Chapter 28: Melissa's Diary

53 3 0
                                    

Hindi ko lubos maunawaan ang mga nagaganap sapagkat ilang minuto matapos kong lumabas sa classroom kung saan nag tuturo si Mr. Daniel ay nag iba muli ang lugar na kinatatayuan ko.
Nasa harap ako ng isang lumang bahay sa tabi nito ay ang mga patay na puno at sa harap nito nakatayo ang isang babae na nakatalikod mula sa akin.
"Melissa!" Lumingon ako sa nag salita, si Ariza at papalapit siya sa babaeng nakatalikod mula sa akin.
"Anong ginagawa mo dito?" Kumunot ang nuo ko ng marinig kong nag salita ang babae, lumapit ako sa kanila at pinag masdan ang mukha ng babae.

Siya nga si Melissa.
Malayo ang mukha niya sa lagi kong nakikita sa pangitain ko.
"Hindi ka ba papsok ngayon?" Tanong ni Ariza sa kanya, umiling si Melissa saka ngumiti ng matamlay sa kanya.
"Hindi, aabsent na muna ako kasi masama ang pakiramdam ko." Sabi niya kaya naman tumango tango si Ariza.
"Sige, magpagaling ka, mauuna na ako babye." Paalam ni Ariza saka niyakap si Melissa at umalis, parang hindi nila ako nakikita dahil sa nasa harap na nila ako pero hindi manlang nabaling ang paningin nila sa akin.

Para akong isang multo sa panahon na ito.

Pinag masdan ko si Melissa na ilang sandali matapos umalis ni Ariza ay umiyak. Kumunot ang nuo ko dahil sa nararamdaman ko ang lungkot at galit na nararamdaman niya ngayon.

Pinanuod kong pumasok si Melissa sa lumang bahay na nasa harap namin, agad akong sumunod sa kanya at nilibot ang paningin ko sa loob ng bahay.
Masyado ng luma ang mga gamit, natatakpan ng makapal na alikabok ang ilan sa mga gamit na naririto at may ilang parte ng bahay at mga kagamitan dito ay sira na at hindi na mapapakinabangan.

Gawa sa kahoy ang bahay kaya naman may mga anay rin akong nakita sa ilang parte nito.
Muling bumalik ang paningin ko kay Melissa na umakyat sa hagdan, agad akong sumunod sa kanya.

Kung ganon, ang lumang bahay na ito ay ang pamamahay ni Melissa, at kung hindi ako nag kakamali ay ito rin ang bahay na nakatayo malapit sa puno na sinasabi nilang nilibing ang wicked witch.

Pinanuod ko si Melissa na halungkatin ang mga gamit na nasa maliit na mesa, mula doon ay may nilabas siyang itim na libro na may naka kabit nang panulat.

Agad siyang umupo sa kalapit na upuan at binuklat ang libro na hawak niya, muli akong lumapit sa kanya at pinagmasdan kung paano niya buklatin ang libro, dito ko napagtanto na isang diary ang hawak niya.

Ang diary niya.

Kumunot ang nuo ko ng makita ko ang mga isinulat niya sa kanyang diary.

"Hunyo 1, 1865
Nag tungo ako sa bahay ni Ace upang sana ay dalawin siya, ngunit bigla na lamang niya akong hinila papasok sa kanyang silid at doon ginawa ang kababuyan sa aking katawan. Hinubaran niya ako at ginahasa, sinira niya ang dangal ko at ang pagkababae ko, tinapakan niya ang pagkatao ko at maging ang pagiging isang Gray witch ko. Wala siyang pinagkaiba kay Mr. Daniel. Parehas silang baboy.
Pinagbantaan ako ni Ace na sa oras na nagsuplong ako sa autoridad ay babalikan niya ako at ipagkakalat na isa akong bayarang babae."

Muli akong napalingon kay Melissa matapos niyang isulat ang bagay na iyon, labis ang pagiyak niya at ramdam ko ang galit na nararamdaman niya.
Naiyukom ko ang aking palad dahil sa inis na aking nararamdaman para kay Ace.
Inilapag ni Melissa ang kanyang diary sa maliit na mesa at saka nag tungo sa baba, kinuha ko ang pag kakataon na ito upang tignan ang ilan sa mga nakasulat sa kanyang diary.

"Abril 27, 1865
Labis ang aking hinagpis sa bagay na ginawa sa akin ni Ariza, alam ko na siya ang nagkalat ng malaswang larawan kung saan naruon ang mukha ko, alam kong ginawa niyang katutuwan ang larawan na hindi naman talaga ako ang naruon, akin siyang kinausap ngunit panay ang pag tanggi niya sa akin at sinasabi na wala siyang alam sa kung anong kumakalat na usapin ngayon patungkol sa akin ngunit alam kong nag sisinungaling siya sapagkat nahuli ko siya na nag bayad ng isang tao upang iedit ang larawan na iyon at ipagkalat."

"Mayo, 31 1865
Hindi ko maunawaan kung bakit ginagawa sa akin ng paulit ulit ang bagay na iyon ni Mr. Daniel,
Pinapunta niya ako sa kanyang tanggapan sa loob ng paaralan upang kanyang kausapin ngunit ako'y kanyang binaboy, sa kanya ko unang naranasan ang pagbababoy na ginawa niya sa akin. Sa kanya ko naranasan ang unang beses na pagbuhatan ng kamay, ako'y kanyang tinakot na sa oras na ako'y nag suplong sa kinatataasang myembro ng paaralan ay ako'y kanyang papatayin."

"Marso 3, 1865
Labis ang hinagpis na aking nararamdaman ng malaman ko na siniraan ako ni Ariza sa buong paaralan ng sa ganon ay makuha niya ang rango sa pagiging pinuno ng Council, ang kanyang pangako sa akin ay nabali nang malaman kong siya ang pinili ng matataas na antas ng paaralan upang maging pinuno, habang ako ay kanilang tinaggal sa aking posisyon bilang isa sa myembro ng mga council at ipinait si Kim sa akin."

Natigil ako sa pagbabasa ng sandaling marinig ko si Melissa na may kausap sa baba.
Agad akong nag tungo sa baba at nakita si Ace na sinasakal si Melissa. Agad akong nag tungo sa tabi ni Ace para sana ipagtangol si Melissa ngunit tumagos lamang ako sa katawan ni Ace dahilan para mapatingin ako sa mga kamay ko.

"Pakiusap, ibaba mo ako.."
"Hindi ba't sinabi ko sayo na huwag kang mag susumbong sa mga kinauukulan?!" Galit na sigaw ni Ace at inihampas si Melissa sa pader kung saan tumama ng malakas ang kanyang likod.

"Melissa!" Sigaw ko at akmang tutulungan siya ngunit kagaya ng kanina ay tumagos lamang ako sa kanyang katawan.

"Hindi ako nag sumbong.." umiiyak na sabi ni Melissa habang iniinda ang sakit ng kanyang likod.
"Talaga? Kung ganon bakit may mga autoridad na nag tungo sa bahay para damputin ako?!" Sigaw ni Ace saka hinawakan ang lampshade na sira.
"Lumayo ka sa kanya!" Sigaw ko ngunit hindi naman ako naririnig ni Ace.
"Dapat hindi ka nalang nabuhay!" Pagkasabi noon ni Ace ay hinampas nito ang hawak niyang lampshade sa ulo ni Melissa dahilan para mawalan ng malay si Melissa.
"Melissa!" Sigaw ko at lumapit sa katawan niya saka sinuri kung humihinga pa siya, muli akong napalingon kay Ace na tila nagulat sa ginawa nya at ngayon ay takot na takot na makitang walang malay si Melissa.
"H-hindi ako ang gumawa niyan." Pagkasabi niya noon ay agad siyang kumaripas ng takbo palabas ng bahay ni Melissa.

The Cursed of MelissaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon