Chapter 46

11.6K 338 39
                                    

Ice Kian Falco POV

"Please po, Mama Aizen, ano pong nangyari sa kanila?" Kanina pa ako nagpupumilit na sabihin sa kanya ang nangyari kina Ara at Bedelia.

Alam kong alam niya ang lahat ng nangyari sa dalawa.

Dumiretso ako sa kanya matapos kong puntahan si Ara. Alam kong expected na ni Mama Aizen na pupunta ako rito dahil napansin ko kanina nung papunta ako kay Ara ay may nakasunod sa'kin. Alam kong mga tauhan niya 'yon.

"Chismosa ka girl?" Napaawang ang labi ko dahil sa tanong nito.

Nandito kaming dalawa sa loob ng opisina rito sa bahay niya. Wala si Dada Zeref dahil binisita raw si Aize.

"Mama naman."

" I think hindi mo na kailangang malaman pa ang nangyari sa kanilang dalawa. It's their privacy. Sapat na 'yong proweba na may anak si Ara at ang kakambal mo ang may kagagawan." Napaisip naman ako sa sinabi niya at walang nagawa kundi tumango nalang.

"Pero diba plano mo pong mabuo ang pamilya nila? Paano po eh nasa kulungan si Bedelia?" Tanong ko na ikinaayos niya ng upo bago inayos ang salamin niya sa mata.

Hindi parin nababago ang ganda ni Mama Aizen, mukha parin siyang nasa 20+.

"Yeah, about that secret na 'yon." Ano pa nga bang magagawa ko.

Natahimik ako sa sinabi niya. Uuwi nalang siguro ako.

"What's your plan, Kian? Kailan mo papakasalan ang anak ko? You can court her kahit na mag-asawa na kayo, use your brain din kasi minsan." Seryosong usal nito ng akmang tatayo na ako.

Napakamot naman ako ng ulo. Bakit ba napaka excited nila.

"Papakasalan ko naman po siya." Napaikot ang mata niya dahil sa sinabi ko.

"Papakasalan my ass. You didn't even take her out mula ng magkasama kayo." Napayuko ako.

Last na bonding lang naming dalawa is yung pumunta kami dun sa lugar na pinupuntahan namin dati kapag nagcucutting kami. Hindi na naulit.

"Alis na po ako." Napapalatak naman siya sa sinagot ko at agad akong tinaboy dahil baka raw mabaril niya lang ako.

Kamot kamot ko ang ulo na lumabas ng opisina nito. Pagkababa ko ay naabutan ko si Dada Zeref na mukha aakyat na rin.

"Ow, nandito ka pala kaya pala di kita nakita sa bahay niyo kanina nung pumunta ako." Ngumiti naman ako sa kanya at tumango.

Di ko naman alam isasagot ko e.

"Ah opo. Uwi na po ako dahil baka hinahanap na ako ni Aize." Paalam ko sa kanya na ikinatawa niya.

May nakakatawa ba sa sinabi ko?

"Ay oo, mabuti pa umuwi ka na. Wala pa naman 'yon sa mood dahil hindi raw masarap 'yong niluto na ulam ng kasambahay niyo." Lagot na.

Dali dali na akong nagpaalam sa kanya na uuwi.

Pagkarating sa bahay ay katahimikan agad ang bumungad sa'kin. Lead me lord.

Kinakabahan kong tinahak ang sala namin, alam ko namang andon lang siya.

At hindi nga ako nagkamali, pero nagulat nalang ako ng makita na ang daming maletang nakalagay sa sala.

"Aize, anong nangyari?" Kabadong tanong ko at nilapitan ito.

May kalakasan ang pagkatanong ko dahilan para mangilid ang luha nito.

Her Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon