Chapter 7: Morning drama

96 3 0
                                    

"Alison!" Napatigil ako sa pag lalakad at lumingon sa tumawag sa akin. Si David.

Ano naman ang kailangan ng ulupong na ito?

Hindi niya kasama si Franxine ngayon, himala nasaan naman ang babaeng iyon?

"Nakita mo ba si Franxine?"tanong niya, tinaasan ko lang siya ng kilay.

Ang aga aga naging hanapan pa ako ng taong nawawala.

"Hanapan ba ako ng mga nawawala?"tanong ko, nakita ko ang bahagyang pag kunot ng nuo nya pero agad rin itong nawala.

"Papasok ba siya?"tanong niya.

"Mukha bang alam ko?"tanong ko saka tinalikuran siya.

"Ang aga aga ang sungit mo."sabi niya saka sumunod sa akin.

"Ang aga aga pinapakulo mo ang dugo ko." Sabi ko naman saka lumingon sa kanya na sumasabay sa akin sa pag pasok.

"Bakit ka sumasabay?"tanong ko.

"Bawala ba?"balik niyang tanong.

"Ayaw kitang kasabay." Sabi ko naman.

"Wala kang magagawa kasi gusto kong sumabay sayo." Sabi niya dahilan para matigilan ako at matigilan rin siya sa pag lalakad.

"Pwede ba, kung mangaasar ka sa iba nalang? Kung si Franxine natiis ang kakulitan mo ako hindi." Sabi ko.

"Parang sasabay lang eh, masama na bang sumabay sayo?"tanong niya.

"Oo."

"Saka wala akong kakilala dito kayo palang dalawa ni Franxine kaya nga ako sa inyo sumasabay eh." Sabi niya kaya natawa ako.

"Eh di hintayin mo si Franxine na pumasok at sa kanya ka sumabay." Sabi ko at muling mag lalakad na sana ng hilahin niya ako bigla palapit sa kanya dahilan para mauntog ako sa kanyang dibdib, naramdaman ko ang pag pulupot ng braso niya sa aking bewang. Sa hindi ko alam na kadahilanan ay bigla nalamang tumibok ang ng mabilis ang aking puso, tibok na hindi ko maunawaan.

Sa sobrang lapit ko sa kanya ay naamoy ko rin ang pabango nya at unting maling kilos lang ay mauuntog ako sa baba niya.

"A-ano ba..." angal ko at tumingala sa kanya. Natatakpan ng kanyang perpektong hugis ng mukha ang sinag ng araw, nakita ko rin sa malapitan ang tangos ng kanyang ilong.

"Ayos ka lang ba?"tanong niya, napalunok ako at napatingin sa kanyang labi, napaiwas ako ng tingin ng sumagi sa mga mata ko ang paglunok niya dahilan para makita kong gumalaw ang adams apple niya.

Agad ko siya tinulak palayo sa akin saka tumingin sa kanya ng masama.

"Ano bang ginagawa mo?"inis kong tanong.

"Sorry, tinapon kasi ng malakas yung bola eh." Napalingom kami sa nag salita, si Wayne na ngayon ay may hawak na bola.

"Natamaan ka ba?"tanong ni Wayne sa akin, umiling ako saka muling tumingin kay David na nakatingin kay Wayne.

"Wala bang court ang academy na ito? Bakit dito kayo nag lalaro sa alam niyong dadaanan ng mga studyante?" Tanong ni David kay Wayne kaya napatingin ako kay Wayne na may kakaibang ngiti sa labi.

Saka ko lang napansin na nakasuot ng uniform na pang basketball si Wayne. Mukhang may practice ang team nila.

"Una, masyado pang maaga kaya sarado pa ang court. Pangalawa, nag sorry na ako at pangatlo hindi ka naman natamaan o si Alison." Sabi niya.

"Kahit na, paano kung natamaan si Alison dahil sa kapabayaan mo?"tanong ni David. Nakita ko na dumating ang mga kasamahan ni Wayne sa basketball.

"Ano bang gusto mong gawin ko ha? Nag sorry na ako hindi ba?" Napalunok ako at napatingin kay David.

Hindi maganda kung magaaway sila ng dahil lang sa bola.

"Tama na." Singit ko saka pumagitna sa kanila.

"Wala namang nasaktan saka wala namang dapat ikainit ng ulo." Sabi ko sa kanilang dalawa. Tumingin si David sa akin habang si Wayne naman ay nakatingin kay David.

"Hindi maganda na masisira lang ang umaga niyo ng dahil sa bola." Sabi ko saka hinila si David palayo sa kanila.

Mahirap na baka mapasabak sa gulo si David, lalo na't naruon ang mga kasamahan ni Wayne sa basketball.

Nang makapasok kami ni David sa building ay binitawan ko ang kanyang kamay saka tumingin sa kanya.

"Hindi maganda na makikipag away ka dahil sa bola." Sabi ko, kumunot ang nuo niya.

"Hindi naman ako nakikipag away, sinasaway ko lang siya kasi sa maling lugar sila nag lalaro." Paliwanag niya.

"Kahit na, wala namang nasaktan eh."

"So kapag may nasaktan saka lang magsusuway ganon?"tanong niya.

"Hindi mo ba ako gets ha? Ang akin lang bagohan ka pa dito at wala kang kapangyarihan, kung makikipag away ka siguradong talo ka. Ni hindi mo pa nga alam kung anong klaseng mga nilalang ang mga binabangga mo tapos mag sisimula ka ng gulo?"iritang sabi ko.

"Hindi mo rin ba nagegets ang pinopoint ko? Paano kung may nasaktan dahil sa kanila? Paano kung nasaktan ka?"tanong niya.

"Eh ano naman kung nasaktan ako?" Tanong ko dahilan para matigilan siya. Unti unting nag bago ang awra nya dahilam para matigilam ako.

May nasabi ba akong mali?

"Sabagay ano nga bang pakealam ko kung masasaktan ka?"malamig niyang tanong dahilan para manlamig ako.

Napalunok ako ng umalis siya sa harap ko, sinundan ko siya ng tingin na makalayo sa akin hanggang sa tuluyan siyang nawala sa paningin ko.

Ilang minuto akong naiwan sa tapat ng hagdan dito sa loob ng building, napalunok ako at napatingin sa ibang dereksyon saka huminga ng malalim.

Ano naman ngayon sa akin kung na offend ko siya sa mga sinabi ko? Totoo naman kasi yon na wala siyang pakealam kung masasaktan ako o hindi.

Akmang mag lalakad na ako paakyat ng hagdan ng matigilan ako at mapatingin sa kaliwang bahagi ko kung saan walang tao at nakapatay ang ilaw.

Napapikit ako ng dalawang beses ng mahagip ng mga mata ko ang anino ng isang babaeng nakatayo sa gitna ng pasilyo.

"Miss, wala pang tao jan, may klase ba kayo ngayon? Nasa guard house ang mga janitor ipa open mo nalang yung ilaw sa kanila." Sabi ko habang nakatingin sa babae.

"Me...li..s..sa.."natigilan ako sa sinabi niya.

"Alison." Napatalon ako sa gulat ng may humawak sa balikat ko.

"Sinong kausap mo jan? Wala namang tao jan?"tanong ni Wayne na ngayon ay may nakasabit na panyo sa kanyang balikat.

"W-wala..." sabi ko at napatingin sa pasilyo kung saan doon ko nakita ang babae.

"Namumutla ka, sura ka ba na hindi ka matamaan ng bola kanina?"tanong niya sa akin, napalunok ako at tumingin sa kanya saka tumango bilang sagot.

"Sorry sa kanina ah, ang angas kasi ng bagohan na iyon." Sabi niya pero hindi ko siya pinansin.

"Aakyat ka na ba? Sabay na tayo."sabi niya kaya napatingin ako ulit sa kanya saka tumango.

Sabay kaming umakyat ni Wayne patungo sa classroom namin, pagbukas nya ng pinto ay nakita ko si David na napalingon sa dereksyon namin. Malamig parin ang awra niya.

Lumihis siya ng tingin ng makita niya na nakatingin ako sa kanya. Lumapit ako sa upuan ko katabi niya saka umupo. Tahimik lang ang classroom tanging kaming tatlo palang ngayon ang naririto.

"Alison, gusto mo sabay tayo mamaya kumain? Libre ko. Pa birthday mo na sakin." Sabi ni Wayne na nakaupo sa harap at nakatingin sa akin.

Dama ko ang pagiging tahimik ni David na nasa tabi ko lang. Napalunok ako saka tumingin kay Wayne.

"Sige." Sagot ko saka saglit na napatingin kay David. Napansin ko ang nakakunot niyang nuo habang nakatingin sa ibang dereksyon.

Ano bang problema nitong lalaking ito? Ang aga aga nakakunot ang nuo niya.

~~

Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper

The Cursed of MelissaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon