Ice Kian Falco POV
Kapwa kami tahimik ni Bedelia rito sa loob ng kwarto. Kinwento nito sa'kin ang lahat ng pinagdaanan niya. Ang dahilan kung bakit siya galit sa'kin at kung bakit niya ginagawa ang lahat ng 'to.
Hindi ako makapaniwala sa mga kwento niya.
Hindi ko alam pero may part sa'kin na sinisisi ko si Mama dahil sa nangyari. Sana pinakupkop niya nalang din si Bedelia kay Dada Zeref noon. Alam ko namang matatanggap 'yon ni Dada Zeref e.
"Gusto mo ba akong patayin?" Basag ko sa katahimikan naming dalawa.
Tumingin ito sa'kin.
"Oo." Walang pagdadalawang isip na sagot nito.
"Then do it. Kung 'yan ang makakapagpagaan ng loob mo." Napahawak ako sa balikat ko kung saang part niya ako binaril at dahan dahang tumayo.
Tumayo na rin siya at dahan dahang itinutok ang baril sa'kin.
"Pwede bang pagkatapos nito bisitahin mo si Mama Cherry? Inutusan kasi ako no'n na hanapin ka eh. Pag bibisitahin mo siya, dalhan mo siya ng paborito niyang ulam. Kwentuhan mo rin siya tungkol sa buhay mo. Paniguradong matutuwa si Mama kapag nakita ka." Nakangiting pahayag ko sa kanya na ikinatulo ng luha ko.
Kita kong kinasa na nito ang baril at nanginginig ang kamay na itinutok sa'kin ulit.
"Iputok mo na. Gusto ko na rin makasama anak ko, Bedelia." Unti unti kong ipinikit ang mata ko.
Napahinga ako ng malalim at inihanda na ang sarili ko. Ilang sandaling pagpikit ko ng mata ay narinig ko nalang ang sunod sunod na malalakas na putok ng baril.
Patuloy parin akong nakapikit pero wala akong naramdamang bala na tumama sa katawan ko kaya dahan dahan kong idinilat ang isa kong mata.
"Ano 'yon?!" Tarantang tanong ni Bedelia.
"Malay ko bat ako tinatanong mo eh magkasama tayo rito." Pilosopong sagot ko naman sa kanya.
Biglang may pumasok na isa sa mga tauhan niya.
"Boss! May mga pulis!" Tarantang sumbong nito na ikinalaki ng mata ni Bedelia at mabilis na lumapit sa'kin.
Napatayo ako ng tuwid ng itinutok nito sa noo ko ang baril niya bago dahan dahang naglakad papunta sa likuran ko.
"Lakad." Itinulak ako nito palabas ng kwarto.
Lakad daw tas tinulak ako amp.
"Huwag na huwag kang magkakamaling manlaban." Bulong nito sa'kin.
Nakatutok ngayon sa sentido ko ang baril niya.
Patuloy parin ang mga naririnig naming putok ng mga baril.
Bigla kong naalala si Aize. Ayos lang ba siya?
"Ara!" Halos mapatakip ako sa tenga ko dahil sa biglang pagsigaw ni Bedelia. Amputek sa tenga ko pa sumigaw.
Napalingon ako ng narinig kong bumukas ang isang pinto. Doon ko nakita si Aize at Ara. Nakatutok ang baril ni Ara sa sentido ni Aize. Katulad lang ng porma namin ni Bedelia.
"Aize!" Tawag ko sa pangalan niya pero tinaasan lang ako nito ng kilay bago ikutan ng mata.
Pati ba naman dito magsusungit siya?
"Mauna ka, Ara." Duwag amputa.
Tumango si Ara sa kanya bago sila naunang bumaba ng hagdan bago kami sumunod.
BINABASA MO ANG
Her Obsession
General Fiction"Kian is mine, mine alone." - Gaia Aize Vermilion. "Magkapatid tayo, Aize!" - Ice Kian Falco. Warning: GXG STORY! Start: November 17, 2022 End: February 18, 2023