Chapter 1

30.6K 696 186
                                    

Ice Kian Falco POV

"Fafa Keannaaaaaa!" Mariin akong napapikit dahil sa tili ng bakla kong kaibigan.

Damn this gay.

Kita kong nakatingin na sakin ang mga estudyante at yung iba ay tumitili pa.

Syempre, pogi ko kaya.

"Fafa! Ouch, ayaw mamansin! Kalerki ka, hurt na ang aking heart niyan, Fafa ko!" Napaikot ako ng mata sa ere bago lingunin ang best friend kong walang ibang ginawa kundi sirain araw araw ang tahimik kong buhay.

Kita kong malawak siyang nakangiti habang may hawak hawak na make up. Jusko, imbis na bag yung dalhin, yung make up kit yung dinala.

"Ano?" Walang ganang tanong ko rito.

Mahina niya naman akong hinampas bago kumapit sa braso ko.

"Ay wala lang, hinahanap ka sakin ng sisteret mo, beh!" Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

Si Aize ba tinutukoy niya?

"Si Aize?" Tanong ko na ikinatango niya.

"Bakit daw?" Nagpatuloy kami sa paglalakad papunta sa first class naming dalawa.

Magkaklase kami dahil sunod ng sunod tong baklang to. Sabi nga niya na, "Kamatayan lang ang makakapag pahiwalay satin." Dinaig pa jowa ko eh noh.

Pag aabsent, aabsent din siya. Best friend ko nga talaga.

"Hinanap ka lang niya tas sinabihan akong bantayan ka, pag di daw kita binantayan papatayin niya daw ako. Gago nakakatakot magbiro yung sisteret mo." Napanguso pa siya bago napaikot ng mata.

"Hayaan mo na, wag mo nalang pansinin." Tumango naman siya sakin at di na nagsalita dahil nakarating na kami sa classroom.

4th year college na ako at Architecture ang kinuha kong course. It's my Mama Cherry's dream. Pag dinadalaw ko siya, sinasabi niya sakin na gusto niya daw maging Architect, kaya bilang anak, ako na ang tumupad.

Nalungkot na naman ako ng maalala si Mama. Sana okay lang siya don, sana di niya sinasaktan sarili niya.

Tuluyan ng nasiraan ng bait si Mama dahil kay Dada Zeref. Mahal na mahal niya talaga si Dada.

Hindi niya matanggap na ang kaibigan niya ang nakatuluyan nito. Hays.

Anyway, si Aize--- kapatid ko. I mean pano ko ba sasabihin na kapatid ko siya. Kapatid naman talaga turing ko sa kanya kahit na hindi kami magkadugo eh. Hindi naman nagbago yon kahit ng malaman naming dalawa na hindi kami tunay na magkapatid.

Graduating na rin siya sa Senior high.

Balik tayo sa kwento.

Kasalukuyan ng nakapasok ang Professor namin. It's Professor Anderson.

Tsaka nga pala, isang linggo na simula ng magsimula ang klase.

"Ready a one whole sheet of paper. We have surprise quiz." Agad naman kaming kumilos para kumuha ng papel.

Nagmadali kong kinuha ang papel ko sa likuran ko pero pagharap ko ay halos masampal ako sa dami ng kamay na nakaharang sa mukha ko.

Tngina talaga netong mga to.

"Ganda mo talaga, Pres!" Napaikot ako ng mata dahil sa pang uuto ng mga kaklase ko.

Binigyan ko naman sila isa isa ng papel kaya nagsilayasan na sila sa harap ko.

"Naks sponsor ang Fafa Pres namin, ako din oy! Baka nakakalimutan mo ako? Bigyan mo ako!" Sinupalpal ko sa mukha niya ang isang buong pad sa mukha niya, sinadya ko talagang bumili para sakin, sa kanya at para sa mga hampaslupa kong mga kaklase.

Her Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon