"Next week gaganapin ang Witchmural, dahil nakapasok ka dito sa school habang hindi pa ginaganap ang witchmural, kasali ka na." Rinig kong paliwanag ni Franxine sa kausap niyang si David. Tahimik lamang akong nakikinig sa kanila habang kumakain ng meryenda.
"Anong mga partikular na kaganapan ang gagawin sa Witchmural?"tanong naman ni David.
"Hmm, hindi ko rin alam eh, wala rin akong idea pero sabi ng isang professor namin, aalamin muna kung anong breed kami ng witch bago pag sasama samahin ang mga same breed." Tumingin ako sa dalawa. Mukhang nasisiyahan na sila mag usap.
"Kung ganon, pati ako iaasign kung anong breed?"tanong ni David natawa ako bigla.
"Walang breed ang mga tao, malamang ikaw lang ang nag iisang tao na nag aaral dito sa school na ito. Sino ba naman kasing timang ang papasok sa paaralan ng mga witch eh alam naman ng hindi pwede ang mga tao." Sabi ko kaya siniko ako ni Franxine.
"Ano ka ba Alison, wag mo naman masyadong asarin si David. Isa pa dapat nga winiwelcome natin siya kasi new student siya."
"Ang mga winiwelcome lang ay ang mga witch na gaya natin hindi mga tao na gaya niya." Sabi ko saka tumingin kay David. "Talaga bang nasisiraan na yang kokote mo?"tanong ko.
"Gaya ng sabi ko, gusto kong matuto ng mga bagong bagay."sabi ni David saka ngumiti sa akin, inirapan ko lang siya saka tahimik na kumain ulit.
"Sya nga pala, napapansin ko na laging maitim ang ulap, normal lang ba talaga sa bayan na ito ang ganong kulay ng ulap?"tanong ni David kay Franxine.
"Ah, alam mo normal na sa amin ang bagay na iyan, sa tuwing lalapit ang araw ng kamatayan niya nag babago talaga ang kulay ng ulap." Sagot ni Franxine.
"Niya? Sinong niya?"
"Hmm hindi ko rin alam eh pero may usapan kasi na evil witch siya at nag bigay siya ng sumpa na hindi naman alam ng lahat kung anong sumpa yung binitawan nya bago siya mamatay." Sabi ni Franxine.
"Kahit isa sa bayan walang alam kung sino ang witch na iyon, basta ang alam lang nila ay may sumpa."
"Pero alam mo, sa tuwing umiitim ang ulap may paparating rin na masamang pangitain." Dagdag ni Franxine.
"Gaya nang?"
"Hmm last year maitim rin ang kulay ng ulap bago mangyare ang isang trahedya, may mga namatay na witch sa trahedya na iyon, at ang trahedya na iyon ay gawa ng unknown witch." Kwento ni Franxine.
"Unknown witch? Sino naman yun?"
"Wala ring nakaka kilala sa witch na iyon, ang hula nga ng ilan ang unknown witch at ang witch na nakalibing sa ilalim ng puno ay iisa." Sagot ni Franxine
Napairap ako saka uminom ng tubig, hindi ko alam kung bakit kasama namin ngayon itong si David.
"Normal ba na tahimik lang talaga yang kaibigan mo?" Napataas ang kilay ko dahil sa tanong niya. Tumingin sa akin si Franxine at natawa.
"Alam mo masanay ka na kay Alison, madalang sa sikat ng araw kung siya ay mag salita." Sabi ni Franxine kaya natawa si David, pinag cross ko ang aking braso saka tumingin sa dalawa.
"Binigyan ko ba kayo ng pahintulot na pagusapan ako?"tanong ko.
"See, para kaming Black cat at Golden retriever, siya yung black cat ako naman yung golden retriever." Sabi ni Franxine. Napailing nalang ako saka tumayo sa akinh kinauupuan.
Biglang napatingin sa akin si Franxine.
"Oy Alison, hintayin mo naman kami." Sabi ni Franxine tinignan ko lang siya ng masama saka nag simulang mag lakad palayo sa dalawa.
Hindi ko talaga lubos akalain na pati sa pag memeryenda namin ay makakasama ko ang lalaking iyon.
Ilang minuto nalang rin naman at mag sisimula na ang next class namin, agad akong nag tungo sa classroom at doon pinalipas ang oras.
Ilang minuto pa ay dumating narin sila Franxine at David, halata kay Franxine na kabado siya dahil alam niya na galit ako.
"Alison, sorry na." Hindi ko siya pinansin sa halip ay sinuot ko ang headphone sa tenga ko at nakinig ng musika.
Ilang minuto rin ang lumipas ng pumasok na ang instructor namin sa witchcraft.
Agad nitong napansin si David na katabi ko lamang."Bago ka rito? Ngayon lang kita nakita." Tanong nito kay David.
"Ah yes po, kakapasok ko lang po today and I'm still seeking for the opportunity to learn more in this school." Sagot ni David na kinatawa ko.
"As if naman meron, walang ordinaryong tao ang makakakuha ng knowledge sa school na para lamang sa mga witch." Sabi ko.
"Ms. Ferrer." Suway sa akin ng instructor namin, napaismid nalang ako saka pinag cross ang aking braso.
"Totoo ba na isa kang ordinaryong tao?"tanong nito kay David. May ngiti sa labi si David na sumagot.
"Yes po and I'm so blessed because I was given an opportunity to enter here." Sagot nito. Nagsimulang ang mga bulungan galing sa mga kaklase namin, dahilan para matawa ako.
"Hindi ba't walang subject para sa mga tao?"
"Paaano siya matututo kung wala siyang power?"
"Saang breed siya ilalagay kung sakaling mapapasama siya sa witchmural?"
"Class, tahimik." Sita ng instructor namin saka muling tumingin kay David.
"Mr....?"
"David Gomez." Pakilala nito.
"Mr. Gomez, sigurado ka ba na dito ka mag aaral? Anong ambisyon mo bakit dito mo napiling mag aral?"tanong ng Instructor namin.
"Yes, sure ako na dito ako mag aaral kasi I want to explore more things and I am curious how witches do their magic. Gusto kong makatuklas ng ilang bagay na hindi pa natutuklasan ng mga kagaya kong ordinaryong tao." Sagot niya.
Nagsimula na naman ang bulungan ng mga kaklase namin. Natawa ako at napatingin kay Franxine na kinakabahan.
"Mababaw ang ambisyon mo, though sino ang tumulong sayo para makapasok dito? As far as I know mahigpit ang screening na ginagawa para sa mga studyante na gustong pumasok sa paaralan na ito." Sabi ng instructor namin. Tumingin ako sa kanya at hinintay siyang sumagot.
"Nakapasa po ako sa screening, here's the result." Sabi ni David at nilabas ang result paper sa bag niya saka tumayo at iniabot sa instructor namin ang result paper na hawak niya.
Kinuha naman iyon ng instructor namin at binasa, habang si David naman ay nakatayo sa gilid niya.
" 99.8% non-human, .2% human.
David Gomez, Age not clarified." Basa nito sa nakasulat sa papel, tumingin ito kay David."Akala ko ba ordinaryong tao ka?"
"Yes po, I don't even know bakit ganyan ang result na nangyare." Sabi ni David nakakunot ang nuo ng instructor namin.
"Age not clarified? Ilang taon ka na?"tanong nito.
"24 years old po." Sagot ni Dsvid, nakatingin lang ang instructor namin sa kanya habang binabalik ang papel kay David.
"Okay, then. Please introduce yourself." Sabi nito kay David na ngayon ay hawak na ang result paper.
Humarap si David sa amin saka ngumiti.
"Hello, I am David Gomez. 24 years old, Isang ordinaryong tao ." Pakilala nito.
"Welcome to Walter Academy for witches Mr. Gomez."
~~~
Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper
BINABASA MO ANG
The Cursed of Melissa
Fantasy|Completed| Melissa, the mysterious name that everyone in the town is afraid to talk with. They say Melissa is a monster, some say Melisa is an evil witch, some say Melissa is a craft demon and bound with a cursed. But who Melissa is?