Ice Kian Falco POV
"Bar tayo later, gays!" Aya sa amin ni Violet.
Kasalukuyan kaming andito sa cafeteria kumakain. Pare-pareho kaming vacant kaya pare-pareho rin kaming andito.
Ngayong araw ko sana balak kausapin si Angel about kahapon sa hindi niya pagsipot pero hanggang ngayon hindi ko pa siya nakikita.
"Mag bar ka mag-isa mo." Sagot naman ni Jaja bago lumayo sa kanya pero mas lalo lang lumapit si Violet sa kanya kaya napailing ako.
"Ikaw naman babe, ang kj mo! Kiss nalang kita." Napahagalpak ako ng tawa ng sinampal ni Jaja ang nguso ni Violet nang ilapit nito ang nguso niya.
"Arte nito! Kinain mo rin naman ako dati." Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi ni Violet.
Wth?
"Hala hala hala, ano 'yon? Nagkainan na pala kayo ha." Kita kong napaiwas ng tingin si Jaja, kita ko rin ang pagpula ng buong mukha nito.
Hala, so totoo nga?
"Gagi ka, Jaja! Sabi na eh, babae talaga para sa'yo!" Pang aasar ko rito at niyugyog-yugyog pa balikat niya.
Hinampas naman nito kamay ko at sinamaan ako ng tingin.
"Tigilan mo nga ako! Tngina naalala ko may kasalanan ka pa pala sa akin!" Naiinis nitong saad kaya nagtataka ko itong tinignan.
Eh?
"Ano namang ginawa ko sa'yo?" Nagtataka kong tanong sa kanya.
"Grrr nakakagigil talaga 'yong babaeng 'yon! Hindi tuloy ako nakatulog kagabi kakahanap sa POOHnyeta na 'yon. Bwiset! Ikaw sana naghihirap don dahil ikaw kumantot don eh! Kakantutin mo 'tas.. aish!" Problemadong himutok nito sa akin.
"Gago bibig mo, anong kantot kantot pinagsasabi mo diyan?" Tanong ko rito.
Tinignan ko mukha niya, yeah mukha nga siyang walang tulog.
"Kiss nalang kita, babe. Halika tulog ka rito sa Dede ko like what you did before." Singit ni Violet sa usapan namin ni Jaja.
Napatakip ako sa bibig ko para pigilan ang pagtawa dahil sobrang sama na ng mukha ni Jaja.
Gago di ko iniexpect na makaka-ano si Jaja ng babae.
For sure lasing siya non.
"Layo-layuan mo nga ako Violet bago kita masampal ng to the highest level." Itinulak ni Jaja palayo si Violet sa kanya.
Biglang tumunog ang cellphone ni Jaja kaya pareho kaming nagbaling ng tuon doon.
Kinuha ni Jaja ang cellphone niya at tinignan ito. Ilang segundo ay mukha na naman siyang maiiyak.
"Hoy, ayos ka lang? May problema ba?" Nag-aalalalang tanong ko sa kanya na ikinatango niya.
"Sabihin mo sa akin kung saan ako makakahanap ng saging na hugis puso." Naiiyak na sumamo nito.
Gago? May saging bang gano'n?
"Wala naman atang saging na gano'n, tanga. Sino namang kakain niyan? Lakas ng amats ah hahaha." Natatawang tanong ko rito.
Bigla ako nitong binatukan kaya napasubsob ang mukha ko sa table. Gago sakit non.
"Sana masabi mo sa kanya 'yan ng harap-harapan. Tignan lang natin kung di ka ratratin ng bala punyeta ka. Kakantot kantot kasi eh!" Napahilamos siya ng mukha at isinubsob ang mukha niya sa lamesa.
BINABASA MO ANG
Her Obsession
General Fiction"Kian is mine, mine alone." - Gaia Aize Vermilion. "Magkapatid tayo, Aize!" - Ice Kian Falco. Warning: GXG STORY! Start: November 17, 2022 End: February 18, 2023