Prologue

433 12 0
                                    

"The sun will rise, the moon will fill with blood, and the sky will cry like a puppet of an evil."

Araw ng Sabado, lahat ng tao sa bayan ay abala sa pag-iisip at paggawa ng kani-kaniyang negosyo, ang langit ay puti gaya ngayon at ang araw ay nakangiti sa amin. Bumuntong hininga ako at kinuha ang bag ko sa upuan. Humarap ako sa salamin at inayos ang buhok ko bago ako umalis ng bahay.Nagsisimula akong maglakad sa kalye, ngayon ay isang mahabang araw na naman. Panibagong araw panibagong schoolwork na gagawin mamaya.I start minding my own business, walking like I'm a cold-hearted woman living in our town, I saw the gazes of some people on me, I saw how bad they looked at me. Huminga ako ng malalim at hindi pinansin ang mga tingin nila.


''The evil work will rise and those who attempt to get in her way will die."


Napahinto ako sa paglalakad, nang sa kabilang dako ng daan ay may isang babaeng nakatayo sa gitna ng daan, nakatalikod ito sa akin at tila nakatingin sa kalangitan.
Hindi ba siya natatakot na baka masagasaan siya ng mga sasakyang dumaraan dito? Huminga ako ng malalim saka lumapit sa babaeng nakatalikod.

Nakasuot siya ng damit na butas butas, ang dumi niya ngunit ang nakaka agaw pansin sa kanya ay ang kamay niyang duguan. Saan ba galing ang babaeng ito?

"The darkness will rise, the evil will rise, Melissa is awake hunting her preys and food."

"Ms. ayos ka lang ba? nakaharang ka sa daan baka masagasaan ka." Sabi ko ngunit hindi siya lumingon sa akin.

"Ms. Baka gusto mong gumilid?" Nahinto ako ng dahan dahan siyang tumawa, at dahan dahang lumingon sa akin.

Ang mukha niya ay nababalutan ng kulay itim na hindi ko mawari kung ano, tanging ang mapula niyang mata na parang handang pumatay ang aking nakikita at ang kanyang labi na nakangiti sa akin na nagdudulot ng kilabot sa aking katawan.

"El tiempo de la muerte esta cerca." bigkas niya at sa hindi ko malaman na dahilan ay bigla nalang akong natumba dahil sa takot.

"El tiempo de la muerte esta cerca!" Dahan dahan siyang lumapit sa akin dahilan para mapapikit ako sa takot.

"HOY MISS! KUNG MAG PAPAKAMATAY KA SA IBANG LUGAR KA MAGPAKAMATAY WAG MO AKO IDADAMAY!"

"TUMABI KA NGA!"

Natigilan ako at napatingin sa aking paligid, nakita ko ang mga galit na mukha ng mga taong nasa harap ko at nasa labas ng kanilang mga sasakyan. Napatingin ako sa kinatatayuan ng babae kanina ngunit wala na siya roon.

Dali dali akong tumayo at naglakad palayo sa lugar na iyon, ano yun? bakit biglang nawala ang babaeng kanina lang ay may kung ano anong binibigkas na salita?

"ME...LI...S..SA.."

~~~

Tweet me redious_in

Facebook: Arline Laure ll

Instagram: rediousinpaper

The Cursed of MelissaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon