Chapter 44: The Curse is Lifted

85 4 0
                                    

THIRD PERSON POV

Panibagong araw na naman para kay Alison, ngayon ay nakatayo siya sa harap ng dating bahay niya habang tinitignan ang pagbabago sa lugar na dati ay kanyang tinutuluyan, huminga siya ng malalim.

"Alison." Lumingon siya sa tumawag sa kanya, si Wayne na ngayon ay kasintahan niya na. Ngumiti si Alison habang nakatingin kay Wayne na papalapit sa kanya.

"Hinahanap na tayo." Sabi ni Wayne nang makalapit siya kay Alison, tumango si Alison saka hinawakan sa braso si Wayne.

"Sya nga pala, gusto mo bang dalawin siya?" Tanong ni Wayne, biglang natigilan si Alison saka tumingin kay Wayne.

"Ayoko."Malamig na sabi ni Alison, huminga ng malalim si Wayne saka tumango tango bilang sagot.

Nag simula silang mag lakad palayo sa dating tinutuluyan ni Alison na ngayon ay naging abandonado na.

Nang makarating sila sa kanilang sasakyan ay naunang pumasok si Alison sa loob sunod si Wayne. Muling tinignan ni Alison ang lugar saka sinara ang bintana ng sasakyan nila.

"Ayaw mo ba talagang dalawin muna siya? ito na ang huling pag bisita natin dito, kahit kailan ay hindi na tayo mag babalik pa." Sabi ni Wayne ng makasakay siya sa sasakya, Tumingin si Alison sa kanya.

"Alam ko na may ginawa siyang mali sayo, pero kaibigan mo parin siya, Alison." Sabi ni Wayne, umiwas ng tingin si Alison saka huminga ng malalim.

"Kahit tignan mo lang siya sa malayo." Dagdag ni Wayne kaya muling tumingin si Alison sa kanya saka tumango bilang sagot. Biglang napangiti si Wayne saka sinimulang paandarin ang sasakyan.

Habang nasa daan sila ay tahimik lamang sila, ilang minuto ang lumipas ng makarating sila sa lugar kung saan may bibisitahin si Alison, nang makapasok sila sa loob ay agad na bumungad sa kanila si Franxine na nakatulala habang nakaupo sa loob.

Tumingin si Wayne kay Alison.

"Kakausapin mo ba siya?" Tanong ni Wayne kay Alison na hindi sumagot.

Ito ang muling pagkikita nila Alison at Franxine mula nang mangyare ang pagsaksak nito kay David.

Parang bumalik ang lahat kay Alison ng makita niya si Franxine na nakatulala lang, namuo ang luha sa kanyang mga mata ng unti unting bumalik sa kanyang memorya ang lahat nang naganap sa nakaraan.

~~

"David..." Bulong ni Alison habang nakatingin kay David na may saksak sa dibdib at unti unting nanghihina.

"David!" Sigaw ni Alison saka sinalo ang katawan ni David, agad na tumulo ang luha ni Alison ng makita niya kung paano ngumiti si David sa kanya.

"Alison.." Nakangiting tawag ni David sa kanya saka hinawakan ang kanyang pisngi upang punasan ang luha na tumutulo sa kanyang mga mata.

"Huwag ka nang... umiyak.." Mahinang sabi ni David, agad na tumingin si Alison kay Sean.

"Sean! gamutin mo si David!" Tarantang sabi ni Alison na agad namang lumapit sa kanya si Sean at akmang gagamutin si David ng hawakan ni David ang mga kamay ni Sean upang tumigil ito.

"David ano ba... bitawan mo si Sean, gagamutin ka niya." Umiiyak na sabi ni Alison, ngumiti lang si David saka umiling.

"David... hayaan mong tulungan kita." Sabi ni Sean.

"Baliwala rin ang gagawin ninyong lunas sa kanya." Lumingon sila Alison at Sean sa nagsalita, si Melissa na nakatingin sa kanila at dahan dahang lumapit.

Nang makalapit na si Melissa ay tumingin siya kay Alison saka binalik ang tingin kay David na nakatingin sa kanya.

"Alison, gaya ng sinabi ko, si David ay hindi na parte ng panahong ito.." Sabi ni Melissa dahilan para umiling si Alison.

The Cursed of MelissaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon