Alison POV
Matapos ang mga nakita ko ay unti unting nanghina ang katawan ko ng mapagtanto ko na ginamit ako upang muling mabuhay si Melissa. Ang totoong may kasalanan ng lahat ng ito ay si Mr. Daniel dahil siya ang muling nagbigay buhay kay Melissa dahil nais niyang mawala ang sumpa.
Mas lalo akong nagalit dahil sa ginawa ni Mr. Daniel, hindi mamamatay ang tatlong daang tao sa plaza kung hindi niya sinubukang buhayin muli si Melissa. Kahit na nag tagumpay siya sa pag tawag kay Melissa ay nabuhay naman si Melissa mula sa ibang katawan at iyon ay ang katawan ko.
Hanggang ngayon ay pinapanuod ko parin ang sarili ko, kung paano ko puntahan si Franxine sa hospital ilang araw matapos maganap ang nangyare sa plaza.
Wala akong kaalam alam na kinokontrol na pala ng mga panahon na iyon ang katawan ko. Hindi ko alam kung kanino ako magagalit, kung kay Mr. Daniel ba o kay Melissa.
"Alison." Tumingin ako sa tumawag sa akin at biglang nag bago ang paligid ng makita ko si Melissa, isang maamong Melissa ang kaharap ko at nakatingin sa akin.
Pinunasan ko ang luhang tumutlo sa aking mga mata habang nakatingin sa kanya.
Hindi ko alam kung nasaang lugar na naman ako, walang akong ideya kung saang panig na naman ako dinala ng ala-ala o kung ano man ang nangyayare sa akin ngayon. Blangko ang utak ko, hindi ko alam kung anong nangyayare sa akin kung ano ang dapat kong maramdaman matapos kong makita ang mga pangyayare na iyon.
"Hindi mo kasalanan ang nangyare." Biglang sabi ni Melissa kaya napatigil ako habang nakatingin sa kanya. "Biktima ka lang din." Dagdag niya saka ngumiti ng malumanay sa akin, dahan dahan akong lumapit sa kanya at niyakap siya.
Hindi ko alam kung bakit naging magaan ang pakiramdam ko kay Melissa. Siguro ay dahil iyon sa mga nakita kong pangyayare sa buhay niya. Kung dati ay hindi ko nagagawang lumapit sa kanya at madalas na gusto kong tumakbo palayo sa kanya, ngayon ay nagawa kong lapitan sya at yakapin siya.
"Pasensya na, kung pati ikaw ay nadamay." Bulong niya habang yakap yakap ako dahilan para mas lalo akong maiyak. "Hindi ko nais madamay ka, ngunit ang tadhana ang gumawa ng paraan ng sa ganon ay magkatutuo ang sumpang binitawan ko." Sabi niya kaya tinitigan ko siya.
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko, ngumiti siya sa akin.
"Sa palagay ko ay dumating na ang panahon kung kailan kailangan ko na silang turuan ng leksyon, ang mga taong gumawa sa akin ng masama." Sabi niya, nakita ko ang lungkot sa mga mata niya.
"Bakit gusto mong bumalik?" Tanong ko, ngumiti siya sa akin.
"Dahil may mahalagang tao akong naiwan." Sabi niya dahilan para mapatigil ako."Si Mr. Daniel, sa sobrang pagiging makasarili niya ay nakalikha siya ng isang sumpa na hindi niya nalalaman." Sabi niya dahilan para matigilan ako. "Ang multo ko ang syang gumagawa ng mga bagay na hindi kanais nais, ang multo ng nakaraan ang syang nagiging dahilan para lumala ang lahat." Dagdag niya.
"Anong mangyayare kung sakaling mawala ang sumpa sa kanila?" Tanong ko, tumingin siya sa akin, isang malungkot na tingin.
"Kung sakaling mawala ang sumpang binitawan ko tiyak na babalik sa katahimikan ang lahat, at tuluyan na silang mamamahinga sa lugar kung saan sila nararapat." Sabi niya dahilan para matahimik ako, ibig sabihin, mawawala sila Ariza, Ace, Kim, Mr. Daniel at ang ilang miyembro ng Walter academy.
"At sa tingin ko kasama sa mga mawawala ang Walter academy sa pagkat nang dahil sa lugar na ito nag simula ang mga bagay na hindi kanais nais." Sabi niya kaya natihimik ako.
Tinitigan ko lamang si Melissa. Napakalayo niya mula sa nakakatkot niyang itsura.
"Alison, kailangan ko ng iyong tulong." Sabi niya. "Kailangan kong hiramin ang katawan mo ng sa ganon ay maganap na ang sumpa na aking binitawan." Dagdag niya. Hindi ako sumagot, tumingin siya sa akin at nag hihintay ng aking isasagot.
"Maiintindihan ko kung hindi mo ako bibigyan ng pahintulot na gamitin ang katawan mo--"
"Pumapayag ako." Putol ko sa sasabihin niya kaya tumingin siya sa akin. "Pumapayag ako sa nais mo." Dagdag ko.
"Nang sa ganon ay magkaruon na ng katahimikan at kapayapaan ang mga tao dito sa bayan." Sabi ko kaya napangiti siya sa akin.
"Maraming salamat." Sabi niya habang nakangiti sa akin, bigla akong napangiti habang nakatingin sa kanya.
"Maraming salamat sa tulong mo, hinding hindi ko makakalimutan ang bagay na ginawa mo para sa katahimikan ng lahat at upang mabigyan ng hustisya ang nangyare sa akin." Sabi niya.
"Tatanawin ko na isang malaking utang na loob ang ginawa mo at hanggang sa kabilang buhay ay akin itong bibigyang tanaw sa pagkat naging mabuting mamamayan ka ng ating bayan, naging mabuting mag-aaral ng Walter at naging mabuting kaibigan sa lahat." Sabi niya at niyakap ako.
Napangiti ako dahil sa wakas alam kong matatapos na ang kaguluhan at babalik na ang lahat sa dati.
"Maraming salamat dahil inalagaan mo rin ang familiar ko na si David." Bulong ni Melissa dahilan para matigilan ako.
"Mawawala rin ba si David pag nawala ang sumpa?" Tanong ko, humiwalay si Melissa sa pagkakayakap sa akin saka tumingin sa mga mata ko.
"Sa totoo lang si David ay hindi na parte ng panahong ito." Sabi niya dahilan para matigilan ako. "Pero dahil sa patuloy niyang pagbibigay ng katapatan bilang Familiar ko ay nabali ang ugat na syang pumipigil kay David na maging parte ng panahon na ito." Dagdag niya.
"Hindi ko masasagot ang tanong mo Alison, sa pagkat si David mismo ang syang makakasagot sa tanong mo." Sabi niya habang nakatingin sa akin, ilang minuto ko siyang pinagmasdan bago ako tumango at ngumiti sa kanya.
"Naiintindihan ko." Malumanay kong sabi sa kanya.
"Akin ng uumpisahan na sumanib sa katawan mo ng sa ganon ay maganap na ang dapat na maganap." Sabi niya, tumango ako bilang sagot saka pinanuod siya na maglakad palayo sa akin.
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa kanyang sinabi patungkol kay David. Alam ko sa sarili ko na ayaw kung mawala si David at may parte na sa akin na napamahal na kay David hindi bilang isang familiar kundi bilang isang mas malalim pa sa pagkakaibigan.
Sa mga oras na ito, ang aking pinagdarasal ay sana hindi siya kunin sa akin matapos ang sumpa at pag babalik na gagawin ni Melissa.
Ayokong.... mawala si David
BINABASA MO ANG
The Cursed of Melissa
Fantasy|Completed| Melissa, the mysterious name that everyone in the town is afraid to talk with. They say Melissa is a monster, some say Melisa is an evil witch, some say Melissa is a craft demon and bound with a cursed. But who Melissa is?