Kung ayaw niyo ng baliw 'wag niyong basahin gigil niyo'ko. Basta may torture sa baba. Oh ayan warning shvta⚠️⚠️⚠️.
Ice Kian Falco POV
Hawak hawak ko na ang sedura ng pintuan ng marinig iyon.
Anong ibig sabihin ni Luna? Girlfriend niya kaya 'yon?
Aish buti naman.
Baka pwede ko kausapin girlfriend niya at sabihin sa kanya na pilitin si Luna na ipawalang bisa ang kasal.
Teka, pwede namang ako nalang gumawa no'n e. Bobo ko talaga.
Bahala na nga.
Naisipan kong hayaan nalang ang dalawa dahil baka mag scissor scissor pa sila.
Pag-uwi ng bahay ay naabutan ko si Jaja sa kwarto ko na parang may hinahanap.
"Hoy bruha, anong hinahanap mo diyan?" Bigla itong napatalon dahil sa gulat kaya natawa ako.
Hawak hawak nito ang dibdib nitong humarap sa akin.
"A-Ah eh ano besh may boxer ka pa? Pahiram ako, nasa labahan boxer ko eh tapos yung iba nginatngat na ng mga rats." Promise ang bilis niya magsalita.
Dinaig niya pa yung ibang nanay na nagrarap tuwing umaga.
"May mga hindi pa ako nagagamit na boxer doon sa isang closet, kunin mo nalang." Tamad na saad ko rito bago pabagsak na humiga sa kama ko.
Ipinikit ko ang mata ko at hindi pinansin ang bakla.
Hindi ko namamalayang nakatulog na pala ako, nagising nalang ako dahil sa ingay na nanggagaling sa cellphone ko.
Papungas punga ang mata ko itong kinuha sa bulsa ko. Damn, nakalimutan ko pang magbihis.
Unregistered na number ang kasalukuyan tumatawag. Hindi naman ito si Aize dahil iba ang dulo ng Numero non. Sinagot ko nalang ito.
"Hi, who-" di pa ako natatapos ng magsalita ang nasa kabilang linya.
"Hi Kian! It's me, Angel. I just want to remind you about our date later. Be ready, Hon! I already texted you the place. Bye!"
Napabuntong hininga ako ng patayin na nito ang tawag.
As a friend lang naman siguro 'to.
Binasa ko ang message nito. At mamayang alas 6 daw.
Nanlaki ang mata ko ngakitang alas 5 na kaya dali dali akong tumayo at pumasok ng banyo.
Halos 25 minutes ang ginugol ko sa pagligo, lam niyo na, para fresh.
Nakaplain white t-shirt lang ako at black trouser. Puting sapatos din ang ginamit ko, wala mas paborito ko ang puti. Jk.
Hindi naman siya gano'n ka special para paghandaan ng bongga. Mabuti sana kung siya si Aize.
Wait.. what?
Speaking of her, kita kong nagmessage na naman ang number na ginagamit niya.
From: 09**********
Huwag kang pumunta, Kian.Kumunot ang noo ko dahil sa message niya.
To: Me
Huh?From: 09*********
Huwag kang makipag kita sa kanya!Bigla akong kinabahan sa message niya. Paano niya nalaman na aalis ako?
Napakagat ako ng ibabang labi bago kunin ang susi ng kotse ko. Alas sais na jusko baka andoon na si Angel.
BINABASA MO ANG
Her Obsession
Narrativa generale"Kian is mine, mine alone." - Gaia Aize Vermilion. "Magkapatid tayo, Aize!" - Ice Kian Falco. Warning: GXG STORY! Start: November 17, 2022 End: February 18, 2023