Ice Kian Falco POV
Napakamot ako ng ulo at lihim na napamura dahil hanggang ngayon ay hindi parin ako pinapansin ni Aize.
Isang linggo mula ng pumunta sila Mama Aizen at Dada Zeref dito, isang linggo na rin akong hindi pinapansin ni Aize.
Ginawa ko na lahat para mapansin niya ako, naging spiderman pa ako, naging Pooh at naging si Ben ng Ben10 pero wala talaga.
Kasalukuyan akong naka tingin kay Aize na ngayon ay nasa tabing dagat hawak hawak ang tiyan niya.
Ang hirap ng ganito. Hindi ako sanay na ganito makitungo si Aize sa'kin. Para lang akong hangin sa kanya.
Ni hindi na rin siya nag re-request ng cravings niya sa'kin. Hay nako.
Agad na lumusob ang kaba sa dibdib ko ng makitang may tumulo na luha galing sa mata niya habang hawak hawak parin ang tiyan niya.
Nakapwesto ako sa hindi kalayuan sa kanya. Hindi ko magawang lumapit dahil alam kong hindi niya parin ako papansinin.
Gano'n ba siya kanasasaktan? Ang tanga ko nga talaga.
Napabuntong hininga ako bago napagdesisyonang lapitan siya. Pero hindi pa ako tuluyang nakakalapit sa kanya ay tumayo na ito at naglakad papasok ng bahay.
Napakagat ako ng ibabang labi bago napahilamos ng mukha. Ano pa bang kailangan kong gawin?
Napailing nalang ako sa kawalan bago siya sundan papasok ng bahay. Pagkapasok ay tahimik agad ang bumungad sa'kin.
Nagtaka ako dahil hindi ko nakita si Aize sa sala eh doon siya palagi nakatambay. Napagdesisyonan kong umakyat sa kwarto naming dalawa. At hindi ako nagkamali dahil nakita ko ito.
Kumunot ang noo ko ng makitang ipinapasok nito ang mga gamit ko sa loob ng maleta.
"Aize? Ano gagawin mo sa gamit ko? Aalis ba tayo?" Tanong ko sa kanya bago lumapit dito.
Hindi siya sumagot bagkus ay pinagpatuloy lang ang paglalagay ng mga damit ko sa loob ng maleta.
Nagtataka man ay hinayaan ko ito, tinulungan ko na rin siyang maipasok ang mga damit ko. Ilang sandali bago kami natapos maipasok lahat ng damit ko at doon niya na ako tinignan.
Walang kaemo-emosyong mata ang nakatingin sa'kin ngayon.
"You can leave now. Susunduin ka ng mga tauhan ko. Here, ako na nagligpit ng mga damit mo para hindi ka na mahirapan." Mapait itong ngumiti bago inabot sa'kin ang maleta.
Nabitawan ko ang maletang ibinigay niya sa akin at agad na umiling iling sa kanya.
Bakit?
"What? B-Bakit, Aize? O-Okay naman tayo diba? Aalagaan ko kayo ng baby. 'Wag gan'to, Aize." Lumapit ako sa kanya para sana yakapin siya pero umatras lang ito na ikinasakit ng dibdib ko.
Fck.
"No. I can handle my self and the baby. Pwede ka ng umalis." Tumalikod na siya at pumasok ng banyo.
Pagkapasok niya ay tsaka naman pumasok ang isa sa mga tauhan nito.
"Ma'am, aalis na raw po tayo." Kinuha nito ang maletang hawak ko at nauna ng lumabas.
Ito naman ang gusto ko diba? Ang makatakas? Ang makaalis ka puder niya? Pero bakit ngayon tila hirap na hirap akong gawin 'to?
Ayoko siyang iwan at ang anak namin.
Ang tanga ko. Nasaktan ko siya. Tngina.
Dali dali akong tumakbo pababa para habulin ang punyetang kumuha ng maleta ko.
BINABASA MO ANG
Her Obsession
General Fiction"Kian is mine, mine alone." - Gaia Aize Vermilion. "Magkapatid tayo, Aize!" - Ice Kian Falco. Warning: GXG STORY! Start: November 17, 2022 End: February 18, 2023