Sa palagay ko, sa mga oras na ito ay pinag tulungan kami ng dalawang paaralan na kalaban namin, dahil sa harap ko ay nakita ko na dumating ang grupo ng representative ng Ariber high. Habang nasa likod ko naman ang mga taga Montellio high, at kung hindi ako nag kakamali ay si Agazi ang nakahawak sa akin ngayon at tinututukan ako ng wand.
Ang angas ng plano nila, ang pag tulungan kami para patalsikin kami sa laro at sa huli sila sila ang mag lalaban.
"Subukan ninyong ilabas ang mga wand niyo, sigurado ako na matatanggal kayong lahat sa laro." Banta ni Stormi na siyang nasa gilid ko.
"Hahaha, hindi ko naman alam na ganon ka kagaling mag plano, Stormi." Sabi ni Castro ang captain ng Aribe high. Napangisi ako habang nakatingin sa kanila.
"Ano itong ginagawa niyo?" Tanong ni Ace.
"Hindi pwede yang ginagawa niyo."Sabi ni Franxine na siyang katabi ko lamang
"Bakit? Wala naman sa rule na nabanggit na bawal makipag sabwatan sa ibang school." Sabi ni Castro."Saka isa pa, hindi naman talaga laro ang pakay namin dito." Dagdag ni Castro dahilan para magkatinginan kami nila Ace at Wayne.
"Ano?" Tanong ni Franxine.
Tumingin si Castro kay Stormi."Stormi, ano bang sinasabi mo na Melissa?" Tanong ni Castro kaya napatingin sa akin sila David at Ace.
Naglakad papunta sa harap ko si stormi saka ngumisi sa akin.
"Siya, siya si Melissa. Ang babaeng pumatay sa lahi namin." Sabi ni Stormi habang nakatingin sa akin, kumunot ang nuo ko habang nakatingin sa kanya. Ano bang pinag sasabi ng babaeng ito?
Nakita ko na tumingin si Castro sa akin saka ngumisi.
"Kung ganon siya pala talaga ang hinahanap mo." Sabi niya saka nag cross arms.
"Ano bang sinasabi ninyo?" Tumingin sila kay Ace. "Siya si Alison, hindi siya si Melissa." Dagdag niya. Natawa si Stormi saka muling tumingin sa akin.
"Huwag mo nang pag takpan ang myembro mo, dahil huling huli na siya." Sabi niya at marahas na hinila ang buhok ko dahilan para mapadaing ako.
"Huwag mong saktan si Alison!" Sigaw ni David pero hindi siya pinakinggan ni Stormi.
"Ano bang gusto ninyo? Mali na ginagawa ninyong pisikal ang pananakit, wala sa rules ng laro ang--"
"Hindi mo ba napapansin? Hindi na parte ng laro itong nangyayare." Sabi ni Castro kay Wayne.
"Narito kami para kunin ang salot na kaibigan ninyo." Sabi ni Stormi saka ngumiti sa mga kasama ko.
"Kung ibibigay ninyo siya ng maayos sa amin ay siguradong walang masasaktan sa inyo." Sabi niya habang nakangiti saka marahas na binitawan ang buhok ko.
Tinignan ko siya ng masama pero ngumisi lang siya habang nakatingin sa akin.
"Hindi kami papayag na saktan ninyo si Alison." Sabi ni Franxine na siyang katabi ko.
"Pwes, jan tayo mag kakaruon ng hindi pagkakaunawaan." Sabi ni Stormi saka tumingin kay Franxine.
"Gusto mo ba makita kung gaano kasama ang kaibigan mo?" Tanong ni Stormi kay Franxine kaya napatingin sa akin si Franxine saka binalik ang tingin kay Stormi.
"Hindi masama si Alison." Sabi ni Franxine dahilan para matawa si Stormi.
"Talaga?" Natatawang tanong niya kay Franxine. " Oh baka naman nakalimutan mo lang kung gaano siya kasama?" Sabi ni Stormi na siyang nag pakunot sa nuo ni Franxine.
"Ano bang pinag sasabi mo?"
"Wilbert Hermoza at Gian Hermoza." Sabi niya dahilan para matigilan si Franxine, mga pangalan iyon ng tatay at kuya niya na namatay sa insedente one year ago."Sa plaza kung saan may nagaganap na kasiyahan, isang unknown witch ang pumunta doon para mag wala dahilan para mamatay ang tatlong daang tao." Sabi ni Stormi. "At kasama sa mga namatay ang tatay at kuya mo, hindi ba?" Tanong ni Stormi, hindi sumagot si Franxine.
"Sino ka, bakit alam mo kung ano ang nangyare sa sa magulang niya?" Tanong ni Wayne. Ngumisi lang si Stormi.
"Ako si Stormi, at naruon ako sa plaza kung saan nangyare ang insedente." sagot ni Stormi saka tumingin sa akin.
"Sa totoo lang, hindi naman talaga si Melissa ang pakay namin, dahil si Alison mismo ang kailangan namin." Sabi niya. "Nag kataon lang na siya si Alison at kamukha niya si Melissa, hindi ba't nakuha mo ang mukha niya matapos ng ritual na ginawa sayo?" Tanong sa akin ni Stormi pero hindi ko siya sinagot sa halip ay pinagmasdan ko lang siya.
"Bakit hindi mo ikwento sa kaibigan mo kung paano ka nag wala sa plaza, Alison." Sabi niya na siyang nag pakunot sa nuo ko at siyang biglang nagpatingin kay Franxine sa akin.
"Ano bang sinasabi mo?" Kunot nuong tanong ko.
"Oh, huwag mong sabihin na nakalimutan mo na kung paano mo patayin ang mga taong nasa Plaza, Alison." Natatawang sabi sa akin ni Stormi, tumingin ako kay Franxine.
"Hindi ko alam kung ano ang sinasabi niya." Sabi ko kay Franxine na nakatingin sa akin.
"Gusto mo bang ipaalala ko sayo?"
"Tama na.." seryosong banggit ni Franxine habang nakatingin kay Stormi."Hindi magagawa ni Alison ang bagay na binibintang mo sa kanya," Natawa si Stormi.
"Talaga, kung ganon ano ito?" Tanong ni Stormi saka sumenyas sa isas sa mga kasama niya, agad na umabante ang isang babae saka nag bigkas ng spell dahilan para lumitaw ang mga imahe sa hangin, imahe kung saan nasa Plaza ako at puno ng dugo ang aking kamay, katawan at mukha. Nakatayo ako sa gitna kung saan nag kalat ang mga katawan ng mga tao.
Nakita ko pa ang pag ngisi ko habang nakatingin sa mga katawan dahilan para magsitayuan ang mga balahibo ko at mapalunok.
Hindi ko ginawa ang bagay na iyan, alam ko sa sarili ko na hindi ko ginawa ang bagay naiyan, tumingin ako sa gawi ni Franxine na seryosong nakatingin sa mga imahe.
"Franxine..." Tawag ko sa kanya pero hindi siya lumingon sa akin, biglang namuo ang luha ko habang nakatingin kay Franxine.
"Tama na.." Sabi ko saka tumingin kay Stormi. "Itigil mo na iyan!" sigaw ko kaya tumingin siya sa akin at natawa.
Kasabay ng pag tawa niya ang siyang pagkawala ng mga larawan sa ere.
"Hindi ko ginawa ang bagay na iyan.." umiiyak kong sabi dahil alam ko sa sarili ko na hinding hindi ko magagawa ang pumatay ng tao.
"Alison, talaga bang hindi mo maalala?" hindi ko siya pinansin saka tumingin sa mga kasama ko na nakatingin sa akin, isang tingin na natatakot, maging si David.
"Hindi ako ang gumawa ng bagay na iyan...." Umiiyak kong sabi saka tumingin kay Franxine na seryoso ang awra.
"Franxine..."
"Ikaw ang... pumatay sa tatay at kuya ko." Malamig niyang sabi saka dahan dahang tumingin sa akin, umiling ako habang nakatingin sa kanya.
"Hindi ako ang may gawa nyan..."
"Gusto mo bang ipaalala ko pa sayo, Alison?" Tanong ni Stormi saka ngumisi sa akin.
"Kung wala kang maalala, pwes. ipapaalala ko sasyo kung paano mo sila pinatay." Pag kasabi niya noon ang siyang pag lapit niya sa akin saka hinawakan ang nuo ko ng pagkahigpit higpit saka ako inihipan dahilan para mapatigil ako dahil sa kakaibang lugar na ngayon ay kinatatayuan ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/326644444-288-k285460.jpg)
BINABASA MO ANG
The Cursed of Melissa
Fantasy|Completed| Melissa, the mysterious name that everyone in the town is afraid to talk with. They say Melissa is a monster, some say Melisa is an evil witch, some say Melissa is a craft demon and bound with a cursed. But who Melissa is?