Ice Kian Falco POV
"Tama na 'yan, besh. Limang taon ka ng ganyan, hanggang kailan mo ba palalayain ang sarili mo ha?" Awat sa'kin ni Jaja pero hindi ko ito binigyan ng pansin at patuloy na itinungga ang bote na may lamang alak.
It's been a five years. Limang taon, limang taon na parang impyerno ang buhay ko.
Limang taon ko na siyang hinahanap pero hindi man lang ako nagtagumpay.
Sa limang taon na 'yon wala akong ibang ginawa kundi ang magtrabaho at ang hanapin siya. Pero bakit parang ayaw ata ng tadhana?
Umalis siya ng walang pasabi, ni hindi ko alam kung ano ba nagawa kong mali.
"Hayaan mo na ako." Sagot ko kay Jaja.
Narinig ko ang pagreklamo niya pero hindi ko na binigyan pa ng pansin. Napasandal ako sa sofa at ipinikit ang mata ko.
Hanggang kailan mo ako papahirapan ng ganito, Aize?
Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa sofa. Nagising nalang ako kinaumagahan ng may maramdaman kong may maliit na kamay na tumatapik sa'kin.
Dahan dahan kong minulat ang mata ko at agad na bumungad sa'kin ang napaka cute na bata na palaging umiistorbo ng tulog ko.
"Good mowning, Tata!" Maligalig na bati nito bago pumatong sa'kin at pinaghahalikan ang mukha ko.
Mahina naman akong natawa bago siya hinalikan sa pisngi na ikinanguso niya.
"Good morning, my beautiful baby!" Bati ko naman sa kanya bago dahan dahang umupo.
Umayos ito ng pagkaka upo sa kandungan ko at hinawakan ang kamay ko.
"Let's play, Tata!" Aya nito na agad kong tinanggihan.
Jusko, aga aga pa laro agad.
"May work pa si Tata, baby eh. Si Dada mo muna makikipag play sa'yo ha?" Ngumuso naman siya bago napipilitang tumango sa'kin.
Sakto namang pumasok si Jaja sa sala. Dito sila kasama ako dahil ayaw naman akong iwan ni Jaja. Ewan ko ba sa kanya, ilang beses ko na sinabihan na kaya ko naman sarili ko pero dahil dakilang makulit siya ayaw makinig sa'kin.
May asawa't anak na pero eto, kasa kasama parin ako.
"Come baby, mag bebreakfast na tayo. Besh, halika na. Naka ready na breakfast." Aya nito at lumapit sa'min para kunin ang anak niyang ang higpit ng kapit sa'kin tila ba ayaw pa bumitaw.
Kita kong nagpalitan ng masasamang tingin ang mag-ama kaya natawa ako at ibinigay na ang bata kay Jaja.
"Hilamos lang muna ako, Ja." Tumango ito bago ako sinabihang hihintayin nalang ako sa kusina.
Pagdating sa banyo ay agad kong ginawa ang dapat kong gawin. Habang nag sisipilyo ay napatingin ako sa sarili ko sa salamin.
Naknampucha ang ganda ko.
Natawa nalang ako sa isip ko bago dali daling tinapos ang pagsisipilyo at lumabas na ng banyo.
Pagkarating ko sa dining room ay kita kong nagbabangayan na naman ang mag-ama. Kita kong napapa iling nalang ang asawa nito dahil sa kaingayan ng dalawa.
"Good morning, Keanna. Kain na." Aya sa'kin ni Violet na tinanguan ko naman at umupo sa kaharap nitong upuan.
Oo si Violet. Binuntis ba naman ni Jaja kasi palagi raw siyang inaasar ni Violet na bakla. Siraulo amputek.
BINABASA MO ANG
Her Obsession
قصص عامة"Kian is mine, mine alone." - Gaia Aize Vermilion. "Magkapatid tayo, Aize!" - Ice Kian Falco. Warning: GXG STORY! Start: November 17, 2022 End: February 18, 2023