kwintas na nakasuot sa akin.

"Ang kwintas mo." Sabi ni David kaya tinignan ko ang mukha niya saka binaling ang atensyon sa kwintas na nakasuot sa akin.

"Naka bukas na ang mata ng pendant na nasa kwintas mo." Sabi ni David kaya napalingon ako sa kanya,

"Si Melissa." Sabi ko. Hinawakan ni Melissa ang kwintas ko.
Dapat ay naka pikit ang mata ng pendant na ibinigay sa akin ni Ariza.

"Alison, David. Ano pa ang hinihintay ninyo jan?" Sabay kaming lumingon ni David kay Ace na nag salita, nakatingin din sa amin ang ilan sa mga kasamahan namin kaya naman itinago ko sa loob ng damit ko ang aking kwintas saka nag lakad kaming dalawa palapit sa kanila.

"Sabi ni Ariza, hindi muna siya makakanuod ng pagsasanay natin kaya naman sisimulan ko na ang pagsasanay." Sabi ni Ace at nilabas ang kanyang wand.

"May ipinahiram na simulator si Ariza sa akin kaya iyon ang gagamitin natin upang makapagsimula ng pagsasanay." Dagdag ni Ace saka sumenyas kay Kim na buksan ang simulator.

"Ang goal ninyo ngayon ay mahanap ang tatlong witch finger na nakatago sa lugar na maiaasign sa inyo ng simulator." Wika ni Kim na nasa harap namin.

"Sa oras na makita ninyo ang tatlong witch finger itaas niyo lamang ang mga wand niyo at mag labas ng ilaw nang sa ganon ay malaman ko na tapos na kayo." Sabi ni Kim at saka nilabas ang wand niya at saka iniwagayway sa ere.

"Sa larong ito. Kailangan ninyong tandaan na dito babase si Ariza kung anong posisyon ang dapat ninyong gampanan sa oras ng aktual na laro kaya naman mahahati kayo sa dalawang grupo." Dagdag niya at sabay noon ang pag labas ng mga imahe sa ere mula sa wand niya.

"Ang unang grupo ay sila Alison, David at Wayne. Ang pangalawang grupo ay sila Franxine, Maja at Sean. Si Ace naman ang tatayong antagonist sa larong ito." Paliwanag ni Kim.
Muling nag iba ang imahe sa ere na nag mumula sa wand niya. Nakalagay doon ang mga posisyon namin.

"Narito ang mga posisyon ninyo, sa Team A, si Alison ang tatayong captain sa Team B naman ay si Franxine." Napalingon ako kay Franxine na nakangiti.
"Si David mula sa Team A ang tatayong fighter at si Sean na mula sa Team B ang tatayong fighter ng grupo nila." Sabi niya kaya kumunot ang nuo ko.
"Si Wayne mula sa Team A ang tatayong support at si Maja mula sa Team B ang tatayong support sa panig nila." Agad kong itinaas ang kamay ko na siyang dahilan para matawa si Ace.

"May reklamo ka na naman ba Ms Ferrer?" Tanong ni Ace pero hindi ko siya pinansin.

"Pwede bang si Wayne nalang ang fighter at si David nalang ang support?" Tanong ko, umiling si Kim bilang sagot na syang dahilan para tignan ko si David.

"Kung ano ang inassign ni Ariza bilang nga posisyon ninyo ang siyang masusunod Ms. Ferrer." Sabi ni Kim na siyang nag painit ng dugo ko.
Ano bang iniisip ni Ariza sa mga oras na ginagawa niya ang posisyon na namin? Ilalagay niya bilang Fighter si David na syang walang kapangyarihan at si Wayne na support kung saan may taglay na kapangyarihan? Nababaliw na ata siya.

"Si Ace naman ang tatayong warlord na siyang pipigil sa inyo upang makuha ang tatlong witch finger, alam ni Ace kung saan nakatago ang mga iyon kaya naman sa oras na makita niya kayo ay kakalabanin niya kayo." Tuloy na paliwanag ni Kim.

"May life health sa larong ito na siyang magsisilbing basehan kung hanggang saan lang ang itatagal ninyo sa laro. Sa makatuwid ito ang buhay ninyo sa pag sasanay na ito, ang life health ay makikita ninyo sa mga braso ninyo sa oras na makapasok kayo sa simulator." Dagdag ni Kim,

"Tandaan, ang team A at Team B ay mag kaaway, si Ace ay kaaway rin sa oras na maubos ang life health ninyo ay mawawala kayo sa laro." Wika ni Kim at nawala ang imahe sa ere.

"May mga katanungan pa ba?" Tanong ni Kim pero walang nag salita ni isa sa amin kaya naman humakbang siya paatras at hinawakan ang button na nasa simulator.

"Kung ganon, simulan na natin ang pag sasanay." Sabi nya at sa isang iglap ay nag bago ang lugar na kinatatayuan namin.

The Cursed of MelissaMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon