Chapter 24: Seven players

52 3 0
                                    

"Gaya ng sinabi ko sa inyo tungkol sa Hymn Games, kinakailangan nito ng pitong manlalaro." Sabi ni Ariza, nanatili akong tahimik at malamig ang awra habang nakatingin sa kanya. Sa totoo lang ay hindi ko tanggap na sasali si David sa laro dahil una sa lahat wala siyang kapangyarihan, pwedeng siya pa ang maging dahilan kung bakit kami matalo. Pangalawa, delekado para sa isang kagaya niyang ordinaryong tao na sumali sa laro, maari siyang malagay sa panganib kung sakaling hindi niya ma dedepensahan ang sarili niya sa laro lalo na't wala naman siyang kapangyarihan.

"At kayo ang mga napili para sumali sa laro." Dagdag ni Ariza. tumingin siya sa gawi namin. "Alison, Franxine, David at Wayne, nais kong ipakilala sa inyo sila Sean at Maja." Sabi niya saka tumingin sa dalawa. Humakbang paharap ang babaeng may kulay blonde na buhok, at nakasuot ng uniporme ng isang Solidary witch.

"Hello, kinagagalak kong makilala kayo. Ako si Maja Ramos, isang Solidary witch. Sana maging malapit tayo sa isa't isa at ienjoy lang natin ang laro." Sabi nito, Pinagmasdan ko lang siya hanggang sa humakbang siya paatras habang si Franxine naman ay nakangiti sa kanya.

Sunod naman na humakbang paharap ay ang lalaking naka wolf cut at matipuno ang pangangatawan, kulay bughaw ang kanyang mga mata at nakasuot siya ng uniporme na pang Green witch.

"Ako nama si Sean Shawn, isang Green witch. Ikinagagalak kong makilala kayo.:" Sabi nito saka bumalik agad sa tabi ni Maja.

"Mag jowa ba kayo?" Bigla akong natawa sa tanong ni Wayne, dahil gaya niya iyon din ang iniisip ko habang nakatingin sa kanilang dalawa.

"Nako, hindi. Pinsan ko siya." Sabi ni Maja kaya napatango si Wayne.

"Ayan ka na naman Wayne, umiiral na naman ang pagiging play boy mo." Sabi ni Franxine.

Nag make face lang sa kanya si Wayne saka binalik ang atensyon sa dalawang studyate na nakatayo sa harap namin.

"Sean, Maja sila naman sina Alison, Franxine, Wayne at David." Pakilala sa amin ni Ariza sa dalawa, biglang tumingin sa akin si Ariza dahila para taasan ko siya ng kilay.

"Hello, ako naman si Franxine Hermoza, isang Coven Based Witch, kinagagalak ko kayong makilala.' Nakangiting pakilala ni Franxine.

"Alison Ferrer, isang Gray witch." Maiksing pakilala ko dahil wala ako sa mood ngayon na mag salita.

"Ako naman si Wayne, Huwag niyo na alamin ang apilyedo ko, ang mas mahalaga ay nakilala niyo ako." Nakangiting sabi ni Wayne saka kumindat kay Maja. "Isa akong cosmic witch at sa palagay ko bagay tayo." Dagdag niya kaya napairap ako dahil sa kalandian ni Wayne ngayon.

Wala naman na atang nag bago dito sa lalaking ito, kahit sino nalang ata lalandiin niya basta may malandi lang siya.

"Ako naman si David Gomez, kinagagalak kong makilala kayo." Sabi ni David kaya napalingon ako sa kanya saka napairap.

"Ikaw iyong sinasabi nila na tao na nakapasok dito sa Walter hindi ba?" Tanong ni Sean.

"Oo." Sagot niya.

"Hindi kaya makaka-apekto sa laro natin ang kalagayan mo?' Tanong ni Maja kaya natawa ko.

"I mean, no offense ha, pero kasi nag aalala lang ako sa maaring mangyare sayo." Napairap ako dahil sa sinabi ni Maja.

"Maaari kang mapahamak dahil sa wala kang taglay na kapangyarihan."

"Sinabi ko na iyan kanina hindi mo ba narinig?" Singit ko kaya napalingon sila sa akin.

"Hayaan mo siya kung gusto niyang sumali, may isip na siya at malaki na siya. Kung nag hahanap talaga siya ng sakit sa katawan niya pabayaan mo siya"Dagdag ko.

"Ang nais lang iparating ng pinsan ko ay baka matalo tayo dahil sa kanya." Sabi ni Sean.

"Eh di sisihin niyo siya, siya naman ang may gusto na sumali kahit na inaawat ko siya." Sabi ko.

"Hindi naman ako mag papabigat sa laro." Sabi ni David kaya napairap ako muli saka tumingin sa kuko ko.

"Kahit na wala akong kapangyarihan susubukan ko parin na gawin ang best ko para maalo tayo."

"Talaga? anong best mo ang meron ka? ni wala ka ngang kapangyarihan," Sabi ko saka tumingin sa kanya. Nakita ko ang malamig niyang titig sa akin kaya naman ngumisi ako.

"Kung may problema ka sa pag sali ko sa laro, mag reklamo ka sa matataas na opisyal na nag sali sa akin." Sabi niya kaya inirapan ko siya.

"Alison, David, Tama na." Singit ni Ariza saka huminga ng malalim. "Nagiging aso't pusa na naman kayo." Dagdag niya saka pinag cross ang braso niya.

"Teka, hindi ba sabi mo pito ang myembro kada paaralan?' Tanong ni Wayne saka binilang kami.

"Anim palang kami, wala pa ba kayong nakukuhang isa?" Tanong niya, umiling si Ariza bilang sagot.

"Kompleto na kayo." Sabi niya.

"Sino ang isa?" Tanong ni Franxine.

"Ako." Sabay sabay kaming lumingon sa gawi ni Ace na nakasandal sa mesa ay naka cross arms. Kumunot ang nuo ko dahil sa sinabi niya.

"Ikaw?" Tanong ko, lumingon ss akin si Ace.

"May reklamo ka na naman ba Ms. Ferrer?" Tanong niya.

"Oo." Sagot ko habang nakatingin sa kanya. "Isa kang myembro ng supreme council, parang madaya naman ata na isasali ka sa laro." Sabi ko. Natawa siya.

"Lahat nalang sayo ay may reklamo." Bulong niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Ako ang pinili ni Ariza na maging isa sa mga pitong manlalaro at maging captain ninyo." Sabi niya kaya kumunot ang nuo ko at tumingin kay Ariza na umiwas ng tingin.

"Bilang isang responsableng mag aaral ng Walter at myembro ng Supreme Council, tinanggap ko ang nais ni Ariza." Sabi niya.

"Hindi ba mag mumukhang madaya para sa ibang paaralan na may isang myembro ng supreme council sa laro?" Tanong ko.

"Wala naman silang sinabi na bawal din sumali ang mga myembro ng supreme council, ikaw lang talaga itong gumagawa ng butas dahil madami kang reklamo." Natawa ako sa sinabi niya.

"Nagiging patas lang ako." Sabi ko.

"Kung may reklamo ka, kay Ariza ka mag reklamo." Sabi niya kaya napalingon ako kay Ariza.

"Tama na, hindi maganda na hindi kayo magkasundo. Paano niyo ma bubuild ang trust ng bawat isa kung puro kayo bangayan?" Tanong ni Ariza. Inirapan ko lang siya saka tumingin sa ibang dereksyon.

"Si Ace ang mamumuno sa inyo, siya rin ang mag sasanay sa inyo habang wala pa ang Hymn games." Sabi ni Ariza.

"Kaya sumunod kayo sa lahat ng sasabihin nya." Dagdag niya saka tumingin sa akin.

"Nakuha mo ba, Alison?"tanong niya, hindi ko siya sinagot, sa halip ay inirapan ko lang siya saka. Tumingin sa ibang dereksyon.
.

The Cursed of MelissaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon