"Alison anong gusto mo?' Tanong ni Wayne na ngayon ay nasa tabi ko, tumingin ako sa menu saka pumili. Narito kami ngayon sa canteen kasama sila David at Franxine.
"Spaghetti at sandwich nalang akin." Sabi ko saka binalik ang tingin kay Franxine na kaharap ko, sa tabi niya ay si David habang si Wayne naman ay katabi ko.
"Sayo Franxine?"
"Macaroni and Cheese saka sandwich." Sagot ni Franxine saka tumingin sa akin, tinaasan ko siya ng kilay dahil sa kakaibang tingin niya sa akin.
"Kaya mo naman na siguro umorder ng sarili mo ano?" Tanong ni Wayne kay David na hindi siya pinansin.
"Alison, hindi mo parin ba ako kakausapin? bati na kasi tayo." Sabi ni Franxine sa akin saka nag pout. Napairap ako saka huminga ng malalim.
"Natitiis mo na ba ako?" Tanong niya kaya tinitigan ko siya.
Abala sa pagorder ng pagkain sila David at Wayne na ngayon ay nakapila na sa counter habang kami naman ni Franxine ang naiwan sa table.
Nakita ko na naluluha na si Franxine kaya natawa ako.
"Napakaiyakin mo." Sabi ko dahilan para mas lalo siyang maluha at hinawakan ang kanang kamay ko.
"Kasi naman Alison kahapon mo pa ako hindi pinapansin akala ko friendship over na tayong dalawa." Sabi niya kaya natawa ako.
"Timang."
"Dahil bati na tayo, may tanong ako. Bakit kanina pa wala sa mood si David?" Tanong niya.
"Kakabati pa nga lang natin nagsasagap ka na agad ng tsismis." Sabi ko saka tumingin sa dereksyon ni David na nasa likod ni Wayne.
Muli kong naalala ang nangyare kaning umaga.
"Hindi ko alam." Sagot ko kay Franxine.
"Kanina niya pa kasi ako hindi kinakausap, kanina pa ba siya ganyan?" Tanong niya.
"Oo, simula ng sabihin ko na wala naman siyang pake-alam sa akin kung masasaktan ako o hindi." Sabi ko dahilan para lumaki ang mga mata niya at parang kiti-kiti na nais sumagap ng tsismis.
"Ikwento mo naman." Sabi niya, tinignan ko si Franxine saka napairap.
"Sya nalang ang tanongin mo." Sabi ko
"Wala nga siya sa mood paano ko siya tatanongin?" Tanong niya saka nag pout.
"Si Wayne nalang ang tanongin mo."Sabi ko kaya umirap siya.
"Isa pa iyan, wala naman akong makukuhang matinong sagot sa kanya kundi puro tawa at panlalait." Sabi niya saka medyo lumapit ng kaunti sa harap ko.
"Bakit ka nga pala niya niyaya kumain?" Taanong niya.
"Sabi niya libre niya." Sagot ko.
"Oo nga bakit nga daw?'Tanong niya ulit.
"Pa birthday ko nalang daw sa kanya." Sagot ko naman.
"Ha? eh december pa birthday niya, february palang ngayon." Sabi niya kaya tinaasan ko siya ng kilay.
"Eh di para sa december hindi na niya ako ayain." Sabi ko.
"Sus ikaw ha, baka mamaya may something pala sa inyo ni Wayne, sige ka mag seselos niyan si David." Sabi niya kaya inirapan ko siya.
"Wag ka ngang ma-isue Franxine, saka hindi lang naman ako ang niyaya niya ah pati ikaw." Sabi ko.
"Malay mo pampalubag loob niya lang na yayain ako kaya ganon." Sabi niya.
"Nasa counter palang kami alam ko na na pinag uusapan niyo ak." Tumingala kami sa nag salita, si Wayne na may hawak na tray ng mga pagkain namin kasunod si David na nakasimangot parin.
Ano bang problema nitong lalaking ito at kanina pa nangangasim ang mukha niya.
"Hoy ikaw, umamin ka nga, may gusto ka ba sa best friend ko?" Tanong ni Franxine na kina-awang ng bibig ko, natawa naman si Wayne at sinimulang ibigay ang pagkain namin ni Franxine habang si David naman ay umupo dala ang sarili niyang pagkain.
"Paano mo naman naisip ang bagay na iyan Franxine?" Tanong ni Wayne, Umupo siya sa tabi ko saka tumingin sa akin.
"Hindi ko naman itatanggi na maganda si Alison." Sabi niya habang nakatingin sa akin dahilan para maginit ang pisngi ko.
"Magaling din siya pagdating sa academic at independent woman." Dagdag niya, inirapan ko siya saka pasimpleng tumingin kay David na nakikinig lang sa usapan habang umiinom ng tea.
"Madaming lalaki rin ang nahuhumaling sa kanya lalo na ang mga 4th year na studyante." Dagdag ni Wayne saka tumingin kay Franxine.
"Pero alam mo kasi masyadong masungit si Alison, mapanakit, mas malamig pa sa yelo ang trato sa iba, minsan lang kung mag salita, laging may menopause at madalas na dragon sa sobrang init ng ulo kaya malabo ang sinasabi mo." Sinamaan ko ng tingin si Wayne, narinig ko naman ang pagtawa ni Franxine kaya napalingon ako sa kanya at nahagip ng mga mata ko si David na may ngisi sa labi ngayon.
"Kung mahinhin siya at mabait siguro oo magugustohan ko pa siya, although may slight na crush ako sa kanya pero iba parin kasi nakikita ko na sa future na tatanda siyang dalaga." Sabi ni Wayne kaya napalingon ako sa kaanya, maging si Franxine ay natigil sa pagtawa.
"Anong sabi mo?" Tanong ni Franxine, tumingin si Wayne kay Franxine.
"Ano?"
"Yung sinabi mo."
"Alin doon?"
"Yung may Crush ka sa kanya."Napatingin kami kay David na siyang nag salita, may maitim na awra na bumabalot sa kanya ngayon, parang anytime mag wawala siya pag may nasabing mali si Wayne.
"Ahhh oo slight lang namn." Sabi ni Wayne saka tumingin sa akin at kumindat dahilan para mapangiwi ako. Inirapan ko nalang siya saka nag patuloy sa pagkain.
"So may gusto ka nga sa kanya." Saabi ni David kaya napaangat ako ng tingin sa kanya.
Nakatingin si David kay Wayne habang naka cross ang mga braso nito.
"Magkaiba ang gusto sa crush."Depensa ni Wayne.
"Kung wala kang gusto sa kanya eh di hindi mo siya crush."
"Ang gusto malapit na sa pagmamahal, ang crush pag hanga lang."
"Eh kaya mo nga siya crush kasi gusto mo siya."
"Paghanga lang nga ang crush alin ba sa mga sinabi ko ang hindi mo naiintindihan?"
Napakunot ang nuo ko ng makita ko na nag tatalo na naman silang dalawa.
"Eh di sana sinabi mo na hinahangaan mo siya kesa sa sasabihin mo na crush mo siya."
"Ano bang problema mo?"
"Mali ka kasi ng mga term na sinasabi, linawin mo kasi."
"Eh ano naman sayo kung crush ko si Alison bakit may gusto ka ba sa kanya para maging ganyan ang reaction mo?"Tanong ni Wayne na ikinatigil ni David, lumingon sa akin si David at napalunok.
Tumayo siya saka umalis sa table namin, naiwan kaming tatlo na tahimik dahil sa pag walkout niya.
"Ang yabang talaga ng bagohan na iyon, bakit niyo ba naging kaibigan iyon?" Tanong ni Wayne saka nagpatuloy sa pagkain, nagkatitigan kami ni Franxine na ngayon ay tahimik rin, kinuha niya ang drinks na nasa tabi niya saka uminom at tumingin sa akin.
"Kanina pa mainit ang ulo ng lalaking iyon, nag away ba kayo ng boyfriend mo Franxine?" Tanong ni Wayne, Ibinaba ni Franxine ang hawak niyang inumin saka tumingin kay Wayne.
"Hindi ko boyfriend iyon." Sabi niya saka tumingin sa akin na may mapaglarong ngisi sa mga labi.
"Boyfriend ni Alison iyon."
~~~
Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper
![](https://img.wattpad.com/cover/326644444-288-k285460.jpg)
BINABASA MO ANG
The Cursed of Melissa
Fantasy|Completed| Melissa, the mysterious name that everyone in the town is afraid to talk with. They say Melissa is a monster, some say Melisa is an evil witch, some say Melissa is a craft demon and bound with a cursed. But who Melissa is?