Isa isa kong pinag masdan ang mga kasama ko, lahat sila ay tahimik at nag hahantay sa susunod na utos ni Ace.
Matapos ang nangyare kanina sa pag harap sa Minotaur monster ay nakahanap kami agad ng matutuluyan at gaya ng plano ko ay malapit nga iyon sa trap at medyo pataas ang lugar na tinuluyan namin ng sa ganon ay makita namin ang mga kalaban sa baba.
Dalawang oras na ang lumipas, anim na oras nalang ay matatapos na ang laro. Hindi ko alam kung ano ang susunod na plano ni Ace o kung may plano na ba siya, hindi naman pwede na basta nalang kami mag tago dito sa tinutuluyan namin dahil may puntos na idadagdag sa grupo namin kung may isa kaming tinanggal na myembro ng ibang school.
"Anong plano, Ace?" Tanong ni Wayne na kanina pa nakatingin kay Ace. Tumingin sa amin si Ace saka huminga ng malalim.
"Wala pa akong maisip na plano." Sabi ni Ace kaya napairap ako.
"Hindi naman pwede na dito lang tayo at hayaan na maubos ang oras." Sabi ko kaya tumingin sa akin si Ace.
"Mas maganda kung meron tayong plano na magagawa ng sa ganon madagdagan ang puntos natin kung sakaling may natanggal tayong studyante na mula sa ibang paaralan." Sabi ko.
"Tama si Alison, bali-wala kung dito lang tayo at hihintaying maubos ang oras, kapag ang ibang school ay mas lamang sa puntos malamang ay sila ang mananalo at tayo matatalo dahil wala tayong puntos." Sabi ni Sean.
"Kayo ang pumili sa pwesto natin, ngayon wala tayong mahanap na ibang mga studyante dahil malamang ay iiwasan nila ang lugar kung nasaan tayo." Sabi ni Ace kaya natawa.
"Alam mo, hindi naman problema kung saan tayo naka pwesto, ang problema ay hindi ka gumagawa ng plano." Sabi ko dahilan para tumingin sa akin ng masama si Ace.
"Ano bang problema mo, Alison?" Inis niyang tanong saka tumayo sa kinauupuan niya.
"Kanina ka pa." Dagdag niya. Natawa ako saka tinignan siya.
"Ano bang ginawa ko sayo?" Pang aasar ko. "Nag suggest lang naman ako at ngayon ibabalik mo sa amin ang sisi dahil kami ang nag isip ng lugar kung saan tayo tutuloy?" Tanong ko at natawa. "Ikaw ang captain hindi ba? sana tumutol ka kung ayaw mo." Dagdag ko.
"Tama na, wala namang mapapala ang pag aaway niyo. Narito na tayo." Singit ni David sa amin.
"Isipin nalang natin ang dapat na gawin para makaabante, kung mag babangayan kayo hindi makakatulong sa grupo natin yan." Sabi ni Maja.
"Ace, huwag mo nalamang pansinin si Alison kung sa tingin mo ay namemersonal siya o nang aasar." Singit ni Wayne. "Myembro ka ng counsil hindi ba? Bakit hindi mo subukang umasta na parang isang myembro ng counsil."
"Oh baka naman pinag tutulungan niyo lang talaga ako." Sabi ni Ace kaya kumunot ang mga nuo namin. "Pinag tutulungan niyo akong lahat dahil myembro ako ng counsil." Dagdag niya saka tumingin sa akin. "Lalo ka na," Sabi niya sabaya turo sa akin.
Biglang tumayo si David para protektahan ako ng akmang susugurin ako ni Ace. Habang si Wayne naman ay tinutukan ng wand si Ace.
"Pare, babae yang dinuduro mo, umayos ka. Huwag kang bakla." Malamig na sabi ni Wayne habang nakatutok ang wand kay Ace.
Isa isa kaming tinignan ni Ace saka natawa.
"Alam ko na kung ano ang nangyayare dito." Sabi ni Ace saka tumayo ng maayos.
"Kinakampihan niyo si Alison dahil kaibigan niyo siya hindi ba?" Tanong niya kaya natawa ako.
"Ano bang sinasabi mo?" Tanong ko.
"Tumahimik ka!" Biglang sigaw ni Ace sa akin.
"Alam mo, hindi lang mukha ni Melissa ang nakuha mo, pati na ang ugali niya." Sabi niya sa akin dahilan para uminit ang ulo ko. Anong kinalaman ni Melissa sa laro namin at bakit dinadamay niya.
"Sa tuwing tinitignan kita, naalala ko kung gaano kahayop ang ninuno mo." Tumayo ako dahil sa sinabi ni Ace.
"Ano bang pinuputok ng butsi mo? Bakit mo dinadamay si Melissa sa laro? wala naman siyang kinalaman dito." Inis kong sabi.
"Kasi kaugali mo si Melissa!" sigaw niya kaya natawa ako at tinaasan siya ng kilay.
"Bakit? Naaasar ka ba dahil magkapareho kami ng ugali?"
"Oo!"
"Bakit ganyan ka kaapekto kay Melissa? siguro may kasalanan ka sa kanya." Sabi ko dahilan para matigilan siya at mag bago ang expression ng mukha niya, napangisi ako habang nakatingin sa kanya.
"Siguro may masama kang ginawa kay Melissa kaya ganyan ka kung umasta ka." Dagdag ko. "Bakit, naalala mo ba ang kababuyang ginawa mo?" Tanong ko.
Nakita ko ang galit at inis sa mukha niya, nakita ko rin ang dahan dahang pag bunot niya ng wand niya sa likod niya.
"Expresio!" Sigaw ni Wayne dahilan para mabitawan ni Ace ang wand niya. Agad na pinulot ni Franxine ang wand ni Ace saka pumunta sa tabi ko.
"Balak mo bang patayin si Alison ha?!" Sigaw ni David saka kinuwelyohan si Ace.
"David! huminahon ka!" pag aawat ni Maja.
"Tama na!" Sigaw ni Franxine kaya sabay sabay kaming napatingin sa kanya.
"Tama na.." Umiiyak na sabi ni Franxine habang nakatingin sa amin.
"Nasa gitna tayo ng laro, bakit ba kayo nag aaway?" Umiiyak niyang tanong dahilan para bumalik ako sa huwisyo ko.
Tama siya, bakit nga ba kami nag aaway?
"Dapat nag tutulungan tayo." Dagdag niya, agad ko syang niyakap.
"Pasensya na.." bulong ko habang yakap yakap siya at siya naman ay umiiyak.
"May mali dito." biglang sabi ni Sean kaya napatingin kami sa kanya.
"Bigla nalamang bumibigat ang pakiramdam natin dito." Dagdag niya.
Tumingin ako kay Ace na parang naalibadbaran sa nangyare.
"Tama siya." Wika ni Ace saka tumingin sa akin. Kalmado na siya sa mga oras na ito, pero nakakunot parin ang nuo niya.
"May maling nangyayare dito." Dagdag niya.
"Nag simula lang ang away natin ng pagusapan natin ang plano." Sabi ni Ace saka lumapit kay Franxine at kinuha ang wand niya.
"Pasensya na." sabi niya sa akin saka tumingin sa mga kasama ko.
"Maging alerto kayo, pakiramdam ko ay hindi lang tayo ang taong naririto sa lugar na ito." Sabi niya dahilan para kunin ko ang wand sa likod ko. Napatigil ako ng may mahawakan akong kakaiba sa likod ko kaya naman tumingin ako sa likod ko at kasabay noon ang pag hila sa akin ng kung sino man ang taong kanina pa naruruon.
"Alison!" Nakita ko ang pag aalala sa mga mata ni David.
"Bitawan mo si Alison!"
"Subukan niyong gumalaw, tatanggalin namin sa laro ang mistress niyo." Boses ng isang babae ang narinig ko.
Dahan dahan kong tinignan ang nag salita, si Stormi, ang Captain ng Montellio
BINABASA MO ANG
The Cursed of Melissa
Fantasía|Completed| Melissa, the mysterious name that everyone in the town is afraid to talk with. They say Melissa is a monster, some say Melisa is an evil witch, some say Melissa is a craft demon and bound with a cursed. But who Melissa is?
