Chapter 25

12K 425 90
                                    

Gaia Aize Avila Vermilion POV

Walang emosyon akong nakatingin kay Kian na ngayon ay naglalaba.

The heck, there's a maid here pero bakit siya gumagawa niyan? Kaya nga nag hire ako ng katulong para walang mahirapan saming dalawa eh. Hays.

I'm still not talking to her. Papakipot muna ako duhh.

Medyo nag-aalala ako dahil hindi pa magaling ang sugat niya mula sa pagkakabaril sa kanya ng baliw kong kapatid kahapon.

"Tell her to stop." Utos ko sa katulong namin na agad namang tumango at pinuntahan si Kian.

Nakatayo lang ako sa pintuan at tinignan siya.

Kita kong kumunot ang noo niya ng may sinabi ang katulong sa kanya bago tumingin sa akin.

She smile bago tumayo at naglakad papunta sa'kin.

Damn, I can't help to be inlove with her.

"Gutom ka ba? May cravings ka ba ngayon? Okay lang ba kayo ng baby?" Sunod sunod na tanong niya at parang gusto ako hawakan pero may bula pa ang kamay nito.

Bakit kasi hindi muna naghugas ng kamay.

"The baby is fine." Tanging sagot ko.

Kita kong napayuko siya kaya nagtaka ako.

"E-Eh ikaw? Ayos ka lang ba? May masakit ba sa'yo?" Tanong niya sa'kin.

Napakurap ako dahil sa tanong niya. Concern ba siya sa'kin?

Maybe no, baka tinatanong niya lang ako kung okay ako dahil baka mapaano si baby. Hays.

"The baby is fine. No need to worry. Iwan mo na yung labahan mo, hindi ka katulong dito." Malamig na saad ko sa kanya bago siya iwan sa kinatatayuan niya at pumunta ng sala para manood ng Winnie the Pooh.

Why can't she love me back? Ano pa ba kailangan kong gawin para lang mahalin niya ako?

I really love her but ayaw ko ng ipilit pa ang sarili ko sa kanya.

I'm busy watching Winnie the Pooh nang may maramdaman kong may tumabi sa akin kaya napatingin ako rito.

I saw Kian holding a glass of milk.

"Inom ka muna, hindi ka kasi uminom kanina."

"I don't need it." Matigas na sambit ko sa kanya.

Napakamot naman siya ng batok bago tumango. So, hindi niya talaga ako pipilitin? Gosh this girl.

"A-Ayaw mo talaga?" Alanganin pang tanong nito kaya napahinga ako ng malalim bago ito kinuha sa kanya.

Di man lang marunong manuyo. Tsk.

Ininom ko ang gatas bago ibinalik ang atensyon sa pinapanood kong cartoon.

Nag init ang ulo ko dahil sa sobrang likot ng katabi ko na parang sobrang kati ng pwet.

"Ano ba?! Ang likot mo." Naiinis kong reklamo kaya napahinto siya.

Inikutan ko ito ng mata bago sumimsim ulit ng gatas.

"Pakasal na tayo, Aize." Naibuga ko ang gatas na iniinom ko dahil sa sinabi niya.

What the hell? Is this true?

Agad naman ako nitong dinaluhan at nagtawag ng katulong para kumuha ng tubig.

"Sht, nagulat ba kita? Sorry sorry sorry." Paulit ulit na sambit nito habang hinihimas ang likuran ko.

Ininom ko ang inabot nito na tubig bago pinakalma ang sarili.

Her Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon