Chapter 37: The Maze

44 4 0
                                    

Naiba ang lugar na tinatapakan namin kagaya lamang ng kung ano ang nangyare sa insayo namin. Napalitan ng malawak na kapatagan ang kinatatayuan namin, kung saan may iba't ibang mga puno hindi kagaya sa insayo namin na iisa lang ang klase ng puno na naruon.

Tinignan ko ang mga kasama ko, gaya Ako ay nililibot rin nila ang kanilang tingin sa paligid, napansin ko rin ang kakaibang kalangitan sa lugar na ito, nakikita mula doon ang tumatakbong oras.

"Anong plano?" Tanong ni David kaya tumingin kami kay Ace na pinag mamasdan parin ang paligid. Sobrang lawak ng kapaligiran, halos mga puno at halaman lamang ang mga nakikita namin sa paligid. May mga hayop rin gaya ng mga usa, mga insekto at mga ibon. Napaka realistic ng lugar na ito kung tutuusin.

"Kailangan nating mag hanap ng matutuluyan." Sabi ni Ace.

"Para saan?" Tanong ni Wayne kaya tumingin sa amin si Ace.

"Hindi sinabi ni Ariza ang tungkol sa pag kakaruon ng gabi, tag ulan sa lugar na ito." Sabi niya. "Tignan niyo ang kalangitan, kumukulimlim, ibig sabihin maaring umulan sa mga oras na ito." Dagdag niya kaya naman napatingin ako sa kalangitan at tama siya, dumidilim ang kalangitan.

"Sa palagay ko kaya hindi sinabi ni Ariza ang tungkol sa bagay na iyon ay para malito tayo." Dagdag ni Ace saka nag simulang mag lakad.

Bigla akong napairap at sumunod sa kanya, wala naman akong magagawa pa, kahit na mag reklamo ako alam ko na siya parin ang masusunod dahil siya ang captain sa larong ito, siya ang utak sa myembro na ito.

"Kailangan makahanap tayo ng lugar kung saan pwede tayong tumuloy, isang lugar na dapat ay malayo sa patibong." Sabi niya.

"O kaya naman malapit sa patibong ng sa ganon ay ligtas tayo." Sabi ko kaya tumigil siya sa pag lalakad at lumingon sa akin.

"Mag rereklamo ka na naman ba Ms. Ferrer?" Tanong niya kaya kumunot ang nuo ko at natawa.

"Mukha ba akong nag rereklamo? ang sabi ko lang naman ay pwede tayong mamili ng lugar na merong malapit na trap kung saan pwede tayong tumuloy." Sabi ko kaya natawa siya.

"Nag bibiro ka ba sa sinabi mo? Lugar kung saan may malapit na trap?"
"Bakit hindi ba nag pa-function ng maayos ang utak mo para hindi mo ma-gets ang logic?" Tanong ko.

"Ano naman ang katwiran mo sa bagay na pinipilit mong mangyare, Ms. Ferrer?" Tanong niya.

"Napaka simple lang, malamang ang mga traps ang unang iiwasan ng ibang school dahil alam nila na maari silang malagay sa panganib sa oras na lumapit sila sas trap." Sabi ko. "Kung iisipin mong mabuti, kapag sa lugar kung saan may malapit na trap tayo tumuloy malamang hindi tayo matutunton ng ibang school sa lugar natin dahil iiwasan nila ang lugar natin sa pagkat may trap doon, isama mo pa ang benefits na maaring mahulog muna sa patibong ang mga mag tatangkang punatahan tayo." Paliwanag ko kaya tumingin siya sa akin ng seryoso at hindi umimik.

Tinaasan ko siya ng kilay.

"Kung hindi mo gets ang suggestion ko eh di ikaw ang bahalang mag isip." Sabi ko saka inirapan siya at tumingin sa ibang lugar.

Ramdam ko ang pag titig ng mga kasama ko sa akin, alam ko na iniisip rin nila ang logic na binigay ko sa kanila

"Tama si Alison." Sabi ni Wayne kaya naman tumingin ako sa kanya. "Kung iisipin nga natin ng mabuti ang kagandahan sa paglugar sa malapit sa trap ay mag kakaruon ng benefits sa grupo natin kasi pwedeng yung trap mismo ang maging dahilan para matigilan ang ibang mga school na puntahan tayo at maging ang mga halimaw na sinasabi ni Ariza sa atin kanina." Sabi ni Wayne. "Idagdag mo pa rito ang benepisyo na hindi namin kailangang gumamit ng kapangyarihan dahil ang trap na mismo ang gagawa ng paraan kung paano mapipigilan ang mga kalaban natin." Dagdag niya kaya napangiti ako.

"Pero hindi kaya tayo naman ang mapahamak sa naisip ni Alison?" Tanong ni Sean kaya tumingin ako sa kanya. "Paano natin malalaman kung may trap sa paligid kung ang mga trap mismo ay nag tatago." Dagdag niya, natawa si Ace.

"Tama si Sean, hindi natin mapapansin ang mga trap sa paligid." Sabi ni Ace.

"Napakadali lang sagutin ang tanong na iyan kung tutuusin, kailangan lang gumamit ng commonsense." Sabi ni Wayne kaya natawa ako. Hindi ko alam kung bakit parang mainit ang ulo ni Wayne kay Ace.

"Kung iniisip niyo na mapapahamak tayo once na sinubukan natin ang plano ni Alison, may tinatawag na 'Dobleng ingat' kung saan mag iingat tayo na huwag ma trap sa mga patibong." Sabi ni Wayne. "Kung ang inaalala niyo naman ay kung saan nakalagay ang mga patibong, may tinatawag tayong 'Magic detector' kung saan magagawa kong itrace ang mga magic sa paligid." Sabi niya kaya natahimik si Ace.

Mas lalo akong natawa ng inirapan niya pa si Ace, kung titignan ay para siyang bakla kung umasta sa pag irap na iyon.

"Kailangan muna nating alamin ang panig ng mga kasama natin kung ano ang gusto nila." Sabi ni Ace.

"Basta ako, gusto ko yung ideya ni Alison." Sabi ni Wayne, tumingin si Ace sa ibang mga kasama namin.

"Anyone na may recommendation?" tanong ni Ace, nag taas ng kamay si David kaya naman tumingin kaming lahat sa kanya.

"David, ano ang gusto mong irekomenda?" Tanong ni Ace.

"Gusto ko yung ideya ni Alison, pero may gusto lang sana akong idagdag." Sabi niya kaya napangisi ako.

"Mas maganda kung sa taas tayo kukuha ng lugar." Sabi niya. "Nang sa ganon makita rin natin kung saan posibleng mag tungo ang mga kalaban natin o kung saan naruruon ang mga halimaw." Sabi ni David.

"Yan rin ang naisip ko since sa mababang lugar madalas naruruon ang mga halimaw." Singit ni Franxine.

"So to make it simple, payag kayo sa sinabi ni Alison?" Tanong ni Ace na halatang na pipikon.

"Oo." Sabay na sagot nila Maja, David, Wayne at Franxine dahilan para mas lalo akong mapangisi.

"Just to make it clear, hindi porket kaibigan kayo ni Alison ay siya na ang susundin niyo, you have to think about the game seriously." Sabi ni Ace na nag patawa sa akin.

"Bakit mo naman iniisip yan? iniisip mo ba na pinag tutulongan ka namin dahil mag kakaibigan kami?" Tanong ko kaya tumingin sa akin si Ace.

"I am just clarifying it."

"Hindi ko naman hawak ang mga isip nila, kung gusto nila na sumangayon sa akin eh di go," Sabi ko saka nag cross arms.

''hindi naman ako kagaya mo na todo manipulate sa iba para magawa ang gusto." Bulong ko.

"What did you say?"
"Wala, ang sabi ko mag declaire ka na kung ano ang gagawin para makapag simula na tayo, uulan na." Sabi ko saka inirapan siya.

Huminga ng malalim si Ace para pakalmahin ang sarili niya.

Alam ko na na b-bwisit na sya sa akin.

"We will do Alison's plan." Pagkasabi niya noon ay tumalikod siya sa amin dahilan para mas lalo akong matawa.

The Cursed of MelissaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon