Chapter 28

9.7K 330 73
                                    

Gaia Aize Avila Vermillion POV

"Aize, alis muna ako." Agad akong napatingin kay Kian dahil sa sinabi niya.

The heck, kakatapos lang namin mag ano tapos aalis agad siya?

"Saan ka pupunta?" Tanong ko at hinawakan ang braso niya para pigilan siya ng akmang tatayo na ito.

Napatingin naman siya sa'kin ng ilang segundo bago nag iwas ng tingin.

"Sa kompanya lang, naalala ko may naiwan pala akong files doon. Babalik din ako agad." Sagot niya naman, alam kong hindi siya nagsasabi ng totoo.

The heck, iiwan niya ako mag isa rito eh paano kung pumunta rito yung nag text sa'kin kahapon?

Tuluyan siyang tumayo at pinulot ang mga damit na nasa sahig.

"No, hindi ka aalis." Napahinto siya sa pagpulot at tinignan ako.

The heck, di ba muna siya magbibihis? Nakahubad pa siya oh gosh.

"Huh? Pero kailangan kong kunin yung files sa kompanya, Aize." Pagpupumilit niya bago naglakad papunta sa closet.

Kinuha ko ang cellphone ko na nasa gilid ko lang at minessage si Mama.

To: Me
Mama, aalis siya.

Naghintay ako ng ilang segundo bago ko natanggap ang reply niya.

From: My gorgeous mother
Sundan mo tanga.

Ugh! Nakalimutan ata ni Mama na buntis ako. Gosh.

But that's a great idea. Tumayo na ako para maligo na rin, alam kong naliligo na rin si Kian kaya makikisabay na ako.

Pagpasok sa banyo ay nakita ko itong nakalublob sa bath tab at nakapikit. She's so cute.

Agad siyang napamulat ng mata at tinignan ako ng ilang segundo bago ulit pumikit. What the fck? Di man lang niya ba ako aayain sumabay sa kanya???!

Padabog akong naligo mag isa at di siya pinansin. Bahala siya. Ramdam ko ang tingin niya sa'kin, but who cares. Di naman ako marupok.

Natapos akong maligo nang hindi siya pinapansin, tignan lang natin kung sino mas mataas pride.

Paglabas ng banyo ay agad akong nagbihis ng pang-alis, siyempre dapat pormado parin kahit na susundan ko lang siya.

While putting a make up in my face ay narinig ko ang pagbukas sarado ng pinto ng banyo, hindi ko ito binigyan ng tingin dahil alam kong siya naman 'yon.

"Saan ka pupunta?" Rinig kong tanong niya kaya napatingin ako sa reflection niya sa salamin.

She's wearing a bathrobe at nakakunot ang noong nakatingin sa'kin.

Inikutan ko lang ito ng mata at pinagpatuloy ang ginagawa.

"Aize, I'm asking you. Saan ka pupunta?"

"It's none of your business." Sagot ko bago siya ikutan ng mata at pinagpatuloy ang pagpapaganda.

Wala akong nakuhang sagot sa kanya pero ramdam ko parin ang tingin nito na isinawalang bahala ko nalang.

Ilang minuto lang ay natapos ako, and pak! Gorgeous as ever. Manang mana talaga kay Mama Aizen, hays.

Napatingin naman ako sa gawi ni Kian, at kita kong nakatingin din ito sa'kin. Baka sa mata niya ang paghanga at pagmamahal. Well, ako na 'to e.

Her Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon