Chapter 5

17.2K 509 201
                                    

Ice Kian Falco POV

"Hey Fafa Keanna uso mamansin oh! Ano ba nangyare sayo at ilang araw ka ng tulaley jan?" Tanong ni Jaja, yung kaibigan kong bakla.

Napatingin ako sa kanya at inilingan lang bago ibaling ulit kay Prof Anderson ang atensyon.

"Hoy, di nga seryoso anong problema? Pwede kang magsabi sakin, Keanna. Pansin ko ang pagiging matamlay mo this past few days." Nag aalala niyang tanong.

Hindi ko siya pinansin at patuloy paring nakatingin sa Professor na nasa harap.

Pinoproblema ko kase si Aize. Simula nung may mangyare samin ay hindi ko pa ito nakikita ulit. Tatlong linggo na ang nakakalipas mula non.

Natatakot ako dahil baka tinuloy niya yung sinabi niya saking isusumbong niya ako kay Dada Zeref.

"Dismissed."

Nabalik ako sa ulirat ng mag dismiss na si Ma'am. Agad naman akong tumayo para iligpit ang gamit ko. Ramdam ko ang tinging ipinupukol ni Jaja pero hindi ko na pinansin pa.

"Hi Pres!" Nabaling ang atensyon ko ng may bumati sakin.

Kaklase ko na babae.

Ngitian ko siya at winagayway ang kamay ko.

"Hello." Matipid na bati ko pabalik at isinukbit ang bag sa balikat ko.

Kita kong malawak siyang nakangiti sakin. Siya si May. Usap usapan sa buong campus na marami na raw itong nilalandi.

"Hoy May, tigil tigilan mo kaibigan ko ha! Iba nalang biktimahin mo!" Saway ni bakla sa kanya.

Ngisian lang siya ng May bago ikutan ng mata.

"Tsk. Ahm Keanna, can I ask you out for a dinner later?" Ayoko nga.

Napatingin ako kay bakla, kita kong dahan dahan siyang umiling iling sakin.

Bahala na.

"Sure." Bigla namang nagliwanag ang mukha ni May at niyakap ako.

Mahina naman akong napatawa sa inasta niya.

"Thank you! Send ko nalang sayo yung address, bye!" Hinalikan niya muna ako malapit sa labi bago tuluyang lumabas ng classroom.

Napailing nalang ako sa kawalan bago lumabas nalang din. Ramdam ko ang pagsunod ni bakla sa likuran ko.

"Hoy teh! Bakit ka naman pumayag na makipag dinner sa kanya mamaya? Baka ibang dinner gawin niyo ha, jusko itabi niya ako na." Mahina akong napatawa dahil sa huling sinabi niya.

Simula nung nalaman niyang may ano ako ay palagi niya na akong binibiro na magpapa ano daw siya sakin. Siraulo HAHAHAHA.

"Dami mong satsat, bilisan mo na." Kita kong napanguso siya bago binilisan ang paglalakad.

Habang naglalakad ay naramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko na nasa bulsa ko kaya kinuha ko ito.

From: Aize
You really testing my patience.

Kumunot ang noo ko dahil sa message niya. Ano na naman bang ginawa ko?

"Hoy gago may namatay daw doon!" Rinig kong saad ng ibang mga estudyante.

Kita kong andaming estudyanteng tumatakbo papunta sa auditorium.

"Ano nangyari?" Tanong ni bakla.

"Tanga malay ko, ako tinatanong mo eh magkasama tayo." Nginusuan niya naman ako bago ako hilain papunta ng auditorium.

Halos maipit kami dahil sa dami ng tao.

Her Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon