Ice Kian Falco POV
Tahimik kong pinagmamasdan si Aize na ngayon ay kumakain ng mangga habang sinasawsaw sa kape.
Pagkarating ko rito sa kusina nila ay siya agad ang naabutan kong kumakain ng mangga.
Hindi ko alam kung mandidiri ba ako o ano eh.
"You want?" Nabalik ako sa ulirat ng magtanong siya.
Nakangiwi ko itong inilingan na ikinaseryoso ng awra niya.
"Try it." Malamig na usal niya na ikinalunok ko bago dahan dahang umiling ulit.
Nagulat ako ng makitang nangilid ang luha nito at napalabi.
"I hate you. You don't love me anymore." Bulong niya na narinig ko naman.
Napa sign of the cross nalang ako bago dahan dahang lumapit sa kanya at kumuha ng hiniwa niyang mangga.
"K-Kain ako o-oh. T-Tignan mo." Utal na saad ko bago mabilis na isinawsaw ang mangga sa kape niya at agad itong kinain.
Napangiwi ako ng malasahan ito.
"Ang sarap noh?" Nakangiting tanong niya na pilit kong ikinatango.
Pinilit ko nalang na lunukin ang mangga at di na nginuya nguya. Bahala na 'yon.
Nanlaki ang mata ko ng sinubuan ulit ako nito ng panibagong mangga na sinawsaw niya ulit sa kape. Hinawakan ko ang kamay niya at umiling na sa kanya.
"S-Sayo na 'yan hehe. Busog pa ako eh." Pagdadahilan ko.
Mariin ako nitong tinignan bago tumango na ikinahinga ko ng maluwag.
Bigla naman akong napaisip sa mga nangyayari sa kanya.
Posible kayang...
Pareho kaming napalingon ni Aize ng may biglang pumasok sa kusina. Kita ko si Mama Aizen na sobrang laki ng ngiti habang may hawak hawak na basket na may lamang mga prutas.
Kumunot ang noo ko ng mapansing sobrang saya niya ata.
"Hi, here I bought a fruits for you. Eat that, 'kay?" Malambing na saad niya kay Aize na ikinatango lang ni Aize at nagpatuloy muli sa pagkain ng mangga.
Tumingin naman sa'kin si Mama Aizen at ngitian ako. Ahm, okay? What's going on?
"Kamusta pakiramdam mo?" Tanong ni Mama Aizen bago naupo sa tabi ni Aize.
Kita kong napangiwi ito ng mapansin ang kinakain ni Aize.
"I'm fine, its just I hate Kian's smell." Sagot ni Aize habang patuloy parin sa pagkain ng mangga.
Napakunot ang noo ko at inamoy amoy ang sarili ko. Luh, kakatapos ko lang maligo eh.
"Kakatapos ko lang maligo ah." Nag-angat siya ng tingin. Napalunok ako ng bigyan ako nito ng masamang tingin.
Sabi ko nga mananahimik nalang ako.
"That's okay, normal lang 'yan. Here, buti nalang may dala akong pabango. Amuyin mo." May kinuha si Mama Aizen sa isa sa mga paper bags na dala niya.
Kita kong pabango nga ito at pinaamoy kay Aize. Tumango tango si Aize at nag thumbs up. Eh?
"Bumili ka ng ganyan oh, ang baho mo." Napanganga ako sa sinabi niya.
Hindi naman ako nagpalit ng pabango eh, sa katunayan nga ito yung paborito niyang pabango na ginagamit ko dati kaya di na ako nagpalit ng pabango.
Ang weird niya talaga.
BINABASA MO ANG
Her Obsession
General Fiction"Kian is mine, mine alone." - Gaia Aize Vermilion. "Magkapatid tayo, Aize!" - Ice Kian Falco. Warning: GXG STORY! Start: November 17, 2022 End: February 18, 2023