"Bakit naman?"tanong ko sa kanya.
"Alam mo sa susunod ko na ikwe-kwento sayo, ayoko naman na bigla nila ako damputin dito sa kinauupuan ko." Sabi niya. Huminga ako ng malalim saka tumingin kay David na tahimik lang.
"So paano mo ako ipag tatanggol?"tanong ko sa kanya. Huminga lang siya ng malalim saka umiwas ng tingin. Inirapan ko lang siya saka tumingin sa harap kung saan patapos na ang pila.
Hanggang ngayon nanlulumo parin ako dahil sa naging breed at naging familiar ko. Pwede naman kasi na magical creature ang familiar ko gaya ng wolf or elemental spirits.
Minalas pa na si David ang naging familiar ko.
"All students, please fall in line under the flag of your perspective breeds." Sabi ni Ariza kaya tumayo ako at nauna sa pila kasunod si David na nasa likod ko.
"Alison, galit ka ba na ako ang naging Familiar mo?" Tinignan ko siya saka huminga ng malalim.
"Sa totoo lang naiinis ako na nadidisapoint." Sabi ko saka tumingin sa harap.
"Sorry." Sabi niya kaya napatingin ako sa kanya. Bigla tuloy ako nakunsensya ng makita ko ang lungkot sa kanyang mga mata.
"Hindi ko naman ginusto na maging--"
"Sorry."putol ko sa sasabihin niya kaya napatingin siya sa akin. "Nadadala lang ako ng emosyon ko ngayon." Dagdag ko habang nakatingin sa kanya.
"Aaminin ko, ayaw kitang maging Familiar at naiinis ako dahil ikaw ang familiar ko. Pero wala naman na akong magagawa, may kontrata na sa pagitan nating dalawa. Isa pa, hindi mo rin naman ginusto na maging Familiar ko." Sabi ko saka tumingin sa harap.
"Nadidisapoint lang ako sa nakuha kong breed at familiar, huwag mo nalang muna ako pansinin ngayon. Ayokong mag salita kapag wala ako sa mood, baka kung anong mga salita lang ang lumabas sa bibig ko." Pag kasabi ko noon ay hindi ko na siya pinansin.
"Congratulation sa mga nakuha niyong familiar at sa mga breed ninyo, alam ko na bilang isang mag aaral ng Walter ay magiging isang kahanga hanga at magiting kayong mamamayan ng ating bayan sa susunod kapag kayo ay nakapag tapos ng inyong pag aaral." Sabi ni Ariza. Laking palaisipan parin sa akin anv nakita kong pangitain kanina.
Bakit nanduon si Ariza kasama si Melissa?
"Sa ngayon, ienjoy niyo muna ang party at bukas magsisimula ang ritwal sa bawat breed." Nakangiting sabi ni Ariza. Tumingin ako sa kalangitan ng pumutok ang mga fireworks mula doon.
Huminga ako ng malalim saka binalik ang tingin kay David na nasa tabi ko at nakatingin sa mga Fireworks.
"Pwede ka bang isayaw?"tanong ko sa kanya kaya natigilan siya at tumingin sa akin.
Tumugtog ang isang romantikong tugtog habang patuloy parin sa pag putok sa kalangitan ang mga fireworks.
"A-ano?"tanong niya.
"Sabi ko, pwede ka bang isayaw?"tanong ko sa kanya. Tumango siya bilang sagot, ramdam ko ang pagka taranta at pagkagulat niya.
Hinawakan ko siya sa kanyang balikat habang siya naman sa aking bewang, nag simulang sumabay ang aming katawan sa himno ng ng romantikong tugtugin.
"Paano mo ako ipag tatanggol?"tanong ko sa kanya habang sumasayaw kami.
"Hindi ko alam.." sagot niya saka yumuko. "Siguro ay susuntukin ko ang mga mang aapi sayo." Sabi niya kaya natawa ako. Nakita ko na napangiti siya ng makita niya na natawa ako sa sinabi niya.
"Alam mo, naniniwala ako na hindi mo na kailangan ng tagapag tanggol." Sabi niya kaya nakuha niyang muli ang aking atensyon.
"Sapagkat alam ko na kaya mong ipag tanggol ang sarili mo." Dagdag niya. "Ngunit kung may pagkakataon na kakailanganin mo ng katulong o katuwang, asahan mo na nasa tabi mo ako." Sabi niya kaya napangiti ako.
"Mas ako pa ata ang mangangailangan ng tagapag tanggol." Biro niya kaya natawa ako.
"Sabagay, kasi wala ka namang kapangyarihan."dagdag ko.
"Nag tataka lamang ako, sapagkat umilaw ang crystal ng kulay gray kagaya ng sa iyo." Sabi niya kaya muli akong napaisip.
Tama siya, iyon rin ang isa sa pinag tataka ko.
"Isa kang Gray witch, sabi nong nag sasalita kanina katulad iyon sa kapangyarihan ni Melissa, ibig sabihin ba nito kasing lakas mo siya?"tanong niya na mas nakakuha ng atensyon ko.
Hindi ko siya sinagot, sa halip ay napaisip ako dahil sa kanyang sinabi.
Tama siya, isang gray witch din si Melissa. At gaya ko may familiar siya na kakaiba.
Napatigil ako at biglang napahawak sa aking ulo ng magpakita ang ilan sa mga imahe sa isip ko.
"Ipag tatanggol kita sa abot ng aking makakaya."
"Kapag kailangan mo ng tagapag tangol, tawagin mo lang ako."
"Melissa!"
"Sabi mo... ipag tatanggol mo ako? Bakit... bakit mo ito ginawa?"
"Alison?" Tumingin ako sa tumawag sa akin, si David. Napalunok ako at napalayo ng bahagya sa kanya.
"Alison, ayos ka lang ba?"tanong niya habang nakatingin sa akin. Tinignan ko lang sya.
Kamukha niya ang familiar ni Melissa.
"Alison?" Akmang lalapitan niya ako ng tutukan ko sya ng wand.
"Lumayo ka sakin." Sabi ko, nakita ko ang pag tingin niya sa wand ko.
"Alison ano bang... nangyayare?"tanong niya. Tinignan ko lang siya saka nag lakad palayo sa kanya.
Nakita ko sa isip ko na kamukha niya ang familiar ni Melissa, at nakita ko rin kung paano siya saksakin ng familiar niya.
"Alison!" Hindi ako tumigil ng marinig ko ang pag sigaw sa pangalan ko.
"Alison! Sandali!" Tumigil ako sa pag lalakad at tumingin sa tumawag sa akin, si Franxine.
"Saan ka pupunta?"tanong niya. Tumingin ako sa harap ko, naka lock na ang gate.
"Alison, anong nangyare? Nakita ki na iniwan mo si David sa gitna, nag away na naman ba kayo?"tanong niya, umiling ako.
"Tignan mo, pawis na pawis ka. Ano bang meron?"tanong niya
"May... may nakita ako, I mean bigla lang siyang nag flashback sa isip ko na parang isang ala-ala na totoong naganap." Sabi ko habang nakatingin sa kanya.
"Franxine, nakita ko si Melissa, kamukha ni David ang familiar ni Melissa, at... at nakita ko na sinaksak ng familiar niya si Melissa." Sabi ko habang nakatingin sa kanya. Kumunot ang nuo niya habang nakatingin sa akin.
"Ano?"tanong niya.
"Franxine, maniwala ka sa akin nakita ko si Melissa at--"
"Alison, paano mo naman makikita si Melissa sa isip mo kung matagal na siyang patay?"putol niya sa akin kaya natigilan ako.
"Isa pa, paano mo naman nasabi na siya si Melissa, ni hindi mo naman nakita ang kanyang mukha." Dagdag niya na mas nag patigil sa akin. Napalunok ako at napatingin sa mukha niya na nakakunot ang nuo.
"Kasi binaggit ang pangalan niya!" Taranta kong sabi.
"Paano ka nakakasiguro na siya ang Melissa na iyon? Alison hindi mo naman nakita ng personal si Melissa."
Tama siya.... paano ko naman nasabi na si Melissa ang babaeng nakikita ko?~~
Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper
BINABASA MO ANG
The Cursed of Melissa
Fantasy|Completed| Melissa, the mysterious name that everyone in the town is afraid to talk with. They say Melissa is a monster, some say Melisa is an evil witch, some say Melissa is a craft demon and bound with a cursed. But who Melissa is?