Chapter 30: Cursed of Melissa

53 3 0
                                    

Sa mga oras na ito, masasabi ko na alam ko na kung bakit nagsimula ang lahat ng ito. Alam ko na kung bakit naging masama si Melissa. At iyon ay dahil sa ginawang masama sa kanya ng mga taong malapit sa buhay niya at ang mga taong humuhusga sa kanya.
"Elvinto!"
Sa mga oras na ito, pinapanuod ko kung paano habulin ng mga tao si Melissa,  kung paano siya kutyain ng mga tao at kung paano siya dumugin ng mga tao.
"Denvesto!" Muling bigkas ni Melissa ng spell, ramdam ko ang takot ni Melissa ngunit ayaw niya itong ipakita sapagkat nakatatak na sa isipan ng mga tao na masama siya at kailangan niyang panindigan iyon.
"Sumuko ka na Melissa!" Sigaw ni Ariza at nilabas ang wand niya.
"Denvesto!" Sigaw ni Ariza.
"Vebto!" Kontra naman ni  Melissa sa spell ni Ariza, para akong nanunuod ng palabas ngayon, pinapanuod ko kung paano nila tugisin si Melissa.
"Isa kang salot! Kailangan sayo mamatay!" Wika ng isa sa mga matataas na myembro ng Walter.
Hindi ako makapaniwala sa mga nakikita ko.
Kanina ko pa hinahanap ang familiar ni Melissa ngunit hindi ko sya makita.
"Tigilan mo na ang pag kakalat mo ng kasamaan!"
"Tama! Kailangang sunugin ka ng buhay!"
Kahit na nasa malayo ako, kitang kita ng mga mata ko ang pag tulo ng luha ni Melissa. Kitang kita ng mga mata ko kung paano siya matakot.
Napatingin ako sa hawak kong diary ni Melissa, dito nakasulat ang huling minsahe ni Melissa.
"Augusto 8 1865
Ang nais ko lamang ay mabuhay ng mapayapa at matupad ang pangako ko sa aking mga magulang na ako ay mag tatapos sa pag aaral, ngunit ang mga nais ko at ang mga pangarap at pangako ko ay tuluyang nawalan ng pagasa ng kumalat sa bayan ang isang balita na ako raw ang pumatay sa isang myembro ng council, alam ko sa aking sarili na wala akong ginagawang masama.
Dahil sa balita na kumalat ang mga tao sa labas ng paaralan at ang mga tao sa loob ng paaralan ay nag sanib pwersa upang kunin ako, sila ay nag sanib pwersa upang paslangin ako at ano mang oras ay maaari na nila akong mapaslang,
Sa katunayan ako ay natatakot dahil sa kanilang ikinikilos, ako ay natatakot dahil sa ayaw ko pang mamatay. Ngunit kung ang tadhana ko ay ang mamatay sa araw na ito, nais kong makitang umulan bago ako mamatay, nais kong makitang bumuhos ang malakas na ulan bago ako mawalan ng hininga nang sa ganon ay matakpan ng mga tubig mula sa langit ang luhang tutulo sa aking mga mata."

Muli akong tumingin sa dereksyon ni Melissa na ngayon ay nahuli na ng ilan sa mga taong bayan, agad na namuo ang luha ko ng makita mo kung paano nila saktan si Melissa. Kung paanong walang awa nilang saktan si Melissa.

"Sa aking pangitain, nakita ko na ito ang araw kung saan ang aking familiar mismo ang papaslang sa akin.."

Mula sa likod ni Melissa, nakita ko si Dale na walang emosyon at nakatingin kay Melissa na nanghihina. Hindi nakawala sa aking paningin ang punyal na kanyang hawak.

"Si Dale, na nangako sa akin na poprotektahan ako ang syang mismong papaslang sa akin.."

Lumingon si Melissa sa kanyang likod at sa kanyang pag lingon ang syang pag saksak ni Dale ng hawak niyang punyal sa dibdib ni Melissa na siyang naging dahilan upang mas lalong manghina si Melissa.

"Alam ko, na sa mga oras na iyon ay wala siya sa kanyang tamang pag iisip, na nadadala lamang siya ng kanyang emosyon dahil sa ako ang napagbintangang nagsunog at pumaslang sa mga kauri niyang Knight Vampire. "

Tuluyan nang  tumulo ang luha ko nang makita ko kung paano dahan dahang napaupo si Melissa sa harap ni Dale.

"Labis labis ang paghihirap na aking pinagdaanan sa bayan na ito. Kaya naman lubos akong nag papasalamat kay Dale nang sandaling itarak niya sa akin ang punyal na kanyang hawak, dahil sa wakas ay matatapos na ang aking paghihirap."

"Pinatay mo... ang mga pamilya ko..." malamig na sabi ni Dale habang nakatingin kay Melissa. Isang ngiti lamang ang iginawad ni Melissa kay Dale bago siya mag salita.
"Kahit kailan... hinding hindi ko magagawang paslangin ang mga kauri ko..." nahihirapang bigkas ni Melissa. Mas lalong idiniin ni Dale ang punyal na nakatusok sa dibdib ni Melissa na siyang ininda ni Melissa.
"S-sabi mo... ipagtatanggol ko ako... B-bakit mo ito ginawa?" Nahihirapang tanong ni Melissa sa familiar niya. "B-bakit hindi ka naniwala sa akin..." dagdag niya.

"Sa sandling ako'y lilisan. Nais kong magiwan ng isang sumpa na magbibigay ng aral sa mga taong nanakit sa akin, isang aral na sa tingin ko'y kanilang pagsisisihan."

Biglang binunot ni Dale ang punyal na nakatusok sa dibdib ni Melissa, kasabay noon ang siyang tuluyang pag bagsak ng katawan ni Melissa sa lupa.

"Isinusumpa ko, na sa tuwing sasapit ang aking kamatayan ay iitim ang kalangitan sa buong bayan nang sa ganon ay maalala nila ang karumaldumal na ginawa nila sa akin,"

Pinanuod ko kung paano magsialisan ang ilan sa mga taong kumuyog kay Melissa. Napaangat ang aking tingin ng makita ko na nagsimulang umitim ang kalangitan.

"At ipinapangako ko na babalik ako upang bigyan ng aral ang mga taong gumawa sa akin nito, dahil sa kanilang kalabisan, isinusumpa ko na hinding hindi sila mamamatay hanggat hindi nila natututunan ang aral na dapat nilang matutunan."

Ang kanina lang na puno ng tao ay unti unting umunti, hanggang sa naging sila Dale, Ariza, Ace at Kim nalamang ang nakatayo at nakatingin sa dereksyon ni Melissa.

Dahan dahan akong lumapit sa katawan ni Melissa na unti unting nawawalan ng buhay, hanggang sa biglang bumuhos ang malakas na ulan at kasabay noon ang siyang pag pikit ng mga mata ni Melissa.

"Kahit kailan, hinding hindi ako mag tatanim ng galit sa aking Familiar, kahit kailan ay tatanawin kong malaking utang na loob ang ginawa niyang pag paslang sa akin, dahil naibsan noon ang mga problemang aking hinaharap, pinakawalan nya ako sa maitim na mundong ito. Kaya bilang ganti, ay bibigyan ko siya ng proteksyon laban sa mga taong nanakit sa akin."

"Masaya na ba kayo, ngayong wala na siya?" Tanong ni Dale kila Ariza, tumingin lang si Ariza kay Dale sa tumalikod.

"Sumagot kayo!" Sigaw ni Dale habang nakatingin sa kanilang tatlo.

"Ikaw ang pumaslang sa kanya," wika ni Ace na nakatingin sa kanya.

"Nararapat lamang iyon sa kanya." Wika ni Ariza na siyang nag painit ng dugo ko.

"Hindi niyo ba naisip ang mga pinag samahan natin?!" Sigaw ni Dale sa kanila na siyang dahilan para tignan siya ng tatlo.

"Pinagsamahan? Ni hindi ka nga namin kilala." Wika ni Kim na siyang nag patigil sa akin at kay Dale.

The Cursed of MelissaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon