Chapter 27: Melissa's Past life

56 3 0
                                    

Iminulat ko ang aking mga mata nang mawala ang ingay sa paligid ko, kumunot ang nuo ko ng makita ko kung nasaan ako. Nasa labas ako ng Walter Academy.

"Anong ginagawa ko dito?" Tanong ko sa sarili ko saka tinignan ang mga studyante na dumadaan. Napansin ko ang kakaibang kasuotan nila, hindi ito kagaya sa uniporme namin ngayon.

"Melissa!" Napalingon ako sa tumawag sa pangalan ng Melissa, si Ariza. Kumunot ang nuo ko ng makita ko na nakangiti ito sa gawi ko at kumakaway sa dereksyon ko.

Lumingon ako upang tignan kung may tao ba sa likod ko pero wala, ako nalang ang nag iisang tao na nasa labas ng gate ng Walter. Pinanuod ko siyang lumapit sa akin at ng makalapit na siya isang malakas na batok ang ibinigay niya sa akin dahilan para kumunot ang nuo ko at tignan siya ng maama.

"Ano bang problema--"

"Bakit hindi ka pa pumapasok? anong oras na ma lalate na tayo sa first subject natin Melissa." Sabi niya dahilan para mas lalong kumunot ang nuo ko.

Ano bang sinasabi niya? Bakit niya ba ako tinatawag na Melissa.

"Oy ano? hindi ka pa ba papasok? ano bang tinatayo tayo mo jan? at bakit kung makatingin ka sa akin parang naiirita ka, may menstration ka ba ngayon?" Tanong niya, umiling ako bilang sagot. Ano bang nangyayare?

"Tara na hinihintay na tayo ni Ace sa loob, nasaan nga pala si Dale?" Tanong niya.

"Si Dale?" Tanong ko, natawa siya.

"Oo yung familiar mo na kupal, nasaan?" Tanong niya. Familiar? Dale? Hindi ko kilala ang tinutukoy niya, isa pa naguguluhan parin ako sa nangyayare, bakit ba tinatanong niya ang mga bagay na hindi ko alam at isa pa ano ba talaga ang nangyayare? Naguguluhan na ako.

"Melissa!" Lumingon si Ariza sa likod ko kaya naman tumingin din ako doon at nakita si David na papalapit sa amin, tinignan ko siya mula ulo hanggang paa, kakaiba ang kasuotan na suot niya ngayon.

"Dale, buti naman at dumating ka na. Ano bang ginawa mo dito kay Melissa at bakit lutang na naman ang utak niya?" Tanong ni Ariza.

Siya si Dale? Kamukhang kamukha niya si David, ang pinag kaiba lang ay ang porma niya.

Biglang lumingon sa akin ang Dale na tinatawag ni Ariza.

"Hindi ko alam, wala naman akong ginawa sa kanya, ang totoo niyan ay inaway niya ako tignan mo ang ginawa niya sa akin." reklamo niya at pinakita kay Ariza ang kamay niya na may marka ng kagat. "Natalo siya sa debate namin patungkol sa asignatura na inaaral niya tapos bigla nalang siya nangagat." Sabi niya, Natawa si Ariza at lumingon sa akin.

"Kahit kailan napaka-asar talo mo talaga." Sabi niya saka umakbay sa akin at hinila na ako papasok sa loob ng gate ng Walter, sumagi pa sa paningin ko ang petsa na nakalagay sa gilid ng guard house. 1865.

Bigla akong napaisip at muling tinignan si Ariza na naka-akbay sa akin at nakikipag usap kay Dale.

1865, ito ang taon kung kelan nabubuhay si Melissa, pero bakit hanggang sa kasalukuyan ay buhay pa si Ariza? Pero baka magkaibang Ariza ang nabubuhay sa taong 1865 at kasalukuyang taon, baka nag hihinala na naman ako.
Sa mga oras na ito unti unting pumasok sa isip ko na maaaring nararanasan ko ang buhay ni Melissa noon, pero bakit?

"Bakit ang tagal niyo?" Umangat ang tingin ko ng may nag salita, si Ace? Pati siya?

"Itong si Melissa ang tagal pumasok eh." Sabi ni Ariza saka inalis ang kamay niyang naka akbay sa akin.

Tahimik akong umupo sa sa bakanteng upuan na malapit sa akin, kakaiba ang desenyo ng classroom, malayong malayo sa desenyo sa kasalukuyang panahon.

"Melissa, hindi dyan ang upuan mo." Puna ni Ariza saka kumunot ang nuo, "Ano bang nangyayare sayo? Kanina ka pa lutang," Sabi niya habang naka kunot ang nuo.

"Siguro ay epekto iyan ng pagkagat mo sa akin." Sabi naman ni Dale na natatawang umupo sa tabi ko.

"Saka bakit ang tahimik mo? Hindi ba't ikaw lagi ang nag sisimula ng ingay dito sa classroom?" Sabi naman ni Ace, hindi ako sumagot dahil una sa lahat hindi ko naman alam kung ano ang sasabihin ko, pangalawa hindi ko alam ang katangian na meron kay Melissa.

"Nanjan na ang instructor natin!"Lumingon kami sa kakapasok lang, si Kim, pati siya?

Dali daling umupo sila Ariza at Ace sa mga upuan nila sabay noon ang pag pasok ng instructor na sinasabi ni Kim, natigilan ako ng makita ko si Mr. Daniel.

"Good day class." Bati nito saka nilapag ang libro sa table na malapit sa kanya.

Bakit nandito sila? sila Ariza, Ace, Kim Mr. Daniel at ang familiar na kamukha ni David, nag kataon lang ba na kamuka nila ang mga nasa kasalukuyang panahon o baka naman sila talaga ang mga iyon? pero si David,

Tumingin ako sa katabi kong nag ngangalan na Dale, kahit saang anggulo tignan ay kamukha niya si David, hindi ko alam kung nagkataon lamang ba ito, siya rin ang nakita ko sa pangitain ko na familiar spirit ni Melissa na isang Knight Vampire.

Biglang napalingon sa akin si Dale dahilan para mag iwas ako ng tingin.

"Namamangha ka na ba sa taglay kong kakisigan kaya ganon nalang ka grabe ang pag titig mo sa akin?" Tanong ni Dale kaya muli ko siyang tinignan.

"Ang kapal mo," Hindi ko maiwasang sabihin iyon dahil kasing taas ng kumpyansa ng lalaking ito si David.

"Ms. Melissa." Umangat ang tingin ko ng tawagin ako ni Mr. Daniel, naka kunot ang nuo niya, malayo sa Mr. Daniel na nasa kasalukuyan.

"Hindi ba't hinabilin ko sa iyo na sa labas ka ng klase ko pupwesto?" Sabi niya kaya kumunot ang nuo ko.

"Po?" Tanong ko.

"Hindi mo ba ako narinig? ipapaalala ko lang sayo na ayaw ko sa mga Gray witch na kagaya mo kaya naman sa labas ka makikinig." Sabi nito na siyang mas lalong nag pakunot ng nuo ko.

Ayaw ni Mr. Daniel sa mga Gray witch? ngunit ang Mr. Daniel na nasa kasalukuyan ay ang instructor naming mga Gray witch.

"Labas!" Dumagundong ang boses ni Mr. Daniel nang sumigaw sya, agad akong tumayo at nag lakad palabas ng classroom saka tumayo malapit sa bintana.

Nakita ko na huminga ng malalim si Mr. Daniel bago siya mag simulang mag turo, nahagip ng paningin ko ang titig sa akin nila Ace at Ariza na may halong pag aalala.

Umiiral na pala sa panahon noon ni Melissa ang diskriminasyon.

The Cursed of MelissaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon