Chapter 32

8.6K 337 85
                                    

Ice Kian Falco POV

"Please, Ara, kahit ngayon lang hayaan mo akong makausap kapatid mo." Pagmamakaawa ko sa kanya pero walang emosyon lang itong nakatingin sa'kin.

Balak ko sanang kausapin si Aize ngayon pero alam kong hindi ako hahayaan nila Mama Aizen at Dada Zeref na makausap ang panganay nila kaya pinapakiusapan ko si Ara na gawan ng paraan.

"Ara, please. Kahit ngayon lang hayaan niyo akong makausap si Aize. Nagmamakaawa ako, Ara." Lumuhod ako sa harap niya.

Kita ko ang paglaki ng mata nito at agad akong tinulungan para itayo pero nagmatigas ako.

"What the! Ano ba, tumayo ka nga!!" Naiinis na usal nito na ikinailing ko.

"Hindi ako tatayo hangga't hindi ka pumapayag. Please, Ara. Kahit ngayon lang. Hayaan mo akong makausap siya." Napahilot ito sa sentido bago napabuntong hininga.

"Oo na, oo na! Pinapahamak niyo lang sarili niyo eh." Hindi ko narinig ang huling sinabi nito pero nasiyahan naman ako dahil napapayag ko siya.

Si Ara nalang talaga ang makakampi ko bukod kay Jaja.

Tumayo ako at ngumiti sa kanya.

"Salamat, Ara! Salamat talaga." Paghinging pasasalamat ko sa kanya.

Nagtaka ako dahil titig na titig ito sa'kin kaya tumikhim ako dahilan para mapaiwas siya ng tingin.

"Oo na. Aalis na muna ako, may need pa pala akong puntahan. Message nalang kita mamaya." Pagpapaalam nito at agad na lumabas ng condo.

And yeah, kaming dalawa lang dito sa condo. Wala si Jaja dahil busy ito sa paghahanap ng trabaho. Binisita lang din ako ni Ara para kamustahin.

Napahinga naman ako ng malalim bago sumandal sa sofa. Nakakapanibago ang buhay na ganito.

Nakakapanibago na wala akong Aize na nakikita. Walang Aize na manghihingi sa'kin ng kiss every morning. Nakakapanibago na walang Aize ang yayakap sa'kin kapag matutulog na ako.

Gusto ko siyang makasama pero mas gusto kong ayusin muna ang problema. Ayokong mapahamak ulit siya dahil sa'kin.

Narinig kong tumunog ang cellphone ko kaya tamad ko itong kinuha mula sa bulsa ko. Sino na naman kaya 'to.

Pagtingin ko ay kumunot ang noo ko ng makitang si Dada Axcel ang nagmessage.

From: Dada Ax
Mag-iingat kayo jan, nak. Malapit lang siya sa inyo.

Agad akong nakaramdam ng kaba dahil sa message niya. Kilala niya ba kung sino ang nasa likod ng lahat ng 'to? Pero paano, e wala naman siya rito sa Pinas?

Tngna, sino ba talaga may pakana ng lahat ng 'to? Ano bang atraso ko sa kanya?

Tumunog ulit ang cellphone ko kaya tinignan ko ulit ito. Dumoble ang kaba ko ng makitang ang unknown number ang nag text sa'kin.

From: 09**********
Mga tanga. Mga bobo. Manang mana ka sa nanay mong bobo na baliw.

Napakuyom ang kamao ko. Hindi dahil sa sinabi niyang tanga at bobo. Anong karapatan niyang tawaging bobo at baliw si Mama Cherry?

Speaking of her. Agad akong pumasok sa kwarto ko para magbihis. Bibisitahin ko siya.





Pagdating sa mental hospital ay agad ko namang nakita si Mama Cherry.

Ngayon nga ay magkaharap kaming dalawa. Matagal tagal na mula ng mabisita ko siya. Masasabi kong ang daming nagbago sa katawan niya.

Medyo tumaba na siya at hindi na katulad ng katawan niya dati. Hindi na rin siya mukhang stress or what.

Her Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon