Chapter 31

8.4K 320 56
                                    

Ice Kian Falco POV

Hindi ko alam kung ilang bote na ng alak ang naubos ko. Basta ang alam ko ay lasing na ako.

Andito ako sa condo na kasalukuyan kong tinutuluyan ngayon kasama si Jaja. Yeah, andito na rin siya.

"Besh, tama na 'yan jusko ka!!" Pagpapahinto nito sa akin pero hindi ko siya pinakinggan.

Bakit sa dinami raming pwedeng mawala ay ang anak ko pa? Pwede namang ako nalang! Ako nalang eh. Total kasalanan ko naman. Kasalanan ko kung bakit kami ginugulo nung pesteng taong hanggang ngayon di pa namin kilala. Or should I say, di ko pa kilala.

Isang buwan na ang lumipas mula nung magkita kami ni Aize. Ang tanga ko sa mga salitang binitawan ko.

Kaliwa't kanang sampal ang inabot ko kay Ara ng magising ako mula sa pagkakahimatay dahil sa pagsuntok ni Mama Aizen sa'kin.

Sinisi niya ako sa lahat, as in lahat lahat.

Nabalik ako sa ulirat ng maramdaman kong may humampas sa'kin. It's Ara.

"Are you trying to kill yourself? Hindi makakatulong 'yang pag-iinom mo." Walang emosyong usal nito sa'kin bago agawin ang baso ko na may lamang alak.

Nanghihinang napasandal ako sa sofa. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Gusto kong malamang kung sino ang nasa likod ng lahat ng 'to pero palaging sinasabi sa'kin ni Ara na siya na raw bahala.

Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit hindi pa niya tapusin yung taong dahilan ng lahat ng 'to eh kilala niya naman pala. I mean nakilala niya na.

"Kung hindi mo siya iniwan mag-isa sa bahay, edi sana hindi 'to mangyayari ngayon, Kian." Napayuko ako dahil sa sinabi ni Ara.

Mali ko. Ang tanga tanga ko.

Nagsimula na namang tumulo ang luha ko ng maalala kung paano ko paghandaan ang araw na 'yon. Kung paano ko iset-up ang lahat para sana mag propose kay Aize pero hindi natuloy dahil sa aksidenteng nangyari.

FLASHBACK

Matapos kong magpaalam kay Aize na may emergency meeting ay agad akong umalis ng bahay dahil nakatanggap ako ng mensahe na naka prepare na raw lahat ng kailangan ko para sa pagpopropose sa kanya.

Salamat kay Ara sa pagtulong niya sa'kin dito hays.

Nakangiti kong binabaybay ang daan papunta sa pinag-usapan naming lokasyon ng nag-ayos. Naisipan kong sa beach na mag propose sa kanya dahil alam ko na pangarap niya 'to mula pa noong bata pa kami.

Ilang linggo ko rin 'tong inasikaso dahil di ako makahanap ng perfect spot ng lokasyon.

Pagdating sa beach ay agad kong pinuntahan ang spot, at agad akong napangiti ng makita kung gaano kaganda ang pag prepare rito.

Papasalamatan ko talaga si Ara rito.

Kinapa ko sa bulsa ko ang kahon ng singsing na binili ko para sa kanya at binuksan ito. Hindi na ako makapag hintay na masuot 'to ni Aize.

Nag-usap kami saglit ng mga nag prepare at sinabi kong babalik ako dahil kukunin ko lang si Aize. Sinabi ko rin sa kanila ang plano ko.

Nagmessage na rin ako kina Dada Zeref, Mama Aizen, Dada Axcel, Jaja, at sa kaibigan ni Aize na handa na ako.

Pabalik na ako sa bahay ng makaramdam ako ng kaba na hindi ko maipaliwanag kaya mas lalo kong binilisan ang pagpapatakbo ng kotse ko.

Pagdating sa bahay ay tahimik na sala ang bumungad sa'kin.

Her Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon