Napatingin ako sa orasan na nakasabit sa loob ng assigned room ko dito sa walter bago tumayo mula sa kinauupuan ko.
Tumingin muna ako sa salamin na nasa harap ng kama ko saka inayos ang aking puting damit na ibinigay ni Mr. Daniel kanina, ito raw ang suotin ko para sa ritual na gagawin.
Napalingon ako sa aking pinto ng may kumatok doon. Huminga muna ako ng malalim saka pinihit ang door knob.
"Magandang gabi, Ms. Ferrer." Bati ni Ariza, nasa likod niya ang ilan sa mga myembro ng supreme council kasama si Mr. Daniel at si David.
"Tayo na?"tanong ni Ariza saka nanguna sa pag lalakad, lumabas ako sa aking kwarto saka sinara ang pinto at tumabi kay David sa pag lalakad.
"Ano't hindi ka pa natutulog?"tanong ko habang nag lalakad kami, lumingon siya sa akin.
"Gusto kong sumama sa gagawing ritual para masigurado ko na ligtas ka." Sabi niya habang nakatingin sa akin. Bigla tuloy tumibok ng mabilis ang puso ko sa hindi ko malaman na kadahilanan.
"Dapat natulog ka na, maaga pa tayo bukas para sa pangatlong araw ng witchmural." Sabi ko, sa pag kakataon na ito ay sa daan na siya tumingin.
"Ikaw din naman hindi pa natutulog." Sabi niya kaya natawa ako.
"Malamang dahil nga sa akin kaya gagawin ang ritual." Sabi ko, bigla siyang tumingin sa akin, binigyan ko nalamang siya ng isang pilit na ngiti dahil sa totoo lang ay kinakabahan ako sa gagawin namin.
Biglang hinawakan ni David ang kamay ko dahilan para mapatigil ako at mapatingin sa kamay niyang nakahawak sa akin.
"Basta pag kailangan mo ako, tawagin mo lang ako para mapuntahan kita." Sabi niya kaya napatingin ako sa mukha niya na nakatingin sa akin ng seryoso. Ngumiti siya sa akin saka nag simulang mag lakad muli dahilan para kumilos din ang aking paa.
Habang nang lalakad kami ay nakatingin lang ako sa kamay niyang nakahawak sa akin, hindi ko alam kung bakit kakaiba ang nararamdaman ko habang hawak ko ang kamay niya. Pakiramdam ko ay ligtas ako sa piling niya.
Hanggang sa makarating kami sa sagradong lugar dito sa walter, ang Haze camp. Dito sa lugar na ito ginagawa ang mga kakaibang ritual.
Kinalas ko ang pagkakahawak ni David sa kamay ko nang lumingon sa amin si Mr. Daniel at Ariza.
"Ms. Ferrer, kinakailangan mong humiga dito." Sabi ni Mr. Daniel saka tinuro ang mahabang kulay itim na bato na napapalibutan ng kakaibang mga halaman na nasa loob ng bote. Tumango ako at nag tungo doon.
"Tulongan na kita." Prisinta ni David at inalalayan akong makapatong doon at makahiga. Matapos kong humiga ay lumingon ako sa gawi ni David na nasa gilid.
"Ms. Ferrer, ngayon kinakailangan namin na mag focus ka sa iyong pag iisip, nais namin na ipikit mo ang iyong mga mata at tawagin ang sarili mo habang ginagawa namin ang parte namin dito." Sabi naman ni Ariza, tumango ako saka muling tumingin kay David. Nakita ko rin na naka pwesto na ang ilan ang mga supreme council at handa na gawin ang ritual.
Pumikit na ako saka huminga ng malalim at nag simula sa pag kokosentrasyon. Narinig ko narin ang pag bigkas nila ng mga spells habang naka pikit ako.
Ilang minuto pa ay nakaramdam ako ng kakaibang pakiramdam, isang pakiramdam na nakakakilabot. Kahit na nakapikit ang mga mata ko nakikita ko ang kulay puti na paligid, sa dulo ay may isang anino ng hindi ko maaninag ang mukha.
Dali dali akong lumapit sa anino na iyon at tumigil lamang sa pag lalakad ng malapit na ako sa kanya. Pinag masdan ko ang babaeng nakatalikod mula sa akin.
Ako ba ito?
"Kaawa-awa ka." Natigilan ako nang magsalita siya. Hindi ko iyon boses, pamilyar ang boses na iyon pero alam kong hindi sa akin iyon.
"Alison?" Tawag ko sa babaeng nakatalikod sa akin kahit na alam kong hindi ako ang babaeng iyon.
Narinig ko ang pag tawa nito, na para bang isang biro ang sinabi ko sa kanya. Sa mga pagkakataon na ito, nadama ko ang takot sa katawan ko sa hindi ko malaman na dahilan.
"Tinatawag mo ang sarili mo?"tanong niya saka dahan dahang humarap sa akin. Napa atras ako nang makita ko si Melissa.
"Melissa..." nakita ko ang ngisi sa kanyang labi.
"Hindi ba dapat tinatawag mo ang sarili mo Alison? Bakit ako ang iniisip mo?"tanong niya, hindi ko siya sinagot sa halip ay tumalikod ako at akmang tatakbo nang pag lingon ko sa likod ay naruon siya at hawak ang wand ko.
Kinapa ko ang wand sa likod ko ngunit wala na ito."Ano bang gusto mo?"buong tapang kong tanong. Tumingin siya muli sa akin.
"Gusto ko? Bakit ko naman sasabihin sayo ang gusto ko?"tanong niya. Napalunok ako.
"Tigilan mo na ako." Bulong ko, natawa siya ulit.
"Ano bang ginagawa ko sayo Alison?"tanong niya habang natatawa.
"Wala akong ginagawa sayo, kaya bakit mo naman nasabi na tigilan kita?"tanong niya, hindi ako nakasagot.
"Palagi kitang nakikita sa pangitain ko, sa tuwing may hahawakan ako bigla ka nalang nag papakita sa akin, ang mga ala-ala mo na wala naman akong alam ideya kung bakit ko nakikita." Sabi ko, sa pag kakataon na ito sumeryoso ang mukha nya. Dahan dahan siyang lumapit sa akin dahilan para mapaatras ako hanggang sa matapilok ako at mapaupo.
Dahan dahan siyang umupo sa harap ko, kitang kita ko ang kagandahan niya dahil sa sobrang lapit nya sa akin. Ang matangos niyang ilong, ang makinis niyang mukha.
"Gusto mo malaman kung bakit?"tanong niya habang nakatingin ng seryoso.
"Iyon ay dahil iisa lang tayo Alison." Sabi niya at biglang nag bago ang mukha, naging nakakatakot ito dahilan para mapapikit ako.
"Alison." Napabukas ang aking mga mata nang marinig ko ang boses ni David.
"Ms. Ferrer." Tawag ni Mr. Daniel sa akin kaya lumingon ako sa kanya, nakita ko ang kakaibang tingin nila sa akin kaya naman napalunok ako. May mali ba?
"Alison ang mukha mo." Sabi ni David kaya kumunot ang nuo ko. Lumapit sa akin si Ariza at pinakatitigan ang aking mukha.
"Bakit ganyan ang mga tingin ninyo sa akin?"tanong ko. Hindi sumagot si David habang ang isa naman sa mga kasamahan ni Ariza ay inabutan ako ng salamin kaya naman tinanggap ko ito at tinitigan ang salamin.
Halos mabitawan ko na ang salamin nang makita ko ang repleksyon ko.
Kamukha ko si Melissa.
~~
Tweet me @redious_in
Facebook: Arlina Laure ll
Instagram: rediousinpaper
BINABASA MO ANG
The Cursed of Melissa
Fantasy|Completed| Melissa, the mysterious name that everyone in the town is afraid to talk with. They say Melissa is a monster, some say Melisa is an evil witch, some say Melissa is a craft demon and bound with a cursed. But who Melissa is?