Chapter 44

9.8K 369 90
                                    

Ice Kian Falco POV

Napakamot ako ng ulo habang hinihintay si Ayuna at Mama Aizen na umuwi.

Pagkatapos kasi naming gumala sa kung saan saan ay umuwi na kami, tapos nagtaka ako dahil biglang pumunta si Mama Aizen dito at sinundo si Ayuna.

Nagmukha silang mag-ina kanina dahil pareho silang naka all black tapos pareho pang naka ponytail yung buhok.

Ang cute nilang tignan kanina.

"Hey." Napalingon ako sa likuran ko ng marinig kong nagsalita si Aize.

Kita kong naka nighties na siya kaya litaw ang makinis na balat nito, sumisilip na rin sa'kin ang ehem cleavage niya.

"Eyes up here, wala jan yung bibig ko." Napaangat ako ng tingin sa kanya at napakamot ng kilay.

Bakit ba kasi ang laki.

"Ah eh bakit?" Tanong ko at pinipilit na ituon ang mata sa mata niya.

"Let's sleep." Inaantok na usal niya.

Nanlambot naman ako dahil sa sinabi niya. Alam ko namang sobrang pagod siya kanina kahit na hindi naman siya sumama sa ibang rides. Hindi ko siya pinasama kanina nung sumakay kami ng Ferris wheel dahil buntis siya.

"Inaantay ko pa si Ayuna, mauna ka na susunod nalang po ako." Nilapitan ko siya at binigyan ng halik sa noo bago yakapin.

Napangiti ako ng maramdaman ko ang pag ganti nito sa yakap ko.

"Thank you." Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya kaya bumitaw ako sa yakap namin.

Nakakunot ang noo kong tinignan siya.

"Salamat saan?" Curious na tanong ko.

"Thank you for everything. Thank you so much dahil pinapatunayan mong mahal mo ako. Thank you dahil hindi mo ako sinukuan. And I'm sorry for being selfish. I'm sorr-" hindi ko pinatapos ang sasabihin nito at agad na sinakop ang labi niya gamit ang labi ko.

Saglit ko lang siyang hinalikan at agad na humiwalay. I held her face and caressed it.

"No need to thank me, Aize. Never ako magsasawang patunayan sa'yo na mahal kita, mahal na mahal. Tsaka please stop saying sorry, naiintindihan ko, Aize." Ngitian ko ito habang patuloy parin sa paghaplos sa pisngi niya.

Nanlaki ang mata ko ng makitang may tumulong luha sa mata niya.

"H-Hala, may masakit ba sa'yo? Bakit ka umiiyak? May nasabi ba ako?" Kinakabahang tanong ko.

Natawa naman siya at umiling iling sa'kin bago tanggalin ang kamay kong nasa pisngi niya upang hawakan ang kamay ko.

"No, its just I realize something. Don't mind it, ayos lang ako." Mariin ko itong tinignan kung nagsasabi ba siya ng totoo pero mukhang totoo naman.

Tumango naman ako at dinala ang kamay niya sa labi ko para halikan.

"Matulog ka na, susunod na ako. Hihintayin ko pa si Ayuna." Tumango naman ito at niyakap ako.

"'Kay, sunod ka kapag andito na siya. Please remind her na mag halfbath, for sure mabaho na naman 'yon pag-uwi. Goodnight." Magtatanong pa sana ako sa kanya nang tinalikuran na ako nito.

Bakit mabaho? Ano ba ginawa?

Pagkaakyat ni Aize ay sakto namang may narinig akong bagong dating na sasakyan sa labas. Siguro sila na 'to.

Her Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon