Para kaming nasa desyerto ng mga manika dahil sa mga manikang nag kalat sa paligid. May ilan na naka sabit sa patay na puno, may ilan na nakalutang sa tubig, ang iba naman ay nag kalat sa damo at sa bubong ng isang bahay na luma na.
Mga nakakatakot na manika ang karamihan na nandito, ang ilan ay putol ang ulo, ang ilan naman ay walang paa o katawan lang ang meron.
Bigla tuloy nag taasan ang balahibo ko dahil sa mga atmosphere ng lugar, para kasing nasa imbakan kami ng mga manika.
"Welcome to Voodoo land." Sabi ng Instructor namin saka nag simulang mag lakad. Napakapit ako kay David ng maramdaman kong sumunod siya sa instructor namin.
"Dito kayo babasbasan bilang isang ganap na gray witch." Sabi ng instructor namin habang nag lalakad. Sinusundan lang namin siya, bawat sulok ay may mga manika.
"As a gray witch, iisa lang ang paniniwala natin ukol sa mga pilosopiya, the sum total energy of the universe is neutral It contains a combination of both positive and negative energy; one cannot exist without the other." Sabi nito saka tumingin sa aming studyante niya.
"Any observation bakit sa tingin niyo ay dinala ko kayo dito?" Tanong ng instructor namin, nagulat ako ng biglang mag taas ng kamay si David.
"Yes Mr. Gomez."
"I believed that this place is once used as bad instrument." Sagot ni David.
"How come?"
"As what you said Mr. Daniel the universe is neutral and It contains a combination of both positive and negative energy, this place was used as negative and the objective why we are here is to release the negative energy we have in order to be a good gray witch." paliwanag ni David kaya napa buka ang bibig ko.
"Very good Mr. Gomez." Mas lalo akong nagulat sa sinabi ng instructor namin, sa paanong paraan naman nalaman ni David ang tungkol sa ganoong paliwanag? Isa siyang ordinaryong tao.
"I object." Biglang sabi ko kaya tumingin sa akin ang mga kaklase ko ganon narin sila David at Mr. Daniel.
"Yes Ms. Ferrer?"
"I believed that we are here to establish the good and bad side in ourselves. As a gray witch we practice thee combination of Positive and Negative and just like what Mr. Daniel said before, One cannot exist without the other, it means we cannot leave without sin, we cannot leave without goodness." Sabi ko dahilan para mapangiti si Mr. Daniel.
"That's true, as a matter of fact your answer is both correct." Sabi ni Mr. Daniel saka napangalumbaba.
"I suddenly remember Melissa, my old student. Her familiar and her had an argument regards with this topic." Sabi niya kaya natigilan ko, Naging studyante niya si Melissa? pero 100 years ago ng patay si Melissa.
Nakita ko ang pag babago sa reaksyon ni Mr. Daniel, parang may nasabi siyang mali kaya bigla siyang tumalikod mula sa amin.
"Anyways, let's move on." Sabi niya saka muling nag lakad, sinundan namin siya habang ako naman ay gulong gulo dahil sa sinabi niya.
Ilang minuto pa ay napadpad kami sa batis kung saan ang kulay ng tubig ay itim at may mga manika na nasa paligid.
"Gaya ng sabi ko, dito sa lugar na ito ay babasbasan kayo bilang isang ganap na gray witch." Sabi ni Mr. Daniel at humarap sa amin. Biglang nag tama ang tingin naming dalawa.
"Ms. Ferrer, ikaw muna ang mauna." Sabi nito kaya napalunok ako at tumingin sa tubig ng batis, bigla ko tuloy naisip kung may mababangis na hayp bang nasa ilalim ng tubig na iyan o kung malinis ba ang tubig na iyan.
Bakit ba kasi napunta ako sa gray witch? ang panget ng lugar kung saan kami babasbasan, pakiramdam ko ay lalagyan kami ng sumpa kapag lumubog kami sa tubig na iyan.
Huminga ako ng malalim saka lumapit kay Mr. Daniel kahit na labas sa loob ko.
Nag bigay ng senyas si Mr. Daniel na lumubog ako sa tubig kaya mas lalo akong kinabahan.
Patnubayan sana ako ni Hecates.
Dahan dahan kung sinunod ang sinabi ni Mr. Daniel. Dahan dahan akong lumubog sa itim na tubig. Nakita ko na nag simula na siya sa pag banggit ng spell.
"Ermuntividar esta.." pumikit ako ng maramdaman kong dahan dahang umaangat ang lebel ng tubig.
"Ermuntividar esta.."
"Melissa..." Napadilat ang mga mata ko dahil sa narinig kong boses. Agad na hinanap ng mga mata ko ang boses na iyon pero wala akong nakita.
Napatingin ako sa gawi ng instructor namin, sa likod niya ay nandoon si David at pinapanuod ko.
"Ermuntividar esta..."
Napapikit ako muli ng mag tama ang paningin namin ni Mr. Daniel.
"Ermuntividar esta.."
"Elfelisito berbanto."
"Congratulations Melissa, isa ka nang ganap na Gray witch." Umahon ang isang babae mula sa itim na tubig, ang kulay pula nyang labi ay napalitan ng dark red na mga labi, ang kulay puti nitong uniporme ay napalitan ng kulay itim, ang kuko nito ay nagkaruon ng kulay itim at ang buhok nito ay naging itim na itim.
"Congratulations!" Lumapit ang isang lalaki sa kanya saka inalalayang mag tungo sa gilid.
"Ermuntividar esta..."
"Elfelisito berbanto." Napadilat ang mga mata ko ng parang maramdaman ko na may humihila sa akin pababa sa malalim na parte ng batis. Napalunok ako at akmang sisigaw pero walang boses ang lumalabas sa aking bibig.
Napatingin ako sa gawi nila David, lahat sila ay nakatingin lang sa akin at nakangisi, para bang hinihintay nila na malunod ako.
"Ms. Ferrer!" Napa ahon ako bigla ng marinig ko ang malakas na sigaw ni Mr. Daniel, para akong nawalan ng hininga ng ilang minuto dahil sa bilis ng tibok ng puso ko.
Habol habol ko rin ang hininga ko. Napatingin ako sa kanila. Nasa tabi ko si David na basang basa at naka alalay sa akin.
"Ayos ka lang ba?"tanong niya kaya napalunok ako.
"Ms. Ferrer, ayos ka lang ba?" Tanong ni Mr. Daniel.
"O-opo... anong nangyare?"tanong ko dahil halata sa mukha nila na alalang alala sila.
"Bigla kang lumubog sa ilalim." Sabi ni David sa akin kaya napaisip ako.
"Mr. Gomez, dalhin mo muna sa gilid si Ms. Ferrer, kailangang tapusin ko muna ang ilan sa mga kaklase niyo bago tayo bumalik sa Walter." Sabi ni Mr. Daniel, dahan dahan naman akong inalalayan ni David papunta sa gilid kung saan walang tubig.
"Umupo ka muna dito." Sabi niya saka inalalayan akong umupo sa isang bato, pagtapos ay nag tungo siya sa isang kaklase namin upang humingi ng towel saka muling nag balik sa tabi ko, inilagay niya sa katawan ko ang tuyong towel saka tumingin sa mga mata ko.
"Ayos ka lang ba?"tanong niya. Tumango lang ako bilang sagot.
~~
Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper
BINABASA MO ANG
The Cursed of Melissa
Fantasy|Completed| Melissa, the mysterious name that everyone in the town is afraid to talk with. They say Melissa is a monster, some say Melisa is an evil witch, some say Melissa is a craft demon and bound with a cursed. But who Melissa is?
