|Completed|
Melissa, the mysterious name that everyone in the town is afraid to talk with. They say Melissa is a monster, some say Melisa is an evil witch, some say Melissa is a craft demon and bound with a cursed. But who Melissa is?
Tinignan ko ang aking sarili sa reflection at napangiti.
"Bagay sayo Alison." Tinignan ko si Franxine sa reflection ng salamin, gaya ko naka ayos narin sya. Lumapit siya sa akin saka ako hinarap sa kanya.
"Napaka ganda mo." Dagdag niya habang may ngiti sa labi, napangiti ako at muling tumingin sa salamin.
Tumingin rin si Franxine sa salamin habang nakahawak ang kanyang kamay sa aking balikat.
"Para kang dyosa sa suot mo na yan, sobrang bagay sayo." Sabi niya kaya napangiti ako.
"Salamat, ang ganda mo rin Franxine. Kahit anong suot mo bumabagay sayo."sabi ko kaya natawa siya.
"Wag ka na nga mambola Alison, pinapalaki mo na naman ang ulo ko." Biro niya kaya natawa ako.
"Sya nga pala, nag hihintay na sa labas ang partner mo." Sabi niya kaya nawala ang ngiti ko.
"Ayan nagiging halimaw ka na naman Alison, ngumiti ka kahit ngayong gabi lang. Wag mo munang tarayan si David kahit ngayon lang."sabi niya kaya napairap ako saka huminga ng malalim.
"Ano pa nga ba magagawa ko." Sabi ko .
"Alam mo mabait naman siya, try mo kasi makipag close sa kanya sure ako na makakasundo mo siya." Sabi niya kaya tinignan ko siya at lumakad papunta sa gilid para kunin ang purse ko.
"Alam mo, sapat na sakin na ikaw lang ang kasama kong maingay. Ayaw ko ng mag dagdag pa ng sakit sa ulo." Sabi ko, napabuntong hininga na lamang siya saka natawa.
"Anyways, mauna na ako Alison, nasa labas narin si Wayne. Alam mo naman ang lalaking iyon, ayaw niya ng nahuhuli." Sabi niya kaya tumango ako bilang sagot.
Naiwan ako ngayon mag isa sa dressing room dito sa bahay ni Franxine. Pinapunta ako dito ni Franxine para siya daw ang mag ayos sa akin dahil wala daw siyang tiwala sa akin.
Muli akong tumingin sa salamin saka napabuntong hininga. Nagsimula na akong mag lakad palabas ng dressing room ni Franxine saka hinanap si David sa sala. Mula sa kinatatayuan ko nakita ko si David na nakaupo sa sofa at umiinom ng drinks na binigay ng katulong nila Franxine. Nakatingin siya sa larawan na naka display sa pader ng bahay nila Franxine.
Sa pagkakataon na ito namangha ako sa kanya dahil sa ayos niya. Nakasuot siya ng pulang tailcoat jacket, inayos rin ang buhok niya dahilan para hindi ko sya gaanong makilala.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
(SOURCE. PINTEREST)
Dumako ang tingin niya sa dereksyon ko kaya napalunok ako. Nakita ko na agad siyang napatayo habang nakatingin sa akin. Nag lakad ako palapit sa kanya.
"Kanina ka pa ba?"tanong ko sa kanya, umiling siya habang hindi inaalis ang tingin nya sa akin.
"Tara na, baka mahuli tayo." Sabi ko pero hindi siya gumalaw. "David, sabi ko tara na." Paguulit ko. Napangiti siya sa akin saka kinuha may kinuha sa likod niya. Red roses. Kumunot ang nuo ko ng iabot niya iyon sa akin.