Chapter 29

8.6K 297 104
                                    

Gaia Aize Avila Vermillion POV

I'm secretly watching Kian's actions. Were currently here at my Mama and Dada's house dahil namiss ko sila.

Magkatabi lang naman bahay namin but hindi parin kami nagkikita kita haha.

Sobrang busy ni Kian sa cellphone niya mula ng makarating kami sa bahay nila Mama.

I looked at Ara na ngayon ay busy din sa cellphone niya. I secretly clenched my fist. This past few days ay masyado ng naging busy si Kian.

Palagi na rin siyang late umuwi. One time sinubukan kong sundan siya pero hindi ako nagtagumpay.

Sinubukan ko ring kunin yung cellphone niya pero hindi niya 'yon inihiwalay sa kanya. Kahit sa pagtulog niya ay nasa ilalim 'yon ng unan niya.

Ano bang tinatago mo sa'kin, Kian? Or should I say, ano bang tinatago niyo sa'kin ni Ara?

Naramdaman ko ang pag vibrate ng cellphone ko na nasa kamay ko kaya tinignan ko agad ito. This past few days ay panay ang message sa'kin ng unknown number. He/She always telling me na huwag magtiwala.

Inopen ko ang cellphone ko at tinignan ang message, it's from unknown person again.

From: 09*********
Harap harapan ka ng niloloko, hindi mo parin napapansin.

Agad akong napatingin kina Kian at Ara na parehong seryosong nagtatype sa cellphone nila.

"Hey Aize, ayos ka lang ba?" Napalingon ako ng marinig kong nagtanong si Mama sa'kin.

Hindi ko man lang namalayan na katabi ko na siya. Andito kami sa sala, masaya naman kaming nag uusap kanina eh pero di ko alam kung paano naging gan'to.

"I'm fine, Mama." Sagot ko bago tumingin ulit sa dalawa na ngayon ay nahuli kong nakatitig sa isa't-isa.

"Are you sure? Punta lang muna kami ng Dada mo sa kwarto ha, you know naman na." Tumingin ulit ako kay Mama at tumango sa kanya.

Kita ko kung paano niya tignan si Ara at bigyan ng matalim na irap.

Pagkaalis nila Mama at Dada ay tsaka naman nagvibrate ulit ang cellphone ko.

From: 09*********
Poor Aize. Hanggang kailan ka magbubulag bulagan? Nasa harap mo na oh, niloloko ka.

Napakuyom ko ang kamao ko at tumingin ulit kay Kian na ngayon ay salubong ang kilay na nakatingin sa'kin.

"Okay ka lang ba, Aize?" Tanong niya at hinawakan ang kamay ko.

Pasimple naman akong tumingin kay Ara na ngayon ay nakatingin sa'ming dalawa ni Kian.

Tumingin ulit ako kay Kian at mabilis itong hinalikan sa labi, kita ko rin ang gulat niya dahil sa ginawa ko pero agad ding ngumiti at hinalikan ako sa noo.

"Let's go home, Kian." Bulong ko sa kanya.

Inilapit ko pa ang mukha ko sa mukha niya. Hinalikan muna nito ang tungkig ng ilong ko bago tumango.

"Okay, tara para makapag pahinga rin kayo ni baby." Aya nito bago tumayo.

Hinawakan naman nito ang braso at bewang ko para alalayan akong tumayo.

Pagkatayo ko ay tumingin kaming dalawa kay Ara na nakatingin parin sa amin.

"Aalis na kami, Ara." Paalam ni Kian kay Ara.

Tumingin ito kay Kian ng ilang segundo bago tumingin sa'kin at tumango tango.

Tumingin si Kian sa'kin at ngumiti bago ako igaya palabas ng bahay.

Her Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon