Ice Kian Falco POV
"Ma, may dala po akong pagborito mo oh. Diba po sabi mo paborito mo 'to? Kain ka na po." Masayang saad ko sa kanya bago buksan ang baunan.
Andito ako sa mental hospital ngayon, binibisita si Mama Cherry.
Nag aalala ako sa kanya dahil ang payat niya na. Sabi ng mga nag aalaga sa kanya ay hindi parin daw siya masyadong kumakain.
"Where's Zeref? Papuntahin mo siya rito, hindi kita kailangan." Napatigil naman ako sa pagbukas ng baunan dahil sa sinabi niya.
Napalunok ako para pigilan ang sariling umiyak. Ang sakit talaga sa tuwing tinataboy niya ako at si Dada Zeref ang palaging hinahanap niya.
"Mama, si Dada Zeref po Masaya na siya. Kain ka na po, masarap po yan. Kami ni Dada Axcel nagluto niyan." Dahil sa sinabi ko ay sinalubong niya ang titig ko bago iwinaksi ang mga dala kong pagkain sa lamesa.
Napayuko naman ako dahil sa ginawa niya.
"Ayoko! Akin lang si Zeref! Akin lang siya. Papatayin ko yang Aizen na yan!" Galit na saad niya at hinampas ang table.
Napatayo naman ako para pigilan siya.
"Ma, tama na po. Makinig ka po muna sakin, please?" Hinawakan ko ang mukha at iniharap sakin.
Tumango naman siya.
"Diba po mahal mo si Dada Zeref?" Tumango naman siya kaagad sa tanong ko.
"So dapat masaya ka para sa kanya. Hayaan mo na po siya. She's happy na with her family." Agad namang tumulo ang luha sa kaliwang mata niya dahil sa sinabi ko kaya niyakap ko ito.
Humagulhol siya ng humagulhol sa balikat ko kaya todo patahan naman ako sa kanya dahil nakatingin na ang iba sa amin.
Nang tumahan siya ay inilayo ko na siya sakin at hinawakan ang mukha nito.
"Kain ka na po ha? Fav mo po to diba? Ito yung sinabi mo sakin dati na fav mo nung pumupunta ka sa school ko dati." Masayang kwento ko sa kanya.
Maliit naman siyang ngumiti sakin bago tumango.
Bumalik ako sa kinauupuan ko kanina at inayos ang mga pagkain na hindi nasali sa pagwaksi niya kanina.
Habang kumakain kami ay panaka naka akong tumitingin sa kanya.
Kailan kaya siya gagaling? Umaasa parin ako na gagaling siya.
"Kamusta ka po dito, Mama?" Tanong ko habang hinahanda ang tubig niya.
"Fine." Tipid na sagot niya na ikinangiti ko nalang bago tumango.
Kailan ba ako magkakaroon ng maayos na conversation sa kanya?
Nakamasid lang ako sa kanya habang kumakain siya. Ako lang palagi ang dumadalaw dito dahil hindi siya nakikipag usap sa ibang tao. Even na hinahanap niya si Dada Zeref ay alam kong hindi siya makakapag salita.
One time non nung dumalaw dito si Dada kasama ako, hindi nagsalita si Mama. Nakatingin lang siya kay Dada Zeref. Kahit anong pinagsasabi namin non ay nakatingin lang siya kay Dada.
"K-Kamusta ka?" Nabalik ako sa ulirat ng magtanong siya.
Bigla namang tumulo ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Ngayon niya lang ako kinamusta. Ngayon lang siya nagtanong ng ganyan.
BINABASA MO ANG
Her Obsession
General Fiction"Kian is mine, mine alone." - Gaia Aize Vermilion. "Magkapatid tayo, Aize!" - Ice Kian Falco. Warning: GXG STORY! Start: November 17, 2022 End: February 18, 2023