Chapter 4

19.7K 555 112
                                    

Ice Kian Falco POV

Nagising ako dahil sa init na tumatama sa maganda kong mukha.

Dana dahan kong minulat ang mata ko. Kita kong hindi akin itong kwarto at tsaka ko lang naalala na andito pala ako sa condo ni Aize.

Gagalaw sana ako ng may maramdaman akong yumakap sakin kaya napatingin ako dito.

Napakunot ang noo ng mapansing parang hubad ito sa ilalim ng kumot kaya marahan kong iniangat ng kumot para siguraduhin.

Nanlaki ang mata ko at agad na napabangon ng makitang pareho kaming hubo't hubad sa ilalim ng kumot.

What the hell, anong nangyare!?

Pilit kong inaalala ang nangyari kagabi. Nagsimula don sa pag inom ko ng coke na bigla kong ikinahilo hanggang sa mapunta ako sa kwarto ni Aize at ng halikan niya ako. Biglang nag flashback lahat ng alaalang nangyari kagabi.

Mariin akong napapikit at sinambunutan ang sariling buhok.

Mali to.

"Kian." Tawag sakin ng nasa likuran ko.

Naramdaman ko ang paghawak nito sa likuran ko kaya napalayo ako rito.

Alam kong may ginawa siya kagabi kaya ganon nalang kabilis uminit katawan ko.

"Anong ginawa mo, Aize!?" Pinipigilan ko talaga ang sarili na magalit.

Kinuha ko ang unan at itinakip ito sa ari at dibdib ko bago tumayo.

"A-Aize, b-bakit mo yon ginawa?" Utal kong tanong na ikinangisi niya lang.

Napalunok ako ng tumayo siya kaya nalaglag ang kumot na tumatakip sa hubad niyang katawan.

"Eyes up here, baby. Your thing getting hard again." Hindi ko namalayang nakalapit na siya sakin kaya napaatras ako.

"A-Aize? Ano ba to!?"

"Ano? Gusto mo rin naman yung nangyare kagabi eh. Look." She handed me her phone na ikinakunot ko ng noo.

Sinenyasan niya akong tanggapin ito kaya tinanggap ko nalang. Lumapit siya sakin at pinindot ang cellphone. Agad na umungol ito pagkapindot kaya nabitawan ko ang cellphone niya.

"Aize!" Bigla naman siyang natawa sa reaksyon.

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya dahil wala siyang kahit anong saplot sa katawan.

"What? Watch our love making last night. You enjoy it." Ibinalik ko ang tingin sa kanya. Kita kong nakangisi siya.

Pano na to!?

"You drugged me, Aize! Kaya ko nagawa yan kagabi dahil sa nilagay mo sa inumin ko!" Lumapit siya ulit sakin kaya napaatras ulit ako hanggang sa wala na akong maatrasan na ikinalaki ng ngisi niya.

Idinikit niya ang katawan niya sakin at ipinalibot ang braso sa batok ko na siyang mas lalong nagpalakas ng tibok ng puso ko dahil sa kaba.

Hindi ko siya maitulak dahil baka mahulog ang unan na nakatakip sakin.

"So what? Panindigan mo ako Kian kung ayaw mong isumbong kita kay Dada, hmm? Ano nalang kaya sasabihin ni Dada kapag inamin ko sa kanyang ginalaw mo ako? Ano kaya masasabi niya na ang dating pinalaki niya ay ginalaw ang tunay na anak niya. What do you think, hmm?" Biglang nag igting ang panga ko dahil sa mahabang sinabi niya.

Napaisip naman ako sa sinabi niya. Ayokong magalit si Dada Zeref sakin. Pero kahit naman panindigan ko si Aize ay malalaman at malalaman ni Dada Zeref ang nangyari samin dahil walang sikretong hindi nabubunyag.

Her Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon