Ice Kian Falco POV
Nakatulala akong iniisip ang nakita ko kagabi. Hindi talaga ako makaget over eh.
Kamukhang kamukha talaga namin ni Bedelia yung apat na bata.
Di kaya...
"Hey." Mula sa pagkakatulala ay napatingin ako kay Aize na may subo subo na namang lollipop.
"Hmm?" Kumunot ang noo ko ng ngumuso ito.
"Wala!" Padabog na sagot nito bago ako talikuran.
What the fck?
Napahinga ako ng malalim bago siya kalabitin.
"Aize, may problema ba? Come on, tell me." Humarap naman ito sa'kin at ipinagkrus ang braso niya.
"Maganda ba ako?" Seryosong tanong nito na ikinamaang ko.
"Oo naman, bakit?" Lumapit ako sa kanya para hawakan ang kamay niya.
We both currently here in our living room, may trabaho sana ako ngayon pero ayaw ko namang iwan sila Aize rito.
"Wee? Di nga?" Paninigurado niya pa na ikinakamot ko ng ulo.
Ang cute niya magtanong haha.
Natawa ako sa inakto niya dahil nakanguso pa siya.
"Yes po, sobrang ganda mo." Sagot ko at hinalikan siya sa noo.
Biglang pumasok sa isip ko si Ara. Alam kaya ni Aize na andito kapatid niya.
"Aize... Nasaan si Ara?" Tanong ko na ikinasama niya ng tingin sa'kin.
Luh, nagtatanong lang eh.
"Why?! Do you like her ba? Miss mo na ba siya?!" Singhal niya bago pinaghahampas sa braso.
Inawat ko naman ito at hinuli ang dalawang kamay niya.
"No, nagtatanong lang eh."
"I don't know kung nasaan siya. I don't even have an update about her since 5 years ago." Nagulat naman ako sa sinabi niya.
Kapatid niya 'yon pero wala siyang balita sa kanya?
Pumasok naman sa isip ko si Bedelia. Sasabihin ko ba sa kanya yung nakita ko? Pero kahit naman sabihin ko ay wala siyang magagawa dahil nasa kulungan siya.
Wala namang sakit si Bedelia sa pag-iisip, nagawa niya lang 'yon dahil sa kagustuhan niyang gumanti. At napatunayan naman 'yon ng kinunsulta siya ng psychiatrist.
Anyway, kung anak man ni Bedelia ang apat na bata na 'yon dahil sa pangra-rape niya kay Ara... Edi wow.
Alam kong mahirap sa part ni Ara na nagbunga ang kababuyan na ginawa sa kanya ng kakambal ko pero sana mahal niya yung mga bata. Pero sa nakita ko kagabi, mukha namang alagang alaga at mahal na mahal niya yung apat.
Kailangan kong makausap si Ara tungkol sa mga bata.
Nabalik ako sa ulirat ng may malambot na bagay ang lumapat sa labi ko.
"Ayan, bumalik ka na ba sa katawang lupa mo?" Mataray na tanong niya matapos akong halikan.
"Hindi pa nga eh, isa pa nga." Pang-aasar ko rito, nakatanggap naman ako ng hampas galing sa kanya.
Nasa ganoong sitwasyon kami ng pumasok ng sala si Mama Aizen kasunod ang dalawang tyanak– este dalawang anak namin ni Aize.
"We need to talk." Malamig na bungad nito sa'min at pareho kaming binalingan ng tingin ni Aize.
BINABASA MO ANG
Her Obsession
General Fiction"Kian is mine, mine alone." - Gaia Aize Vermilion. "Magkapatid tayo, Aize!" - Ice Kian Falco. Warning: GXG STORY! Start: November 17, 2022 End: February 18, 2023