Chapter 30

8.9K 324 73
                                    

Gaia Aize Avila Vermillion POV

I slowly open my eyes, agad na bumungad sa'kin ang puting kisame. What happened?

Ramdam ko ang pangmamanhid ng buong katawan ko, sinubukan kong igalaw ang daliri ko pero hindi ko magawa.

"Aize?! Anak, naririnig mo ba ako? Ara! Tumawag ka ng doctor sabihin mo gising na si Aize, bilis!!!" It's Dada Zeref.

"Aize? Hey, it's me your gorgeous mother. Are you okay- ouch! What the hell Zeref! Why did you hit me?" Inis namang tanong ni Mama Aizen.

"Kita mong nacomatose tas tatanungin mo kung okay lang ba, syempre di siya okay." Sagot naman ng Isa.

Habang nag-aaway sila ay biglang pumasok ang Doctor at lumapit sa'kin.

Inaalala ko kung anong nangyari kung bakit ako napadpad dito.

Suddenly I remember what I saw sa labas ng restaurant, kung paano sila maghalikan, kung paano sila kalapit sa isa't-isa at kung paano kasaya ang mata nilang dalawa habang magkasama.

Bigla kong naalala ang anak ko. I hope he/she's okay.

Naramdaman kong hinawakan ng doctor ang mata ko at parang chinicheck ito bago tumingin kina Mama at Dada.

"Hindi pa masyadong okay ang pasyente, Mrs. and Mrs. Vermillion. Kailangan niya pang mag stay dito para siguraduhin kaligtasan niya." Pag-uulat ng doctor na ikinatango nina Mama at Dada.

Pakiramdam ko may gusto pang sabihin ang doctor.

"Mauuna na ako, Misis. May mga iba pang pasyente kailangang asikasuhin. Pagaling ka iha." Akmang aalis na ito ng magsalita ako.

Hirap man magsalita dahil sa tubo na nakakabit sa'kin ay kinaya ko.

"Y-Yung a-anak ko." Hirap na usal ko kaya napahinto ang doctor.

Lumingon ito sa'kin at tinignan sila Mama at Dada.

"Ang magulang mo na ang bahalang magsabi, hija." Sagot nito bago tuluyang lumabas.

Napatingin ako kay Mama at Dada na ngayon ay nakayuko. N-No. Hindi pwede.

"Aize." Tawag pansin sa'kin ni Dada at hinawakan ang kamay ko. "Anak, I'm so-" hindi natapos ang sasabihin ni Dada ng biglang may marahas na bumukas ng pinto.

At doon ko nakita ang taong dahilan ng lahat ng 'to.

Kita ko kung paano niya ako tignan ng walang emosyon at dahan dahang naglakad palapit sa'kin. Pero hindi pa siya tuluyang nakakalapit ay agad na siyang natumba dahil sa pagsugod ni Dada Zeref sa kanya.

"Anong karapatan mong pumunta rito?! Pagkatapos ng katangahan mo may gana ka pang magpakita??? Ang kapal naman ng mukha mo!" Sigaw ni Dada kay Kian at hinawakan ang kwelyo nito.

Agad namang lumapit si Mama at Ara sa kanila para paghiwalayin ang dalawa. Hawak hawak ni Mama si Dada at hawak naman ni Ara si Kian.

Mga traydor.

Napatingin ako kay Ara na ngayon ay nakayakap kay Kian.

Hitad kang babae ka.

"Masaya ka na ba?! Masaya ka na ba, Aize?!" Sigaw ni Kian na muntik kong ikalundag dahil sa gulat.

Anong ibig niyang sabihin?

I managed myself na hindi magpakita ng ano mang emosyon.

"Sino ka?" Maang na tanong ko sa kanya.

Her Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon