Chapter 37

8.3K 345 26
                                    

Gaia Aize Avila Vermillion POV

"Stop jumping, Ayuna." Saway ko sa batang kanina pa nagtatatalon dahil sa tuwa dahil nakalapag na ang eroplanong sinasakyan namin.

And yes, andito na kami sa Pilipinas.

"Mommy! Yes, I'm so excited to meet my Dada!" Pareho kaming napatigil ni Karro sa paglalakad palabas ng airport dahil sa sinabi ni Ayuna.

Nawala ang ngiti niya ng tumingin siya sa'min ng kambal niya.

She really wanted to meet Kian huh?

"I told you sto-" hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni Karro at tinapik ito para patigilin sa pagsasalita.

"Sisteeee! Di mo man lang ako hinintay! Ang bibigat ng maleta niyo shuta ka." Reklamo ni Frank at hingal na hingal na nahinto sa harap namin.

Siya kasi may dala ng maleta namin, siya nag insist ah.

Inikutan ko ito ng mata bago tuluyang pumasok sa kotseng kararating lang din.

Narinig ko na naman ang pagreklamo ni Frank but who cares, ginusto niya 'yan eh.

Sumunod na pumasok ang dalawang bata na ngayon ay nagpapalitan na naman ng masasamang tingin.

"Stop that, Ayuna and Karro." Sabay silang napaiwas ng tingin sa isa't-isa pero bago 'yon ay sabay pa silang napaikot ng mata.

Gosh.

Pagkapasok ni Frank sa kotse ay agad namang pinaandar ng driver ang sasakyan.

"Sa bahay niyo po ba ko kayo ihahatid, Ma'am?" Tanong ng driver kaya napatingin ako sa kanya.

"Yes." Tumango naman siya at nanahimik na.

This is it.

Andito na kami so I know sooner or later ay magkikita kami ni Kian.





Masama kong binalingan ng tingin si Frank ng marinig kong ilalabas niya ang dalawang bata.

"No Frank, hindi mo sila ilalabas!" Saway ko pero tinakpan niya lang ang tenga niya tila ba ayaw ako pakinggan.

Napahilamos ako ng mukha at tinignan ang dalawang batang nakasuot na ng pang-alis.

Napatingin ako kay Ayuna na excited na excited lumabas. Simula nung makarating kami rito kahapon ay hindi ko pa sila pinapalabas.

"Kj mo! Hindi naman siguro sila magkikita ni Keanna ngayon noh, tsaka sa mall lang naman mhie. Sige na, pwede ring sumama ka nalang." Pagpupumilit pa nito at niyuyogyug pa ako.

"Mommy, pleaseeee. I really wanted to go outside. Please, Mommy." Sabat naman ni Ayuna sa usapan namin kaya napatingin ako sa kanya.

Napahinga ako ng malalim bago tumango.

"Okay fine! Sasama ako." Pareho namang napatalon si Frank at Ayuna dahil sa sagot ko.

Haynako.

Umakyat na muna ako sa kwarto at nagbihis ng pang-alis. I just wore a simple dress. Simula nung makita kong buhay ang dalawa kong anak ay hindi na ulit ako nagsuot ng nga sexy at daring na damit.

Ayokong maimpluwensyahan si Ayuna na magsuot ng mga gano'n na damit. Matalino pa naman 'yon, gusto niya na kung ano ang isusuot ko ay isusuot niya rin.

Pagkatapos kong magbihis at mag-ayos ay bumaba na ako. Naabutan ko pang nagbabangayan na naman si Ayuna at Karro.

"Can you please shut up, Ayuna?!" Iritang saad ni Karro sa kapatid niyang nagpuputak putak.

Her Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon