THIRD PERSON POV
Matapos ipakita ni Stormi kay Alison ang ala-ala nang nakaraan ay biglang nawalan ng malay si Alison dahilan para biglang kabahan si David.
"Alison!" Sigaw niya at lumapit sa walang malay na katawan ni Alison.
"Alison.."Mahinang banggit ni Wayne habang si Franxine naman ay nakatingin lang ng malamig kay Alison ng maalala niya kung paano siya saktan ni Alison nong mga oras na naganap ang insedente sa plaza.
"Alison.. gumising ka Alison.." Bulong ni David sa katawan ni Alison na nawalan ng malay. Ilang minuto ang lumipas ay biglang naramdaman ni David na umiinit ang katawan ni Alison dahilan para matigilan si David.
"Alison?" Tanong ni David at tinapik ang pisngi ni Alison.
"Alison..." Natigilan siya ng biglang ibukas ni Alison ang mga mata niya, napalunok si David ng makita niya ang mga mata na iyon... hindi kay Alison ang mga mata na iyon kundi kay Melissa.
"Melissa..."Bulong niya habang nakatingin sa katawan ni Alison. Nakita ni David kung paano umilaw ang mga mata ni Alison kasabay noon ang unti unting pag angat ng katawan ni Alison dahilan para mapatigil sila Wayne at Ace maging ang ilan na nakasaksi sa pag angat ng katawan ni Alison.
"Ento funto mwestromehar." Wala sa sariling sabi ni Alison, napatayo si David habang nakatingin kay Alison na patuloy lang sa pag angat.
"Ento funto mwestromehar" muling bigkas ni Alison.
"Alison.."
"Kunin niyo siya!" Utos ni Stormi pero wala ni isa sa mga kasama niya ang nakinig sa kanya dahil lahat sila ay nakatingin kay Alison na sa ngayon ay nasa ilalim na ng kamay ni Melissa ang buong katawan ni Alison."Ento funto mwestromehar" Muling bigkas ni Alison.
"David, kailangan na nating umalis dito." Sabi ni Ace kaya tumingin siya kay Ace.
"Ento funto mwestromehar"
"Paano si Alison?" Tanong ni David, hindi sumagot si Ace sa halip ay nilabas niya ang wand niya at kasabay ng pag labas ng wand niya ang syang paglutang nito papunta kay Alison. Lahat ng wand nila ay lumutang sa ere at biglang naging abo, kasabay noon ang pag punta sa gawi ni Alison na ngayon ay nangyayare din sa ibang mga wizard at witch na nasa loob ng laro.
"Wala na tayong oras, kailangan na nating umalis." Sabi ni Ace,
"Franxine tara na." Sabi ni Maja pero hindi siya pinakinggan ni Franxine.
"Franxine!"
"Ayokong sumama sa inyo." Malamig na sabi ni Franxine.
"Ento funto mwestromehar"
"Tara na, mapanganib ang spell na binibigkas ni Alison." Sabi ni Ace kaya tumingin si Franxine kay Alison na patuloy sa pag angat at ang mga wand na automatikong nakukuha niya ay nagiging abo at pumapalibot sa katawan ni Alison.
Huminga ng malalim si Franxine saka sumunod sa sinabi ni Ace, umalis sila sa lugar kasama sila Wayne, David, Maja at Sean, habang sila Stormi naman ay abalang kinukuha at pilit na inaabot ang katawan ni Alison na ngayon ay mas mataas pa sa pinaka mataas na puno sa simulator.
"Ento funto mwestromehar"
"Kailangan nating umalis dito sa simulator." Sabi ni Ace at tumingin sa mga kasama niya.
"Paano?" Tanong ni Sean, tumingin sa paligid si Ace at napansin niya na lahat ng mga may kapangyarihan na bagay ay automatikong umaangat at nagiging abo saka bumabalot sa katawan ni Alison.
"Nasisira na ang simulator." Sabi ni Maja, umiling si Ace.
"Hindi nasisira ang simulator, pinatay nila ang simulator kaya mababalik tayo sa Walter." Sabi ni Ace.

BINABASA MO ANG
The Cursed of Melissa
Fantasy|Completed| Melissa, the mysterious name that everyone in the town is afraid to talk with. They say Melissa is a monster, some say Melisa is an evil witch, some say Melissa is a craft demon and bound with a cursed. But who Melissa is?