Chapter 19

13.1K 469 209
                                    

Ice Kian Falco POV

Mahigit dalawang oras ang ginugol kong paghihintay kay Angel, pero wala talagang Angel ang nagpakita.

Pinagtitripan ata ako nun eh.

Napabuntong hininga muna ako bago tumayo, sakto namang pagtayo ko ay tumunog ang cellphone ko.

Galing sa number ni Angel kaya agad ko itong binasa.

From: 09**********
Hi, I'm with God.

Eh?

Gago, kay Lord ba siya nakipag meet?

Naiinis kong binalik ang cellphone sa bulsa ko bago lumabas ng restaurant. Tngina nagugutom na ako.

Mag-aalas 9 na.

Pagkarating ko sa bahay ay katahimikan agad ang bumungad sa akin, tulog na siguro si Jaja.

Dumiretso na ako ng kusina dahil nagugutom na talaga ako. Ngunit hindi inaasahang tao ang naabutan ko rito.

Sabay silang napalingon sa akin, kita ko rin ang paglaki ng mata ni Luna.

"H-Hey b-babe, kumain ka na ba? Nagluto ako ng dinner para sa'yo. C'mon join us." Mukhang alangan pa siya.

Tipid akong ngumiti rito bago umupo. Bale kaharap ko silang dalawa ng estudyante niya.

Kumain na sila sa restaurant kanina ah, kakain na naman?

Nagtaka ako ng tumayo si Luna at lumipat ng pwesto para tumabi sa akin. Napatingin ako sa estudyante niya na ngayon ay nakatingin sa aming dalawa.

Ipinagsandok ako ni Luna kaya nailang ako. Hindi ba siya nahihiya sa girlfriend niya?

"Err, Luna ako na. Kaya ko naman na, may kamay ako. Balik ka na roon sa pwesto mo kanina." Saad ko rito ng akmang susubuan niya ako.

Ngumuso naman ito at napabuntong hininga.

"Just let me do it, babe. Asawa naman kita eh." Mahinanong saad nito sa akin pero inilingan ko lang ito.

Baka masampal ako ng girlfriend niya gagang 'to.

"Hindi na. Kaya ko na. Ayan oh may kamay ako hehe." Iwinagayway ko pa ang dalawang kamay ko sa harap niya bago sumubo ng pagkain.

Narinig ko ang pagbuntong hininga nito pero hindi ko na pinansin pa.

"Anyway babe, she's Kalilah Elora Zendorfa my student. Dito muna siya makikitulog tonight dahil magpapatulong ako pagcheck sa mga test papers." Pagpapakilala nito sa babaeng kasama niya.

Ngumiti naman ako sa babae at inilahad ko ang kamay ko rito. Akmang kukunin na sana ni Kalilah ang kamay ko ng hawakan ni Luna ang kamay ko at ibinaba ito.

"No need to shake hands, babe." Nakangiting saad sa akin ni Luna na ikinatango ko nalang.

"I'm Ice Kian Falco." Pagpapakilala ko rito na ngitian lang ng babae at tumango.

Nagpatuloy kami sa pagkain at si Luna naman ay todo asikaso sa akin. Hindi ko maiwasang mapatingin sa babaeng kaharap namin na ngayon ay todo yuko. Hays.

Pagkatapos kumain ay nagpresinta si Kalilah na maghugas na tinutulan ko pero ang sabi ni Luna ay hayaan nalang daw.

Wala na akong nagawa dahil kahit anong pilit ko kay Luna na ako nalang maghuhugas ay hindi ako nito pinayagan subalit ay hinila lang ako nito paakyat sa kwarto niya.

Hindi kami iisa ng kwarto dahil nag request talaga ako kay Dada Axcel na kahit sa kwarto nalang magkahiwalay kami.

Pagkarating sa kwarto nito ay nagulat ako ng agad ako nitong halikan sa labi. Hindi agad ako nakagalaw dahil sa gulat.

Her Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon