"Fall in line student." Lutang man ako ay sinunod ko ang utos ng bago naming instructor.
"Ayos ka lang ba?" Tanong sa akin ni David na nasa likod ko, hindi ko siya nilingon at sinagot dahil wala ako sa mood ngayon para makipagusap. Natapos ang party kagabi na nasa loob lang ako ng assigned room ko at nag kulong. Hindi maalis sa isip ko ang nakita kong mga flashback kagabi, pakiramdam ko ay minumulto ako ng isang nilalang na hindi ko naman kilala.
Napagisip isip ko rin kagabi na tama nga si Franxine, paano ko nalaman na si Melissa iyon kung hindi ko naman nakita ng harapan si Melissa.
Bigla tuloy akong nakunsensya dahil sa ginawa ko kagabi kay David, dagdag pa na kaasama ko ngayon si David para sa ritual ceremony na gaganapin.
Dahil magkaiba ang breed namin ni Franxine ay hindi ko siya kasama ngayon, bigla ko tuloy siyang na miss.
"Galit ka ba sa akin? ano bang nagawa ko?" Tanong ni David kaya tinignan ko na siya sa pagkakataon na ito saka huminga ng malalim.
"David, huwag mo muna ako kausapin, wala ako sa mood ngayon." Sabi ko, nakita ko ang pag taas baba ng adams apple niya.
"Gusto ko lang naman malaman kung bakit bigla mo nalang ako pinag tabuyan kagabi habang sumasayaw tayo." Sabi niya dahilan para mas lalo akong ma guilty. "Kaya ka ba nagalit sa akin dahil hindi ako magaling sumayaw?" Tanong nya kaya kumuot ang nuo ko.
"Ano bang sinasabi mo?"
"Nasaktan ba kita kagabi o natapakan kaya mo ako iniwan sa gitna?" tanong niya, natawa ako dahil sa reaksyon nya ngayon. "Pasensya na, kagabi ko pa kasi iniisip kung anong ginawa ko bakit bigla kang umalis." Dagdag niya.
"David, walang problema okay?" Sabi ko saka yumuko. "Hindi ko rin maintindihan kung anong nangyare sa akin kagabi." Sabi ko saka muling tumingin sa kanya."Sorry." Bulong ko, nakita ko na umaliwalas ang mukha niya dahil sa sinabi ko, isang ngiti ang ibinigay niya sa akin.
"Ayos lang, nag alala lang ako kasi mukhang taakot na takot ka sa akin kagabi." Sabi niya dahilan para maalala ko kung paano ko siya tutukan ng wand ko.
"Ms. Ferrer at Mr. Gomez, mag dadaldalan nalang ba kayo jan sa likod?" Sabay kaming lumingon ni David sa tumawag sa amin, nakita ko na nasa harap na ang mga kaklase namin kasama ang bago naming instructor.
Agad kaming lumapit sa kanila. "Pasensya na po." Sabi ko saka tumingin sa ginagawa nila.
"Bawal lumapit ang familiar sa mga amo sa oras ng klase." Napatingin ako sa bago naming instructor ng sabihin niya iyon, tumingin ako kay David na napatigil at tumingin sa akin.
"Ughm.. studyante din po siya." Sabi ko, tumingin sa akin ang instructor namin.
"Alam ko, pero hindi ko siya studyante." Sabi niya kaya kumunot ang nuo ko. "Doon ka sa labas kasama ang ibang familiar, doon mo hintayin si Ms. Ferrer." Sabi pa nito kaya tumingin ako kay David.
"Pero studyante parin siya ng Walter Academy kaya--"
"Kung gusto mo sumama sa kanya Ms. Ferrer lumabas na kayo sa klase ko." Sabi nito kaya mas lalong nag init ang ulo ko. Anong klaseng batas ba pinapairal ng instructor na ito?
"Mr. Daniel, magandang umaga." Sabay sabay kaming lumingon sa pinto kung saan nag mula ang boses, si Ariza ang supreme council kasama ang ilan sa mga myembro nito.
"Ariza, magandang umaga, ano't naparito ka?" Tanong ng bago naming instructor.
"Nais sana namin kayo makausap kung maari." Sabi nito saka tumingin sa akin, ngumiti siya saka muling tumingin kay Mr. Daniel.
Lumabas ang instructor namin upang kausapin si Ariza, kinuha ko ang pagkakataon na iyon upang lumapit kay David.
"Sa labas nalang kita hihintayin." Sabi nito, umiling ako.
"Hindi pwede, studyate ka parin kaya dapat lang na sumama ka sa ritual na gagawin." Sabi ko saka tumingin sa gawi nila Mr. Daniel, nakita ko na lumingon siya sa gawi namin kaya agad akong umiwas ng tingin.
"Pero sabi ng instructor na--"
'Ako ang papakinggan mo dahil familiar kita." Sabi ko saka sinamaan siya ng tingin. "Isa pa, huwag mo ako iwan dito dahil wala akong kakilala sa mga nandito." Sabi ko saka tinignan ang mga kasama namin na nasa harap, iilan lamang kami dito, sampu kasama si David.
Unti lang ang napabilang sa breed na ito at kung minamalas pa nga ay kasama pa ako.
"Okay, Mr. Gomez, maaari mo nang samahan si Ms. Ferrer." Sabi ng instructor namin saka pumunta sa harap, bigla tuloy ako napaisip kung bakit biglang nag bago ang takbo ng pagiisip niya.
Siguro ay may kinalaman ito tungkol sa naging resulta ng pag hawak ni David sa mahiwagang crystal.
"So, As you can see class I am your new instructor. And I will be the one who will guide you to familiarize your powers." Sabi nito nang makarating sa harap.
"As what Ariza said during the orientation of breeds, Gray witch was like a Ying yang, there is darkness in every good user and Brightness in every bad users. So what does it mean?" Tanong nito, walang nag taas ng kamay.
"It means may kabutihan sa bawat masasamang witch na gumagamit ng masamang mahika, at merong kasamaan sa bawat mabubuting witch na gumagamit ng mabuting mahika. Sa kaso ninyo dahil isa palang kayong pasibong na halaman maari pang mabago ang mga tumatakbo sa isip ninyo." Sabi nito saka nilabas ang wand.
"Bago natin simulan ang mga pagsasanay patungkol sa kapangyarihan ninyo, atin munang gawin ang isang ritual na mag dudugtong sa ating mga gray witch." Sabi niya saka iniwasiwas ang kanyang wand. Agad na lumutang ang mga wand namin sa ere saka napunta sa isang malaking kawa kung saan may laman itong itim na tubig.
"Para saan ang itim na tubig?" Tanong ni David sa akin.
"Iyan ang tubig na mag aalis ng masasamang hangarin at gawain sa wand ng user, Mr. David." Sagot ng instructor namin kaya tumingin ako sa kanya.
"Malakas ba boses ko?" Bulong sa akin ni David.
"Hindi ko alam." Bulong ko saka muling itinuon ang atensyon sa instructor namin na ngayon ay may binubulong na mahika sa kanyang wand.
Ilang minuto pa ay unti unting naging kulay dugo ang itim na tubig, sabay noon ang pag angat ng wand namin sa ere at dahan dahang pag punta sa harapan namin.
Agad kong sinalo ang wand ko nang akmang mahuhulog na ito.
Wala naman nag bago sa wand.
"Ngayon na nabasbasan na ang wand ninyo, oras na paara kayo namanang basbasan bilang isang gray witch." Sabi nito at sa isang iglap ay biglang nag bago ang lugar na kinatatayuan namin.
~~~
Tweet me redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper
BINABASA MO ANG
The Cursed of Melissa
Fantasi|Completed| Melissa, the mysterious name that everyone in the town is afraid to talk with. They say Melissa is a monster, some say Melisa is an evil witch, some say Melissa is a craft demon and bound with a cursed. But who Melissa is?